Share Your Love!

Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 2

“Marco, napakadulas ng hayup na iyon. Ilang beses na siyang nakakalusot sa mga pulis na nagbabantay sa kanya noong nasa Boracay siya. Ilang babae ang natagpuang patay ngunit hindi man lang nahuli sa actual ang gagong ‘yon. Iyon ang ikinatatakot kong mangyari sa Jean Del Sol na ‘yon.”

Natigilan si Marco.

“Kung kausapin ko si Jean? After all, she’s our employee.”

“You do that?”

“Of course. Para rin naman sa kanya ‘yon, eh.”

Ilang sandaling nag-isip si Joshua.

“Paano kung hindi siya makinig sa iyo?”

“Kailangan niyang makinig.”

“Paano kung sabihin niya kay Steven na may nagmamanman dito?”

“Hindi niya gagawin iyon. Natural na nasa management pa rin ang kanyang loyalty.”

Muling nag-isip si Joshua.

“Sige, kausapin mo siya.”

“SIR?” Nanlaki ang mga mata ni Jean nang malaman ang bagay na iyon.

“Yeah, kaya para rin sa kaligtasan mo, you have to stay away from that german national. Under surveillance ang lalaking iyon dahil sa ilang ulit na pagpatay sa mga babaeng nakikilala niya sa mga beaches na pinupuntahan. Napakatinik lang kaya hindi nahuhuli,” kaswal na wika ni Marco. “Actually, mas prefered niya ang mga dalagita. Medyo may pagka-pedophile siya. Pero dahil siguro nagkakilala kayo, kaya napunta sa iyo ang kanyang atensiyon.”

Nanlumo si Jean. Akala pa naman niya ay makaka-hook na siya ng matabang isda.

“Oh, God! Hindi ko alam!” Kilabot na kilabot siya sa isiping maling lalaki pala ang namataan niya.

“So, didistansiya ka na sa kanya mula ngayon?”

“O-oho,” nakayuko ang ulong tumango na lang siya.

“Good!”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

10 responses to “Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 2”

  • 1 sadface88 says:
    September 22, 2009 at 2:09 pm

    nabasa ko na tong story n 2 kc kompleto ako ng fuentabella saka idol ko talaga c andrea delmonte..

    • 2 Andrea says:
      September 22, 2009 at 9:55 pm

      Thank you for the comment sadface88. It’s always nice to hear this kind of comment from a fan.

    • 3 pink14 says:
      September 23, 2009 at 9:14 am

      ms.andrea nsan po story dun s chap.5 po?

    • 4 icebaby012 says:
      December 26, 2009 at 12:59 am

      Hi! Pwede ko ba malaman kung saan ka madalas bumili ng pocketbooks? Ang hirap kasi makakumpleto ng isang series eh. 😐

  • 5 gedLee says:
    October 6, 2009 at 12:54 pm

    ang hilig ko magbasa ng pocketbook..now q lng naicip n meron pla sa internet nito..kktuwa.

  • 6 knihgtmare.... says:
    October 13, 2009 at 9:01 am

    hi po. nabasa ko po lahat ng series ng the iron eagle magaganda po silang lahat….

  • 7 amx.. says:
    January 27, 2010 at 5:23 pm

    ..tiwasa nyong mga novel b! ky btin keu…

  • 8 amx.. says:
    January 27, 2010 at 5:23 pm

    ….hahahahhahahahhahahaiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii.

  • 9 bleeding_soul says:
    February 6, 2010 at 10:12 am

    nabasa ko na rin po yang story na yan…

    hahaha..

    super po ganda ng mga kuwentong sinusulat nyo…

    kompleto dn po kami niyan…

    auz po ang pag match nyo ng action and romance..

    sana po marami pa kayong maisusulat….:)

  • 10 Ryannie Samantha says:
    August 15, 2012 at 8:27 pm

    AYY!!sabi k0 na nga ba!!!kaya pala pamilyar skin ang pangalan nung island!!

Mag-iwan ng mensahe...