Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2

“Pagkagaling dito, tumuloy tayo sa botika. Ibibili kita ng gamot para sa sakit ng ulo.”

Tumango si Emmalyn. Nagbayad si Rando at umalis na sila agad.

Nang gabing iyon ay hindi agad nakatulog si Emmalyn. Naging palaisipan sa kanya ang lalaking laging nakangiti sa kanya.

“Hindi kaya kidnapper ‘yon? Iyon bang ang mga babaing nadudukot niya ay ibinibenta sa casa. Oo, baka nga miyembro iyon ng isang sindikato ng white slavery at natitipuhan ako!” bulong ni Emmalyn sa kanyang sarili.

Napahalukipkip si Emmalyn. Kinikilabutan siya. Naisip na baka nanganganib ang buhay niya. Uso nga iyong dudukutin ang babae at saka ibebenta sa prostitution house.

Kinabukasan ay hindi naiwasan ni Emmalyn na hindi ipagtapat kay Betty ang tungkol sa lalaking mahiwaga.

“Mag-iingat ka, Emmy. Sa panahong ito ay hindi na nakapagtataka kung makatagpo ka ng mga ganoong lalaki. Huwag ka nang maglalakad nang nag-iisa.”

“Parang takot na nga akong lumabas ng bahay. Papaano kung bigla na lang may sumunggab sa akin at pilit akong isakay sa van o taksi’?”

Nangilabot ang buong katawan ni Betty. May lamig na gumapang sa kanyang likod.

“Huwag kang magbiro, Emmy. Nababasa natin sa mga newspapers at napapanood natin sa mga TV news ang mga sinapit ng mga biktima ng rape at iba pang heinous crimes. Totoong nakapanghihilakbot!”

“Hindi ako nagbibiro, Betty. Natatakot nga ako. Mabuti sana kung palaging sabay tayo kung pumasok at umuwi. Eh, kung minsan, magkaiba tayo ng shift.”

“Ang nakakatakot ay kapag hatinggabi na ang uwi natin. Delikado talaga!”

May kumalabog sa kalapit na kuwarto Napalukso at napayakap sa isa’t-isa ang magkaibigan.

Matagal na hindi nakaimik ang dalawa. Nakamulagat ang mga mata, dahan-dahang itinulak ni Emmalyn ang pinto ng kalapit na kuwarto. Nakabukas ang bintana. Isang pusa ang nakapasok. Nailaglag niyon ang isang kahong nakapatong ng tagibang sa isang mesita.

Nagkatinginan ang dalawa. Kapwa napahalakhak.

“Diyos ko! Pusa lang pala!” humahalakhak pa rin si Betty. “Ewan ko ba, nitong mga huling araw ay nagiging nerbiyosa yata ako.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8

8 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 2”

  • 1 -_yatz_- says:
    March 9, 2009 at 11:19 am

    wala na ba kasunod

  • 2 jalugznd says:
    March 9, 2009 at 11:00 pm

    sis…asan na ung next chapter?

  • 3 Martha says:
    March 9, 2009 at 11:02 pm

    bukas na po yung next chapter, sobrang busy kasi sa office eh, 🙁

  • 4 carmela says:
    March 10, 2009 at 4:24 pm

    curious ako sa story. sana may kasunod pa

  • 5 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 9:10 am

    mas lalo aq0h n0h ang ganda kzi eh…..sis martha my kasunod pa bah i2………..thankzsy
    love yah all

  • 6 Djbhanqsz says:
    September 13, 2010 at 10:22 am

    hello qanda nq story paki add acoh s fb nioh ??

    xoxodjpie_bhanqsz17@yahoo.co.uk

    jholynlampano@yahoo.com

    tnx !!!

  • 7 rose says:
    September 17, 2010 at 7:22 pm

    ano vah yan bitin talaga uhhhhhhhhhhhhhmmmmmmmmmmm

  • 8 mar says:
    February 7, 2011 at 8:33 pm

    @ martha question lng poh bkt poh ang sabi nang una sa burger house na pnagtatrabhuhan nia mkkla c rando? Eh bkt kapit bahay ni betty hnd naman nia don nklala sa burger house dba?!hmp,,

Mag-iwan ng mensahe...