Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

NI sa hinagap ay hindi sumagi sa isip ni Emmalyn na daranas siya ng kapaitan sa pag-ibig at mapapadpad siya sa lungsod ng Quezon.

Dati’y mapayapa at maligaya ang buhay ni Emmalyn sa kanilang lalawigan ng Antique. Sa baryo Bugasong sila nakatira. Kapwa may trabaho ang kanyang ama’t ina. Pati ang kanyang panganay na kapatid na lalaki ay may hanapbuhay. Nasa first year college si Emmalyn at nasa fifth grade ng elementarya naman ang bunsong kapatid niyang babae. Sa simbahan nakilala ni Emmalyn si Rogel Vernardo, isang traveling salesman. Mabait, masipag at maalalahanin si Rogel. Nag-ibigan at nagmahalan sila. Hindi tutol ang mga magulang ni Emmalyn nang magtapat siia na sila’y magnobyo na. Kahit ang elder brother niyang si Erick at ang bunso nilang si Lizette ay boto sa kanilang magiging bayaw. Taga-Maynila si Rogel pero Sta. Rosa, Laguna ang pinagmulan ng kanyang mga magulang. Nagkasundo sina Emmalyn at Rogel na tatapusin muna ng dalaga ang kanyang pag-aaral bago sila magpapakasal.

Nguni’t ang pinakaaasam na kaligayahan ay nauwi sa kapaitan nang masawi si Rogel sa isang vehicular accident. Isang lasing na driver ng trak ng graba ang bumangga sa minamanehong kotse ni Rogel na noo’y magde-deliver ng mga gamot sa karatig na bayan.

Kasama ang kanyang ama’t panganay na kapatid, inihatid ni Emmalyn ang bangkay ng kanyang mahal sa mga magulang niyon. Nakipaglamay at nakipagsiyam sila. Nang mailibing na si Rogel ay saka umuwi ang ama at kapatid ni Emmalyn. Sadyang nagpaiwan ang dalaga. Araw-araw ay dinadalaw niya ang libingan ni Rogel at inaalayan ng mga sariwang bulaklak.

Isang kapatid ni Rogel ang nagpasok kay Emmalyn sa isang hamburger house bilang waitress. Ang mga bagong kapaligiran at mga bagong kaibigan ay nakatulong kay Emmalyn upang makalimot kahit bahagya sa naging mapait niyang karanasan.

“Sino ang mag-aakalang ang kaligayahan namin ni Rogel ay biglang mapuputol at magwawakas sa kapaitan?” bulong ni Emmalyn sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang hapis na mukha sa harap ng isang salamin. “Sa baryo Bugasong ako ipinanganak at akala ko’y doon na rin ako mamamatay. Pero ngayon ay naririto ako sa Quezon City. Napakalayo sa piling ng aking mga magulang at mga kapatid. Dito nakalibing ang kauna-unahang lalaking minahal ko. Dito na rin ako mamamatay?”

“Bakit ba nangangayayat ka?” tinig na nagmula sa likuran ni Emmalyn. Nang lingunin ng dalaga ay ang bestfriend pala niyang si Betty. Si Betty ang kauna-unahang kasamahan niya sa trabaho na naging malapit sa kanya.

“Talagang nagdidiyeta ako.” pagsisinungaling ni Emmalyn.

“Nagpapa-slim ka. Bakit, sasali ka ba sa beauty contest?” biro pa ng matalik na kaibigan.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

23 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Martha says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Martha says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution 🙂

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

  • 19 NeJigS says:
    November 4, 2010 at 1:26 pm

    sana po hndi e2 bitin,,,

  • 20 John says:
    November 23, 2010 at 7:00 pm

    Tama ka jan.. nasa ibang bansa rin kasi ako kaya ito buti nalang ay makapagbasa basa para kunyari ay busy .. nakz mukhang maganda to ah

  • 21 mikanna says:
    November 17, 2011 at 9:21 pm

    ang galing naman ang writer nito parang pag PHR ung kwento, naalala ko tuloy c martha cecilia ganitong ganito ung mga kwento ng pocketbooks nya

  • 22 tatinanz says:
    November 19, 2011 at 11:39 pm

    pwede po ba malaman buong pangalan ng writer nito. kailangan ko lng po sa book report ko. salamat na rin sa magandang story ibinahagi nyo dto. salamat ng marami!

  • 23 aika08 says:
    October 12, 2012 at 11:34 am

    God will make a way talga, pag dating sa family natin gagawn natin ang lhat, to show our love for them, i really love this story kasi nkakarelate aq.

Mag-iwan ng mensahe...