Share Your Love!

Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 9

PERO kahit na gaano pa sila kasaya, darating at darating ang sandaling haharapin nila ang katotohanan.

“Tapos na ang leave mo, pinababalik na rin ako ni Sir Marco sa Isla. Katatawag lang niya sa radyo kanina. Paano na ito?” pabuntong-hiningang tanong ni Joshua habang magkayakap silang nakahiga sa kama.

Napataas ang ulo ni Jean at bahagyang tinitigan ang mukha ng binata.

“Anong paano?”

“Ang ibig kong sabihin, kailangan ko na talagang bumalik sa Manila.”

“H-ha?” tuluyang napabangon ang dalaga. “A-akala ko ba’y hindi mo ako iiwan?” May lumakip na pagdaramdam sa tinig niya.

“Oo. Kaya lang, kailangan kong umuwi muna sa Manila dahil may mga aasikasuhin akong mahalagang bagay. Pero babalikan kita.”

“Josh…” Napahikbi siya. Kahit nangangako ito na babalikan siya, still, ayaw maniwala ng kanyang puso.

“Jean, makinig ka. Babalikan kita. May aasikasuhin lang ako.”

“Sasama ako.”

“Ha? Paano ang trabaho mo rito?”

“Bahala na. Itutuloy ko na lang ang leave ko.”

“Jean, hindi puwede. Baka matanggal ka na.”

“Kahit na.”

Ilang saglit na natitigan ni Joshua ang mukha niya.

“Bakit, iniisip mo bang hindi kita babalikan?”

“H-hindi sa ganoon. Kaya lang, mami-miss kita.”

“Tatlo o apat na araw lang akong mawawala. Sa palagay mo ba’y hindi kita mami-miss?”

“Pero –”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

23 responses to “Akala Ko Hindi Mo Pansin – Kabanata 9”

  • 1 Arcangel says:
    November 17, 2009 at 1:49 pm

    next na! ahahaha…. away na ito. lol. yan na nga ba sinasabi ko e.

    • 2 daf says:
      November 17, 2009 at 6:15 pm

      bitin tlaga ako..pwede tuloy-tuloy nlng????
      para continues..hehehehe

  • 3 Annelu says:
    November 17, 2009 at 2:48 pm

    i really like dis story kahit dipa tapos!!
    kaabang -abang wat next!!heheheehh

    • 4 angel says:
      December 26, 2009 at 4:40 pm

      . next na ako…
      mukang mag aaway hUH!!!
      ehhheh.. exciting!!

  • 5 drennj says:
    November 17, 2009 at 6:30 pm

    wow… hmmmn.. parang may-hint nako qoe sa sunod na mangyayari..!!!! ei– taray ng babae–carry nia. haha.. gusto ko to.. hmmm… sana ung next na… plz.. 😉

  • 6 Msfi says:
    November 17, 2009 at 6:40 pm

    ayan na ang magdadala ng gulo sa buhay ni jean

  • 7 kay says:
    November 17, 2009 at 7:37 pm

    naku paganda na ng paganda ah…exciting!
    sana po ma post na nang maaga ung next chapter…hehe
    thanks you 🙂

  • 8 lumen says:
    November 17, 2009 at 7:43 pm

    bitin nanaman me sana 2loy 2loy na ang chapter tnx po?

  • 9 nhie says:
    November 18, 2009 at 2:10 pm

    wahhhhhh!!!!…. bitin!!!!!.. next chapter pls…..

  • 10 eizzy says:
    November 18, 2009 at 3:47 pm

    shockss…kakabitin…ala na po..sana po sunod sunod na ang kabanata..plzzzzzz
    ty

  • 11 Wheng says:
    November 19, 2009 at 3:44 am

    Bitin na naman po? Well, thank you na rin. Next chapter please.

  • 12 dionabeth says:
    November 19, 2009 at 4:26 am

    ang galing po talagang writer yor my favorite author and i like the fuentebella series na gngawa nyo nabasa ko po lahat un.congrats and more power

  • 13 marlie says:
    November 19, 2009 at 12:13 pm

    ayyyy! ang ganda. nako sasakit ang dibdib ni jean pag makita nya ang picture ni josh dun. pinagtatawanan na nga ako ng kasama ko sa work kc first thing in the morning yun na ang ginagawa ko mag open ng pc and tingnan kung may karugtong na heheheh

  • 14 ann says:
    November 20, 2009 at 10:27 pm

    ay ala parin kasunod………..

  • 15 gracie says:
    November 21, 2009 at 4:23 am

    sigurado akong away ean… sabunutan sabunutan … hahahha

  • 16 gloriel says:
    November 21, 2009 at 6:13 pm

    yup, nice story i cant wait for the next chapter.

  • 17 cromcell says:
    November 22, 2009 at 5:52 pm

    Hehe,ka2kilig nMan haha fEeling q ak0h c jeAN haha an6 galiNG galinG XpeRT n XpeRt c oToR,tNx

  • 18 andrea says:
    November 22, 2009 at 6:52 pm

    next chapter pls…..

  • 19 mary ann says:
    November 24, 2009 at 12:01 pm

    pls. naman sana every secong day may next chapter n kasi sobrang nakakabitin yung story niya………

  • 20 mary ann says:
    November 24, 2009 at 12:02 pm

    every second day
    I mean…….

  • 21 mary jean says:
    November 24, 2009 at 2:26 pm

    ate pa post nman un fuentebella series 31 kahit isang sulyap part 2 tagal qoh n kc nabasa un hanggang ngaun hinahanap qoh prin un kasunod d qoh makita ang ganda kc ng story pls ate para ma copy qoh txt

  • 22 bingkai says:
    April 14, 2010 at 12:19 pm

    ang ganda kaya lang sana iyong ikakasal na sila at matupad na pangarap ni jean para maka relate naman ako sa istorya nila heheeehehhe

  • 23 jesce says:
    April 22, 2010 at 5:20 pm

    nice story,…nice talaga…super dooper….nawala ang antok q d2 sa kababantay here sa net…..nice…makakarelate aq sa tunay na life….sana post ka pa po ng more nice story ate…..I LOVE 8….nag ENJOY aQ ate….

    GOD BLESSED U ATE….

    “_+ just passing by+_”
    jesce,,,,,Cenie in real

    LOVE u ATE…..Mwaaaxxxzzzzzzzz…..

Mag-iwan ng mensahe...