Share Your Love!

Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 4

“Uy, inspirado dahil na-promote.”

“Siyempre naman. Teka nga pala, bakit ba narito ka? Inaabala mo naman ako, eh. Saan ka ba naka-assign?”

“Sa lobby. Pero may nagpapaabot kasi sa iyo nitong maliit na papel.”

“Ha?” Nagulat pa siya nang ilagay nito sa palad niya ang isang nakatuping papel. “Kanino galing ito?”

“Ewan ko. Iniabot lang sa akin ni Monching, iyong guard na nakatalaga sa main entrance. May nakikisuyo raw na ibigay sa iyo.”

“Ganoon?” Nagtatakang sinipat niya ang nakatuping papel na naka-stapler pa. “Ano kaya ito?”

“Ewan ko. O, sige, punta na ako sa puwesto ko.”

“Sige.” Kunot-noong inalis niya ang pagkaka-stapler niyon.

“Birthday ko ngayon, baka naman puwedeng maimbitahan kang kumain mamaya kapag off ka na? Doon lang sa ihawan ng barbeque sa labas. Please…? — Josh…”

Apat na letra lang ang pangalang nakalagda, pero tila may ginising na kung ano sa dibdib ni Jean ang munting paanyaya na iyon.

Josh, bakit ba kasi bigla kang dumating sa buhay ko? Bahagyang lumamlam ang mga mata niya at wala sa loob na napatingin sa labas ng dingding na salamin ng hotel.

He was there, nakatanaw sa kanya, bahagya pang kumaway kasabay ng isang simpatikong ngiti.

Simple lang ang dapat niyang gawin, irapan ito at itapon sa kalapit na trash can ang maliit na papel.

Baka akala ng lalaking iyon, komo nailigtas siya sa killer-maniac na si Steven, okay na sa kanya na makipaglapit dito.

Pero bahagya siyang ngumiti kasabay nang marahang pagtango.

Kitang-kita niya nang lumuwang ang ngiti sa mga labi ng binata saka napasuntok sa hangin.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

12 responses to “Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 4”

  • 1 GINA says:
    September 18, 2009 at 11:52 am

    lalong gumaganda ang story sana po tuloy-tuloy na kaya po keep on posting…Thanks po!

  • 2 lumen says:
    September 18, 2009 at 7:35 pm

    ay ganda sana sunod na chapter na salamat po?

  • 3 lonely_prince14 says:
    September 18, 2009 at 7:53 pm

    next na kabanata na po…. more ideas to come po… pra maging mas maganda ung story… tnx…

  • 4 marie parsacala says:
    September 19, 2009 at 1:48 am

    sana mas maganda n ung kasunod n kabanata at excited n rin ako kung nao ang magiging katapusan nito.

  • 5 suju 4evah says:
    September 19, 2009 at 9:21 am

    ang ganda po… aabangan ko nxt chapter 😀

  • 6 mr.big says:
    September 19, 2009 at 3:02 pm

    sana may kasunod na

  • 7 pink14 says:
    September 19, 2009 at 10:13 pm

    ewan ko sau..lonely prnce..intndhn mo mbuti ang message q knna.

  • 8 camille says:
    September 21, 2009 at 11:43 am

    ang ganda.. hnd p pho b tpz sna mtpz n agad naka2bitin kzi weh.. superganda ..

  • 9 rhayne says:
    September 22, 2009 at 3:40 pm

    sana po daily ang update..kasi nakakabitin..thnaks po……………..

  • 10 aiza says:
    September 22, 2009 at 6:18 pm

    haayy kakabitin sana po mabilis magawa ang mga kasunod na episode…ty

  • 11 kimmy says:
    September 30, 2009 at 10:23 am

    ganda po ng story..please continue kabanata 5 na po..bitin na kami….

  • 12 aya says:
    August 20, 2010 at 7:31 am

    ang ganda ng story

Mag-iwan ng mensahe...