Share Your Love!

Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 3

“Okay, that’s enough for me. I hope you can make it. Bye for now!”Bahagya pa itong kumaway.

“Y-yeah.” Nakangiwing kumaway din siya.

Whoo! Ang hirap namang itaboy ang isang iyon. Hindi pa nakahalata. Humarap siya patungo sa hotel.

“Ay!” Para lang magulat nang mabangga siya sa malapad na dibdib ng kung sino.

“Oh, I’m sorry!” Naging maagap naman ang lalaki sa pagsalo sa kanya kaya hindi siya tuluyang nangudngod sa katawan nito.

“Ouch!” Pero bahagya palang natapilok ang kanyang paa kaya bahagya siyang nauyot.

“Hey, anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong nito.

Awtomatikong nagtaas ng paningin ang dalaga.

Then their eyes met.

It was two deep set of eyes, black, and she has that feeling na tagus-tagusan sa kanyang kaluluwa ang matiim na titig nito.

But still, tila siya nahihipnotismo at tila ayaw niyang ilayo ang paningin sa mga matang iyon.

Sa mga mata ng boy, tubero, at mahirap na pangatlong beses nang sumasanga sa kanyang landas.

“Nasaktan ka ba?” he said in a husky voice.

Tila musika sa pandinig niya ang narinig na boses.

“N-natapilok ako,” wika niya sa mahinang tinig na siya lang yata ang nakarinig.

“Halika sa batuhang iyon, hihilutin ko ang paa mo.” Saka nito tuluyang pinangko ang dalaga.

“Hey!” Saka pa lang parang naalimpungatan si Jean nang maramdaman niyang tila siya lumutang sa ere.

“Upo ka diyan.” Pagkalapag nito sa kanya ay agad na lumuhod upang hawakan ang kanyang paa. “Alin ba dito ang natapilok?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

10 responses to “Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 3”

  • 1 lumen says:
    September 12, 2009 at 8:25 pm

    ay ganda nman sana sunod na ang kabanata maraming salamat po

  • 2 ja-ne says:
    September 14, 2009 at 11:27 am

    sana peron na susunod…maganda ang kwento

  • 3 imee says:
    September 15, 2009 at 1:25 pm

    ang ganda poeh kaya lang bat bitin sana tuloy tuloy hangang sa ending.
    i realy like it . hahanapin ko to sa pocketbook outlets

    • 4 lonely_prince14 says:
      September 16, 2009 at 8:27 pm

      sorry to disappoint you… hindi mo makikita ang story n ito sa mga pocketbook outlets kasi po sariling story po ang nakapost dito… kaya po matagal at putol-putol kasi po, nagiisip pa ung writer ng susunod n idea…

  • 5 nkhcO says:
    September 15, 2009 at 9:09 pm

    ai kilang kaya mai post yong ibang chapter nabitin aq……ganda kc storya

  • 6 GINA says:
    September 16, 2009 at 1:01 pm

    Ay suspense naman! i-post napo nyo ang kasunod….thanks po!

  • 7 lonely_prince14 says:
    September 16, 2009 at 8:30 pm

    ang ganda ng story… pero may nabasa na ako n halos ganito pero ung nabasa ko e nagpapanggap ung guy n mahirap pra mkita kung mhal talaga siya nung girl n ambitious… GOOD JOB……. next chapter nmn…

  • 8 pink14 says:
    September 19, 2009 at 4:38 pm

    eto ba ung end ay nabaldado ung guy…pero d siguro…

    • 9 Andrea says:
      September 19, 2009 at 10:54 pm

      please wait for it 😉

  • 10 Ida says:
    January 28, 2010 at 11:19 am

    mukhang maganda naman yung story kahit di pa tapos, lalo na at sa secluded area nangyayari. siguro mag concentrate lang din sa mga tagalog words na ginagamit kung naaayon ba sa dinidescribe ng story at ung komposisyon ng mga pangungusap kc may mga irregularity. pati ung description sa mga characters may nababago… at pag-isipang mabuti kung nasa tamang rythm ang phase ng story… spice it up… try harder & you’ll see the good benefit afterwards. good luck & have fun!

Mag-iwan ng mensahe...