Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

Nakagugulat din ang mga presyo ng mga pagkain. Nguni’t hindi nagpapahalata si Emmalyn. Nagkukunwari siyang sanay na sa mga ganoong lugar.

“Hindi ako gutom. Huwag ka nang umorder ng kahit ano para sa akin. Ikaw na lang.” si Emmalyn.

“Tikman mo ang fruit salad dito. Napakasarap!”

Tinawag ni Rando ang waiter sa pamamagitan ng isang daliri lang.

“Bigyan mo siya ng fresh fruit salad at isang buko juice. Ako nama’y bigyan mo ng hamburger steak at a cup of coffee, ‘yong capuchino”

“Thank you, sir” magalang na wika ng waiter at saka umalis.

“How do you like this place?” pagkuwa’y tanong ni Rando na ang magkadaop ng mga palad ay nakasalalay sa kanyang baba.

“Okey. Gusto ko.”

“Exotic ang ambience, di ba? Ito ang paborito ko. Dito ako kumakain kapag nalulungkot ako. At dito ko lang dinadala ang mga mahal ko.”

“Ang dami mo palang minamahal!” natatawa si Emmalyn. Tinatakpan ang kanyang bibig.

“Ang daddy ko, ang mommy ko at ang mga brothers and sisters ko ang aking tinutukoy. Wala pa akong girlfriend.”

“O, sige, naniniwala na ako.”

“Ikaw pa lang ang kauna-unahang babaing hindi ko kaanu-ano na dinaia ko rito. Ikaw pa lang…”

Pinamulahan ng mukha si Emmalyn. “Huwag mong ilakas ang boses mo. Baka marinig ka ng mga tao rito.”

“Kung gusto mo, isisigaw ko pa rito na talagang mahal kita, eh. O, ano, gusto mo?”

“Huwag ka ngang baliw, Rando!” nakangiti pero yamot na wika ni Emmalyn. “Uuwi ako!”

“Huwag! Huwag! Please!”

“Puwede bang hinaan mo lang ang boses mo? Kung magsalita ka kasi. parang me loudspeaker ka.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2”

  • 1 -_yatz_- says:
    March 9, 2009 at 11:19 am

    wala na ba kasunod

  • 2 jalugznd says:
    March 9, 2009 at 11:00 pm

    sis…asan na ung next chapter?

  • 3 Martha says:
    March 9, 2009 at 11:02 pm

    bukas na po yung next chapter, sobrang busy kasi sa office eh, 🙁

  • 4 carmela says:
    March 10, 2009 at 4:24 pm

    curious ako sa story. sana may kasunod pa

  • 5 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 9:10 am

    mas lalo aq0h n0h ang ganda kzi eh…..sis martha my kasunod pa bah i2………..thankzsy
    love yah all

  • 6 Djbhanqsz says:
    September 13, 2010 at 10:22 am

    hello qanda nq story paki add acoh s fb nioh ??

    xoxodjpie_bhanqsz17@yahoo.co.uk

    jholynlampano@yahoo.com

    tnx !!!

  • 7 rose says:
    September 17, 2010 at 7:22 pm

    ano vah yan bitin talaga uhhhhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm

  • 8 mar says:
    February 7, 2011 at 8:33 pm

    @ martha question lng poh bkt poh ang sabi nang una sa burger house na pnagtatrabhuhan nia mkkla c rando? Eh bkt kapit bahay ni betty hnd naman nia don nklala sa burger house dba?!hmp,,

Mag-iwan ng mensahe...