Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 10

HATINGGABI na nang sapitin nina Emmalyn, Adrian at Don Alejandro ang bahay-bakasyunan sa Tagaytay. Humanga si Emmalyn sa kagandahan ng buong paligid. Kahit madilim na ay kita pa rin ang magagandang tanawin dahil sa bilog na buwan.

Mula sa hardin ay may hagdang yari sa marmol na patungong ibaba na ang hangganan ay bangin. May bakod na yari sa bakal at semento. Mayroon ding mataas na harang na parang lambat na yari sa bakal din. Proteksiyon iyon upang walang mahulog sa napakalalim na bangin.
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

TUWANG-TUWA si Don Alejandro nang ipakalong sa kanya ni Adrian ang sanggol. Niyakap at pinaghahalikan.

“Kamukhang-kamukha ko pala ang apo ko!” bakas na bakas sa mukha ng matanda ang nag-uumapaw na kaligayahan.
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8

NAPAKAGARA at napakaluwang ng kumedor sa mansiyon ng mga Vergara. Hindi makapaniwala si Emmalyn na nakaupo siya sa isa sa labindalawang silyang narra na nakapalibot sa isang rectangular na mesang yari din sa narra. May mantel iyong puti na may burda.

Tatatlo lamang silang naghahapunan, ang ama ni Adrian, siya at si Adrian. Roasted turkey ang kanilang kinakain. Napakasarap ng pagkakaluto, nguni’t hindi halos makakain si Emmalyn. Ingat na ingat siya sa paggamit ng mga kubyertos. Binabantayan niyang mabuti ang dinadampot at ginagamit ni Adrian at ng papa nito. Nakakahiya kung ibang kutsara o tinidor o kutsilyo ang kanyang magamit.
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 7

HINDI naiwasan ni Betty na hindi mapansin ang kasiglahan ni Emmalyn habang nag-aalmusal. Kagabi lang ay malungkot at parang nanghihina ang bestfriend niya. Bakit ngayong umaga ay larawan ng kasiglahan? Dapat ay ligalig pa ito dahil may karamdaman ang ina.

“Ano ba ang ininom mo at parang buhay na buhay ka yata ngayong umaga?” tanong ni Betty habang nagkakanaw ng decafeinated instant coffee.

“Nagdasal ako kagabi. Taimtim na pagdarasal. Dama kong tutulungan ako ng Diyos. Nakapagpasiya na rin ako, Betz!”

“Pasiya?”
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 6

KINAGABIHAN ay umulan. Waring nakikiayon ang panahon sa nadaramang bigat ni Emmalyn sa kanyang dibdib. Hatinggabi na ay hindi pa rin makatulog. Pabiling-biling sa higaan.

Kailangang operahan ang kanyang ina at marahil pagkatapos ng operasyon ay isang matagal na gamutan. Ang pagkakaintindi niya, kapag may tumor o kanser ang isang pasyente ay kailangang i-chemotheraphy. Magastos ang gayong uri ng gamutan. Kung minsan pa nga ay kino-cobalt.
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“AYOKO nang uminom nung tranquilizer na ibinigay sa akin ni Doktora Abastillas!” humihikab pang wika ni Tita Azon habang papalapit sa hapag kainan na inaayos nina Betty at Emmalyn.

“Kasama ng gamot mo ‘yan, di ba?” si Betty. “Nakakatulong iyon para bumaba ang presyon ng dugo mo.”
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 4

MULA nang sumakay sila sa sasakyan ni Rando ay hindi kumikibo si Emmalyn. Panay ang tingin sa kanya nina Betty at Rando.

“Ano ba ang nangyari at kanina ka pa walang kibo?” tanong ni Betty na nasasabik na malaman ang sagot.

“Walang nangyari. Nakipagkilala ka lang.”
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 3

PAGKATAPOS mag-agahan, nagpasiya ang magkaibigang Emmalyn at Betty na magsabay sa pagpasok. Takot si Emmalyn na bumiyahe ng nag-iisa at gayon din si Betty.

“May magagawa ba tayo kung sakaling may humarang sa atin at may kumidnap sa atin?”
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

“OFF ko pala ngayon ay bakit hindi agad sinabi sa akin kahapon?” naiinis si Emmalyn. Kausap si Betty. “Sayang ang ipinamasahe ko.”

“Ay, naku, Emmy… magpasensiya ka na lang. Either may pagkauliyanin na ang ating personnel manager o —”

“Nananadyang mang-asar ng kapwa!” patlang ni Emmalyn na nagkukukot ang kalooban.
(more…)

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

NI sa hinagap ay hindi sumagi sa isip ni Emmalyn na daranas siya ng kapaitan sa pag-ibig at mapapadpad siya sa lungsod ng Quezon.

Dati’y mapayapa at maligaya ang buhay ni Emmalyn sa kanilang lalawigan ng Antique. Sa baryo Bugasong sila nakatira. Kapwa may trabaho ang kanyang ama’t ina. Pati ang kanyang panganay na kapatid na lalaki ay may hanapbuhay. Nasa first year college si Emmalyn at nasa fifth grade ng elementarya naman ang bunsong kapatid niyang babae. Sa simbahan nakilala ni Emmalyn si Rogel Vernardo, isang traveling salesman. Mabait, masipag at maalalahanin si Rogel. Nag-ibigan at nagmahalan sila. Hindi tutol ang mga magulang ni Emmalyn nang magtapat siia na sila’y magnobyo na. Kahit ang elder brother niyang si Erick at ang bunso nilang si Lizette ay boto sa kanilang magiging bayaw. Taga-Maynila si Rogel pero Sta. Rosa, Laguna ang pinagmulan ng kanyang mga magulang. Nagkasundo sina Emmalyn at Rogel na tatapusin muna ng dalaga ang kanyang pag-aaral bago sila magpapakasal.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 10

HABANG papalapit ang araw ng Barangayan ay papadilim naman nang papadilim ang mood at mundo ni Francis. Kahit sa opisina, ilang na ilang ang kanyang mga empleyado sa sobrang katahimikan niya. At kapag may nagkamali, hindi gaya nang dati na marunong siyang magsalita nang mahinahon. Kung di mataas ang boses, matigas naman.

Sa mismong araw ng Barangayan, guwapo at makisig pa rin si Francis kahit hindi niya masyadong pinagkaabalahan kung ano ang isusuot.

Palibhasa’y natural na lamang sa kanya ang magandang taste, at wala namang baduy na damit sa kanyang closets, elegante at class pa rin siya sa blazer na abuhin, formal pants na cream at cream din na round-necked shirt na panloob ng kanyang blazer.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 9

NAGTATAKA man ang mga ka-miyembro ni Francis sa The Zodiac Club kung bakit kapag nagha-hang out sila sa paborito nilang lugar ay alak ang inaatupag ng binata, matagal bago kumibo ang mga ito.

“Ano ba ang problema, pare?” Ang unang nagtanong, sa tono na “kaibigan mo naman kami, pare, share us your trouble,” ay si Reuben, ang Leo sa The Zodiac Club.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 8

BAGO mag-lunch sa Manila Zoo, dinala muna ni Nevada sa comfort room ang mga bata. Nag-freshen up sila, nagpalit ng damit na pang-itaas na napawisan na nang husto.

Ang kanyang maruming T-shirt ay inilagay niya sa clear plastic at basta na lamang isinuksok sa outside pocket ng kanyang backpack, masikip na kasi sa loob.

Nagtipun tipon ang lahat sa picnic area ng Manila Zoo. Ang packed lunches ay nailabas na, pati bottled water.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 7

WALANG inaksayang panahon, unang buwan pa lamang ng panunungkulan nina Nevada at Francis ay nagkaroon kaagad ng educational tour ang mga batang mahirap sa Awitan.

Sa Metro Manila lang naman, sa Manila Zoo at sa mga art galleries sa Megamall.

Apat na malalaking bus, puro air-conditioned, ang sinakyan ng mga bata.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 6

NANG pumarada ang sasakyan ni Francis sa harap ng bahay nina Nevada ay ilang kagawad ang nakakita at nakakilala sa kanya. Naglapitan kaagad ang mga ito. At naikuwento naman nina Nevada at Kagawad Tino ang nangyari.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Awitan kay Francis. Para sa kanila, nindi naman isyu ang basura doon sa boundary ng Awitan at Salvacion.

Wala pa ring dapat na pagdiskusyunan ang mga taga-Awitan at taga-Salvacion.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

KUNG hindi busy si Nevada sa barangay hall ng Awitan, at kung wala siya sa field para mag-interview ng mga tao na may kinalaman sa mga artikulong gagawin niya para sa diyaryong Punla, nasa bahay lamang siya at nagta-type ng kanyang trabaho.

Nang makita ni Bernardo Carreon na hinugot na ni Nevada sa kanyang typewriter ang huling pahina ng kanyang ginagawang artikulo, kaagad tumikhim ang ama.

‚ÄúTapos ka na? Mag-usap nga tayo sandali, tungkol sa iyo at sa barangay captain ng Salvacion na si Francis Legaspi.” Mababa lamang ang boses ng ama.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 4

PAREHONG tama ang kilos at mga salita nina Nevada at Francis sa social and formal meeting na iyon ng mga barangay officers ng Awitan at Salvacion.

Masaya at masigla ang mga diskusyon. Kahit magkaiba ang katayuan sa buhay ng dalawang grupo, dahil sa tagal na rin ng tradisyon ng alliance nila, ay naroroon ang pagiging kumportable sa isa’t isa, ang pagtitiwala na ang samahang ito ay mananatiling buo at mabunga sa mga darating pang panahon.

Ang mga dati nang magkaibigan, katulad ni Aling Isabel at ng matandang shopping malls magnate na si Luis Yap, ay hindi nagpapahinga sa pakikipagkuwentuhan.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 3

NATULOY din naman ang social and formal meeting ng mga barangay officers ng Awitan at Salvacion. Ang nasunod sa petsa at oras ay sina Nevada. Pero hindi nabago ang venue, doon pa rin sa malaking conference room ng barangay hall ng Salvacion.

Ipinasundo sina Nevada ng van ng mga taga-Salvacion. Bagung-bago ang van at may driver pa. Ito ay parang naging tradisyon na rin na hindi na nabago at hindi rin naman pinagtangkaan ni Nevada na baguhin. Mula pa noon ay talagang sundo-hatid ng sasakyan ng mga taga-Salvacion ang mga taga-Awitan kapag nagkakaroon ng pagtitipon ang dalawang panig.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 2

KAUGALIAN na rin na sa alliance ng Awitan at Salvacion, ay mauunang mag-extend ng imbitasyon ang barangay officers ng Salvacion sa mga barangay officers naman ng Awitan.

Ang imbitasyon tungkol sa unang formal and social meeting ng dalawang set of officers ay naipadala na sa barangay hall ng Awitan.

At ito ay napasakamay ni Nevada isang Biyernes ng umaga.

Ang nakapirma sa imbitasyon, siyempre, ay si Francis Legaspi.
(more…)