Share Your Love!

Pen-pen de Serafin

Bestfriend sina Pen-pen at Serafin halos sabay sila sa lahat ng bagay dahil na rin sa mag kakaibigan ang mga magulang ay sabay na rin sila sa eskwelahan. Pero nabago ang lahat sa kanilang pag bibinata ng mahulog ang loob ni Pen-pen kay Serafin.

Ano na nga lang ba ang manyayari sa pag kakataon na malaman ni Serafin ang lihim ni Pen-pen? Paano nya matatanggap ang kaibigan sa totoo nitong pag ka tao? Mamahalin din ba n’ya ito kahit pareho sila ng kasarian?

Babaliwalain nga lang ba ni Serafin ang lahat ng sakripisyo ni Pen-pen kahit na buong buhay nito ang pwedeng masira dahil sa kasalanan na ginawa nya?

My Prince Charming

Kelan kaya makikita ni Lyka? Ang alam nya sa Prince charming mayaman, edukado at guwapo…. Nang makilala niya si Matthew ang suplado nilang kapitbahay, pinagpantasyahan niya ito, at hiniling na sana ito n ang kanyang prince charming kaso masyado itong suplado… at twing nakikita niya ito, kumukulo ang dugo nya, hindi nya makakalimutan ang araw na minsan pinagbintangan siyang magnanakaw ang worst ipahabol sa aso….

Akala Ko Hindi Mo Pansin

Pangarap ni Jean ang makapag-asawa ng mayaman na hahango sa kanya sa kahirapan. Foreigner, o kahit pilipino, basta mayaman, o milyonaryo. Hindi niya type ang poor, kahit guwapo. Pero masisira yata siya kay Joshua, isang guwapong lalaki pero ‘boy’ lang sa resort na iyon. Nangungulit ito na makipaglapit sa kanya, kahit lagi niyang ini-snob. Pero sa dakong huli, natagpuan niya ang sarili na naghahabol na rito.

No matter what, kahit na poor ito, ang mahalaga, he kissed her gently, he kissed her hard, at kaya siyang dalhin sa langit kahit hindi siya makasakay sa airplane. And she doesn’t care now kung magdildil man sila ng asin sa hinaharap, basta mahal niya ito…

Santi Sixto

Ang gustong buhay ni Santi Sixto ay iyung mabagal pero tiyak. Iyung simple pero nakakasiya. Kaya naman ang binatang Santiara ay kuntento sa easy pacing of life sa San Simon. Sapat nang nagsa-scientific farming siya sa maliit na lupang katabi ng Santiara. But he is not cut out for a simple life, his destiny is to be loved by someone so beautitul and so rich… someone na ang mga mata ay brilliantly green at ang buhok ay golden brown. Talagang nabaligtad ang mundo ni Santi Sixto nang makilala ang napakagandang dayuhan na si Marissa Carrera Johnson… ang American-Mexican na marunong mag-Tagalog dahil ang nakalakihang yaya ay isang purong Pilipina.

Hercule

Naakit si Hercule sa isang eksotikang kagandahan, si Marinela. Pero maganda lang pala ang dalaga kung hindi nakangiti. Kasi’y bungi ang ngipin, at takot sa dentist. Nang sa wakas ay nagawan ng paraan ang problema ni Marinela at ito ay naging sikat na image model ng Castillo De Amor Complex, lalo naman silang nagkalayo ni Hercule…. lalong nagkalabuan ang kanilang mga puso. Hanggang sa muli na namang nagkaroon ng kapintasan si Marinela at ginamit niya ang pagkakataon na ito para alamin kung kaya siyang mahalin ni Hercule…. nang buung-buo.

The Neighbors

Pagkat bigo sa pag-ibig, sa pagkain ibinaling ni Liza ang kanyang galit at himutok. Tumaba siya. Nang ipahiram sa kanya ng best friend niyang si Divie ang engagement ring na bigay ng gwapong suitor nito na si Sammy, sumikip ang singsing sa daliri niya. Bakit habang nagre-reduce para mahugot ang singsing ay nabaling kay Liza ang pag-ibig ni Sammy? Karibal pa ni Sammy kay Liza si Boboy, ang makulit nilang kapitbahay.

Loved By The Rules

Nasanay si Dominic na nasusunod ang lahat ng gusto, nagagawa ang nais, at umaayon ang mga pangyayari sa kanyang mga plano. Pero nang makilala niya si Jackie, taliwas sa lahat ng kanyang mga plano ang naganap. Taliwas din ang mga katangian ng dalaga sa babaeng pangarap niya. But he fell in love with her so much… pero nakahanda ba siyang tanggapin ang mga kamalian nito… ang mga kapalpakan at kagagahan? Sumagot ang kanyang puso… to hell with everything… gagawin niya ang lahat maging kanya lang ang dalaga….

Isang Milyong Pag-Ibig

Pangalawa sa tatlong magkakapatid si Emmalyn. Sa pagkamatay ng kanyang kasintahang si Rogelio Bernardo ay parang bulang naglaho ang kanilang mga pangarap.

Namamasukan si Emmalyn sa isang burger house, kung saan niya nakilala si Rando, ang binatang nagkagusto sa kanya, at si Adrian Vergara isang anak-mayaman.

Nagbago ang uri ng pamumuhay ng dalaga nang mapilitan siyang tanggapin ang alok na kasal ni Adrian, na hindi naman niya iniibig kundi dahil lang sa matinding pangangailangan.

Iisa ang dahilan kung bakit naganap ang kasalan ng dalawa: salapi. Iyon lang ang nalalabing paraan para sa naguguluhang si Emmalyn.

Taghoy Sa Hatinggabi

Gusto ng milyonaryong si Randy Madrilejo na maging kakaiba ang atmosphere ng honeymoon nila ng asawang si Aleli. Kaya’t nagpatayo siya ng isang bahay kubo sa gitna ng palanas upang doon ganapin ang kanilang pulotgata…

Subalit ang inaasahan nilang magiging maligayang pag-uulayaw ay nauwi sa isang makapanindig balahibong honeymoon nang sila’y gambalain ng mga TAGHOY SA HATINGGABI…

Pilak Na Bughaw

Ang Salvacion at Awitan ay dalawang barangay na magkatabi pero magkaiba. Barangay ng mayayaman ang Salvacion, barangay naman ng mahihirap ang Awitan. Ang barangay captain ng Salvacion ay ang miyembro ng The Zodiac Club na si Francis, ang barangay captain naman ng Awitan ay ang mahirap pero maganda at matalinong si Nevada. Maliliit pa sila noon ay magkaaway na, at napatunayan pa nila na mahirap palang kalimutan ang marka ng nakaraan lalo na kung ang puso mismo ang nasugatan. Ang historical background ng mga Barangay Salvacion at Awitan ay magkaibigan at nagtutulungan, pero ngayon na sina Francis at Nevada na ang mga barangay captains, parang nagkakaroon ng matinding labanan!