Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

Sa tuwing mababanggit ni Emmalyn.ang pangalan ni Rogel ay hindi niya maiwasang hindi maalala ang masasayang araw nila ng binata. At ang mga luha ay hindi niya nakakayanang supilin sa pagbalong.

“Bakit kinuha siya ng Diyos sa akin? Ganoon ba talaga Siya? Malupit? Akala ko ba’y Diyos siya ng Awa at Pag-ibig?” umaagos ang luha sa magkabilang pisngi ay bulong ni Emmalyn.

Sinisisi ni Emmalyn ang Diyos. Akala niya na ginusto ng Diyos na dumanas siya ng kapaitan. Wala kasi siyang alam sa matalinghagang takbo ng buhay. Hindi niya alam ang tunay na kahulugan ng karma. Na ang karma niya ay siya rin ang may likha. Na kaya siya dumaranas ngayon ng kapaitan sa pag-ibig ay sapagka’t may tao o mga taong dinulutan niya ng kapaitan sa pag-ibig noong nakaraang lifetime niya. Ang batas kasi ng ating buhay ay kung ano ang itinanim mo ay siya mo ring aanihin.

“Dapat ay maluwang sa kalooban mong tanggapin ang nangyari sa buhay mo ngayon.” payo pa nga ng ina ng yumao niyang kasintahan. “Lalaya ang puso mo sa dalamhati at may kaligayahan na darating sa iyo kapag tinanggap mo nang maluwag sa kalooban mo ang lahat ng nangyayari sa iyo. Naging masakit din sa amin ang biglang pagyao ni Rogel pero nauunawaan naming ang sinapit niya ay KARMA niya. Hindi ginusto ng Diyos kundi ginusto niya. Life is what we make it. We create our own destinies.”

Kahit noon ay hindi naunawaan ni Emmalyn ang mga ipinaliwanag ng ina ni Rogel. Ngayong mag-isa siyang nagdurusa at nangungulila ay lalong hindi niya nauunawaan ang mga paliwanag na iyon.

Umaga, araw ng Linggo, walang pasok sina Emmalyn at Betty. Mabilis na nanaog si Emmalyn nang makitang nakatayo si Betty sa tabi ng isang nakaparadang taxi. Isang maleta ang bitbit ng dalaga.

“Nasaan ang iba mo pang gamit?” nakangiting tanong ni Betty.

“Wala akong gamit kundi ang mga damit at sapatos lang na nasa loob ng maletang ito.”

“Munting mesa, isang silya o bentilador… wala ka?”

“Wala. Damit lang ang dala ko mula sa aming probinsiya. Tatlong buwan na ako rito sa Quezon City pero ito pa lang din ang mga gamit ko.”

Ang tsuper ng taxi ang naglagay ng maleta ni Emmalyn sa baggage compartment sa likuran. Pagkasakay ng dalawang dalaga ay umusad nang papaalis ang sasakyan.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

23 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Martha says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Martha says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution 🙂

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

  • 19 NeJigS says:
    November 4, 2010 at 1:26 pm

    sana po hndi e2 bitin,,,

  • 20 John says:
    November 23, 2010 at 7:00 pm

    Tama ka jan.. nasa ibang bansa rin kasi ako kaya ito buti nalang ay makapagbasa basa para kunyari ay busy .. nakz mukhang maganda to ah

  • 21 mikanna says:
    November 17, 2011 at 9:21 pm

    ang galing naman ang writer nito parang pag PHR ung kwento, naalala ko tuloy c martha cecilia ganitong ganito ung mga kwento ng pocketbooks nya

  • 22 tatinanz says:
    November 19, 2011 at 11:39 pm

    pwede po ba malaman buong pangalan ng writer nito. kailangan ko lng po sa book report ko. salamat na rin sa magandang story ibinahagi nyo dto. salamat ng marami!

  • 23 aika08 says:
    October 12, 2012 at 11:34 am

    God will make a way talga, pag dating sa family natin gagawn natin ang lhat, to show our love for them, i really love this story kasi nkakarelate aq.

Mag-iwan ng mensahe...