Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1

“Papaano ko kayo maide-deyt niyan?”

“Si Emmalyn na lang ang ideyt mo. Sasabihin ko sa iyo kung kailan ang off niya.”

“Ayokong sumama kung hindi ka kasama!” palabing wika ni Emmalyn.

Nag-de kwatro ng upo si Emmalyn. Lumilis nang bahagya ang palda. Napalantad ang maputing hita na may manipis na balahibo. Dito napatitig si Rando at napakagat-labi.

“Balbon pala siya!” bulong sa sarili ng binata. “Patay na patay ako sa mga babaing balbon!”

At agad, umalagwa ang pantasiya ni Rando. Naguniguning wala nang saplot sa katawan si Emmalyn. Na habang tinitinidor ang cake sa platito ay umaalug-alog ang dalawang malalaki at tayung-tayong mabibilog na melon.

“Type ko siya! Diyos-ko, mamamatay yata ako kapag hindi siya naging akin!” muli’y bulong ni Rando sa kanyang sarili.

“Eh, ano naman kung hindi ako kasama?” wika ni Betty matapos lumagok ng juice. “Para manonood ng sine at kakain lang naman kayo. Gusto ko mang sumama ay talagang imposible.”

“Ayoko talagang sumama. Isa pa’y hindi ako basta sumasama sa lalaki. Kailangang makilala ko muna siya nang lubusan.” matabang na ang ngiti sa mga labi ni Emmalyn.

Habang nag-uusap ang magkaibigan ay patuloy na nag-i-imagine si Rando. Mula sa malantik na baywang ay humagod sa balakang ang nangingislap na mga mata ni Rando. Hugis-gitara talaga ang balakang ni Emmalyn Ang sinumang lalaki ay mapapalunok-laway sa ganda ng hubog ng katawan ng dalaga.

“Katawang modelo talaga!” anas ni Rando sa sarili. “Maraming lalaki sa subdivision na ito na tiyak na maghahangad sa kanya oras na makita siya. Baka maunahan pa ako ng iba. Diyos ko! Papaano ko ba siya maiimbitahang lumabas?”

“Hoy, Rando! Ano’t kanina ka pa walang kibo diyan?”

“Nalulungkot kasi ako!” agap ng binata. “Akala ko’y ito na ang pinakamaligayang araw sa buhay ko, hindi pala.”

“At bakit, hindi ka ba maligaya at sa wakas ay nakita mo at naipakilala ko sa iyo si Emmalyn na halos araw-araw ay ikinukuwento ko sa iyo?”

Nabigla si Rando sa tanong ni Betty. Hindi agad nakasagot.

“Tungkol sa pagkikita at pagkikilala, siyempre ay maligaya ako.” nakangiti si Rando.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

23 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 1”

  • 1 chrizzzy says:
    March 3, 2009 at 9:41 am

    wowwww!!! bitin na bitin ako…i really want more from this!!!

  • 2 Martha says:
    March 4, 2009 at 12:30 pm

    sensya na, busy kasi sa work eh, isa-submit ko today yung next chapter. thanks!

  • 3 swtbaby says:
    March 9, 2009 at 1:41 pm

    I am so grateful to find this site! Thanks for this.. now,through this online tagalog pocketbooks, I won’t miss reading my favorite pocketbooks back in the Phils.

  • 4 ghixel says:
    April 3, 2009 at 2:39 pm

    ..WOW!.ang cute..kso bitin na bitin ako…grabe nag hang tuloy ako dun!. keln ang next chpter??i am really excited!!..please post it agad!!..

  • 5 FRN says:
    July 9, 2009 at 10:03 am

    hello po nice po ang istorya mo meron na po ba kayong bago sana po ay meron na para naman po makabasa ulit kami…

    nga po pala pag may time ka basa ka rin sa site namin ng istorya sa amin.

    http://www.filipinoromancenovelfrn.com

  • 6 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:07 pm

    …ai!!! nkaka bitin naman
    hindi natapus??

    but i really like the story graveh!!!

    • 7 Martha says:
      July 25, 2009 at 7:30 am

      tapos na po tong kwento na ‘to… click nyo lang po yung next na kabanata na nasa ibaba, tnx.

  • 8 laddy venus says:
    July 23, 2009 at 12:15 pm

    ….sana naman yong mga kwento na hindi nakabitin…
    hehehehe

  • 9 Arcangel says:
    September 23, 2009 at 11:33 am

    Ito ang pinakagusto kong novela dito. At ito rin ang first novel na nabasa ko dito. kakakilig ang scene. haha. lol. Lalo na ang love scene! grabe!

  • 10 milesaway says:
    October 27, 2009 at 8:17 am

    my kopya ako nito…nbasa ko lang last week

  • 11 Shaylee says:
    November 16, 2009 at 2:33 pm

    tanong lang po… panoh mawawala sa pending yung story na pinost ko? thanks in advance… btw, start ko pa lang basahin toh… mukhang maganda kasi yung synopsis ng kwento…

    • 12 Tagapangasiwa says:
      November 16, 2009 at 4:14 pm

      Hello Shaylee, please post po yung teaser muna, kasi kelangan ng maikling teaser sa homepage.

      Thanks po sa contribution 🙂

  • 13 Neeko says:
    November 16, 2009 at 5:30 pm

    Hi tagapangasiwa.. nag submit na ko ng teaser.. kailan po kaya pwede na to ma publish?

    • 14 Tagapangasiwa says:
      November 17, 2009 at 11:13 am

      Hello Neeko, mukhang kakaiba yung story mo ah. After sa teaser, kelangan meron din chapters na pwede nang mabasa for review. Thanks!

  • 15 Neeko says:
    November 19, 2009 at 1:13 am

    “hehe.. ok po i ssubmit ko na po soon… nasa final editing na po ako… tnks tagapangasiwa.. sana mag publish po agad!!:) salamat uli!!

  • 16 mai mai says:
    April 12, 2010 at 3:34 pm

    amhh ang gaganda poh na mga kwento at kung miron pong tyme paki txt na lang me kung may mga bago

  • 17 jane dagooc says:
    May 1, 2010 at 9:25 am

    nais ko pong malaman kung paano po ako maaring magsubmit ng aking kwento para sa isa ninyong tagalog pocket book.ano po ang dapat kong gawin?salamat po

  • 18 vana says:
    May 3, 2010 at 2:00 pm

    tagapangasiwa..can i share some of my novels?and how?tnx

  • 19 NeJigS says:
    November 4, 2010 at 1:26 pm

    sana po hndi e2 bitin,,,

  • 20 John says:
    November 23, 2010 at 7:00 pm

    Tama ka jan.. nasa ibang bansa rin kasi ako kaya ito buti nalang ay makapagbasa basa para kunyari ay busy .. nakz mukhang maganda to ah

  • 21 mikanna says:
    November 17, 2011 at 9:21 pm

    ang galing naman ang writer nito parang pag PHR ung kwento, naalala ko tuloy c martha cecilia ganitong ganito ung mga kwento ng pocketbooks nya

  • 22 tatinanz says:
    November 19, 2011 at 11:39 pm

    pwede po ba malaman buong pangalan ng writer nito. kailangan ko lng po sa book report ko. salamat na rin sa magandang story ibinahagi nyo dto. salamat ng marami!

  • 23 aika08 says:
    October 12, 2012 at 11:34 am

    God will make a way talga, pag dating sa family natin gagawn natin ang lhat, to show our love for them, i really love this story kasi nkakarelate aq.

Mag-iwan ng mensahe...