Share Your Love!

The Neighbors – Kabanata 13

MINES VIEW PARK, Hunyo 18, mag-iikasiyam ng umaga.

I won’t miss him, naisaloob ni Liza habang kunwari’y tumitingin ng mga souvenir items sa harap ng isang stall sa tabi ng daang iyon, kalinya ng iba pa. Wala siyang ibang dadaanan kundi ang lugar na ito patungo sa mga railings sa bingit ng bangin.

Naroon na siya labinlimang minuto pa bago mag-alas-nuwebe. Nagpahatid siya sa pick-up van na dala ng kanyang Kuya Jun hanggang sa pasukan ng mga tao sa pamosong liwasang iyon. Sinuwerte sa pag-aahente ng iba’t ibang industrial chemicals sa Nothern Luzon, sa Baguio na tumitira ang kuya niya.
(more…)

The Neighbors – Kabanata 12

“KENTUCKY, and that’s final!”

“Max’s na lang, Rad,” ani Divie. “Nakakasawa na ang Kentucky Fried Chicken. Lagi na doon lang tayo pumupunta.”

“Oo nga naman, Rad,” ani Liza. “Sa Max’s naman tayo kumain ng manok bukas.”

Umiling si Rado. Hindi sila nag-i-scrabble nang gabing iyon ng Linggo. Nagtu-tong-its sila kina Rado, kasali si Boboy. Wala silang trabaho bukas pagkat Araw ng Kalayaan, na bagaman isang regular holiday lamang ay nakasanayan nang gawing official holiday ng kanilang kompanya.
(more…)

The Neighbors – Kabanata 11

BAGO nag-umpisa sa paghuhugas ng kanilang mga pinagkainan nang gabing iyon, ipinamulsa ni Liza ang singsing sa suot niyang pula at bulaklaking daster na hiniram lang niya kay Divie.

Kusa nang dumudulas at natatanggal sa kanyang daliri ang singsing, lalo na kapag may sabon ang kanyang kamay.

Hindi na naging kagulat-gulat sa kanyang mga kasambahay, kapitbahay at kaopisina ang transpormasyon niya mula sa isang ala-Ruby Rodriguez tungo sa isang Mickey Ferriols na pigura.
(more…)

The Neighbors – Kabanata 10

NAKASAKAY na sila ni Engr. Tobias sa kanyang kotse nang tumunog ang cellphone niya roon.

“O, me tawag ka, Cuervas.”

Sinagot niya ang tawag. “Hello?”

“Hello, Sam…”

Si Liza! Ang tunay kong mahal na si Liza! “Yes, Liza…”

“Nasa Tarlac ka raw.”
(more…)

The Neighbors – Kabanata 9

NATULOG agad siya pagkatapos maghapunan pero nagising nang maghahatinggabi na. Namulatan niyang nakaupo na naman sa gilid ng kama niya si Divie, niyugyog siya sa isang braso.

“Liza, baba ka muna sandali…”

“Bakit?”

“Si Boboy… nagwawala sa labas. Lasing na lasing at nagbabalak magpakamatay!”

“Ha?” Mulagat na napabangon siya. “Magpa-pakamatay? E bakit?”
(more…)

The Neighbors – Kabanata 8

PINIGIL siya ni Sammy nang aktong bubuksan niya ang pinto ng kotse para umibis na. Mag-aalas-onse ng umaga ring iyon nang ipark nito ang sasakyan sa tapat ng kanilang apartment.

“Wait, Liza…”

Nakangiting tumingin siya rito. “It’s all right, Sam. Maski hindi mo ako ipagbukas ng pinto ay alam ko namang very gentleman ka.”

“Okay, you can open your door but wait.”
(more…)

The Neighbors – Kabanata 7

KAHIT disiotso anyos pa lang si Roberto Vargas Gonzales o Boboy, kasingtakad na ito ni Rado at mas maskulado ang pangangatawan.

Hindi ito kayumangging tulad ng pinsang-buo, at kaya lang parang brown-skinned din ay halatang sunog sa araw ang mamula-mulang kutis. Pagkatapos kasi ng high school ay isang taon itong nahinto sa pag-aaral. Napasama ito sa crew ng isang malaking bangkang pangisda, kaya nasunog ang balat sa isang taon ng pagdaragat.
(more…)

The Neighbors – Kabanata 6

NAG-LUNCHDATE nga uli sila ni Sammy nang Sabadong iyon. This time, sa Peacock Restaurant, Greenhills.

Soup, steak with bread and orange juice lang para sa dalawa ang inorder ni Sammy.

“Nagpakagastos ka pa nang todo para lang magkaroon ng panggawa ng calling cards sa computer mo,” pagbibiro niya nang kumakain na sila. “Kung umorder ka na lang sa mga commercial printshops, mas nakatipid ka pa.”

“Initially, yes,” ani Sammy. “Pero magagamit ko ang ginawa mong program —”
(more…)

The Neighbors – Kabanata 5

HABANG hinihintay na mai-serve ang order nila sa restawrang iyon sa SM Megamall, hinawakan ni Sammy ang kaliwang palad ni Liza at sinuri ang medyo namamaga ngang daliri nito.

Nagkagatla ang daliring kinalalagyan ng singsing. Nakalubog na ang singsing sa gatla, na para bang nakapatong na lang sa ibabaw ng daliri ang ga-mais na brilyante.

“Bakit naman dito mo pa isinuot sa hinlalaki mo ang singsing na ito, Liza?”
(more…)

The Neighbors – Kabanata 4

“ENGR. CUERVAS…!”

Hindi narinig ni Sammy ang papalapit na foreman. Nang madaling-araw na iyon, pangalawang linggo na ng Mayo, inoobserbahan niya ang paglalagay ng prefab concrete railing sa ginagawa nilang isang tulay sa Paniqui, Tarlac.

“Engineer…!”

Hindi pa rin niya napapansin ang foreman. Nakatayo siya sa itaas ng isang malaking bato, di kalayuan sa crane na pinalusong niya sa dahilig na pampang ng mabatong ilog.
(more…)

The Neighbors – Kabanata 3

KASALO nila si Rado sa paghahapunan nang gabing iyon, pasado alas-siyete na. Ito ang nagyaya na sa apartment na lang nito sila maghapunan.

Bumili ito ng ulam sa isa nilang kapitbahay na ang harap ng apartment ay may fried chicken stand. May kanin na pagkat bago sila umalis kaninang umaga patungong trabaho ay nagsaing ito sa automatic rice cooker. Ininit nito sa microwave ang isang platong ginataang langka, natirang gulay kagabi na si Liza ang nagluto.
(more…)

The Neighbors – Kabanata 2

GALING sa restroom at pabalik na sa office table, napatigil si Mrs. Rina Santos sa tabi ng computer desk ni Liza nang umagang iyon ng Martes, pangalawang araw ng Mayo.

“Liza, ngayon ko lang napansin, ang ganda ng bago mong singsing, a!”

Napatigil sa pagtipa sa keyboard si Liza. “A, ito ho?”

“Oo. “Laki ng bato. Ang mahal siguro nyan.”
(more…)

The Neighbors – Kabanata 1

“NAPAKASAKIT talaga, Kuya Mark…!”

Napasigok pa si Sammy matapos ang paghihinga ng sama ng loob sa nakatatandang kapatid. Magkakalahati na ang iniinom nilang isang boteng Chivas Regal nang gabing iyon, huling araw ng Linggo ng Abril.

Dumampot si Mark ng pulutang hipon sa plato. Isinawsaw nito iyon sa toyong nasa platito at isinubo, kasunod ang pagsimsim ng whiskey.

“Sam,” sabi nito, “you can’t win them all.”
(more…)