Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

“Hindi na. Nagbibiro lang naman ako, eh.” halos pabulong na ang pagsasalita ni Rando.

“Your orders, ma’m…sir…” patlang ng waiter na dala na ang mga pagkain nina Emmalyn at Rando.

Katakam-takam ang mga sariwang prutas na pinagputul-putol sa tamang sukat para maisubo. Katakam-takam din ang mabangong amoy ng hamburger steak na napapalamutian ng mga hiniwang patatas, kamatis at dahon ng gulay.

“Iyan ang bagay sa ‘yo, nagpapaganda ng kutis.” ang mga sariwang prutas ang tinutukoy ni Rando “Lalong mamumurok ang pisngi mo kapag iyan ang lagi mong kinakain araw-araw.”

“Bakit ikaw, ‘yan ang inorder mo? Di ba ang taba ng baka ay lalong magpapadami sa kolesterol mo?”

“Kayang tunawin ng init ng katawan ko ang lahat ng fats sa aking katawan. Kailangan ko ito dahil isang athlete ako. Isa pa’y mayaman ito sa protina.”

“Mas okey ‘yan siguro kung inihaw lang, pero pag ganyang lumalangoy sa mantika… pag laging ganyan ang kinakain ng isang tao, tiyak na magkakasakit siya sa puso.”

“Masarap siguro kung may nag-aalaga sa aking katulad mo. Lulusog ako nang husto at magiging ligtas sa lahat ng sakit. O, papaano… kailan tayo magpapakasal?”

“Ikaw talaga, pulos biro!”

“Hindi ako nagbibiro, Emmy. Talagang I love you! The first time I saw you ay talaga namang nag-iba ang tik-tak ng puso ko.”

“Kumain ka na nga. Pag lumamig ‘yan, magsesebo na ‘yan. Hindi na masarap.”

Nang simulang kainin ni Rando ang kanyang hamburger steak ay sinimulan na ring kainin ni Emmalyn ang fruit salad. Naging tahimik si Rando dahil namumuwalan sa bawa’t subo.

Naglakbay naman ang diwa ni Emmalyn. Nagtataka kung bakit ayaw mawala sa isip ang lalaking ngumiti sa kanya sa loob ng burger house.

“Sino kaya siya? Ano ang layunin niya sa akin? Gusto ba niyang makipagkilala para maligawan niya ako?” mga tanong sa isip ni Emmalyn na humihingi ng mga kasagutan.

“Ano ang iniisip mo?” tanong ni Rando na wari’y tiyak na may iniisip nga ang dalaga.

“Wala.” ang naging maagap na tugon ni Emmalyn.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2”

  • 1 -_yatz_- says:
    March 9, 2009 at 11:19 am

    wala na ba kasunod

  • 2 jalugznd says:
    March 9, 2009 at 11:00 pm

    sis…asan na ung next chapter?

  • 3 Martha says:
    March 9, 2009 at 11:02 pm

    bukas na po yung next chapter, sobrang busy kasi sa office eh, 🙁

  • 4 carmela says:
    March 10, 2009 at 4:24 pm

    curious ako sa story. sana may kasunod pa

  • 5 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 9:10 am

    mas lalo aq0h n0h ang ganda kzi eh…..sis martha my kasunod pa bah i2………..thankzsy
    love yah all

  • 6 Djbhanqsz says:
    September 13, 2010 at 10:22 am

    hello qanda nq story paki add acoh s fb nioh ??

    xoxodjpie_bhanqsz17@yahoo.co.uk

    jholynlampano@yahoo.com

    tnx !!!

  • 7 rose says:
    September 17, 2010 at 7:22 pm

    ano vah yan bitin talaga uhhhhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm

  • 8 mar says:
    February 7, 2011 at 8:33 pm

    @ martha question lng poh bkt poh ang sabi nang una sa burger house na pnagtatrabhuhan nia mkkla c rando? Eh bkt kapit bahay ni betty hnd naman nia don nklala sa burger house dba?!hmp,,

Mag-iwan ng mensahe...