Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Whole wheat bread ba ito?” si Tita Azon.

“Yes, Tita. ‘Yan ang paborito mong whole wheat bread.” si Betty ang maagap na sumagot.

“Ganito rin ang dapat ninyong kainin. Ang mga puting tinapay na karaniwang nabibili sa mga bakery, groceries at tindahan ay pulos white bread na halos ay walang nutrisyon. Ang nakukuha lamang doon ay starch at sugar.”

Nagkatinginan sina Betty at Emmalyn.

“Basta tungkol sa nutrisyon, kay Tita Azon ka magtanong. Mula nang magkaroon ‘yan ng hypertension, naging health buff.”

“Ang dapat nga, wala ka pang nararamdamang sakit ay maging aware ka na sa mga tamang pagkain. Tulad ng asukal na pula, mas mabuting ito ang gamitin kaysa puting refined sugar. Napatunayan ng mga medical authorities na walang nutrisyong dulot ang white sugar.”

“O, ano ang sabi ko sa ‘yo?” kay Emmalyn nakatingin si Betty.

“Totoo naman ang sinasabi ng Tita mo, eh.” nakangiti si Emmalyn na kay Tita Azon nakatingin.

“Buti nga at naririto ka, Emmy… Nung wala ka pa, madalas kaming magtalo ni Betty. Hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Palabasa kasi ako ng mga health books kaya alam ko ang mga latest tungkol sa nutrisyon at mga gamot para sa iba’t ibang karamdaman.”

“Ang mabuti pa’y magsikain na tayo. Wala nang kuwenta ang toast kung malamig na. Hindi na malutong.” wika ni Betty na kumuha na ng piniritong ham sa pamamagitan ng tinidor.

Nahinto ng ilang saglit ang pag-uusap ng tatlo nang maging abala na sila sa pagkain.

Biglang napatigil sa pagsubo si Emmalyn. Masarap at masagana ang nakahain sa mesa. May piniritong hamon. May piniritong itlog. May adobong baboy at manok na labi pa noong nagdaang hapunan. May mga tinapay at sinangag na kanin. May kape at gatas.

“Masarap ang kinakain ko. Ano kaya ang kinakain nina Itay, Inay at mga kapatid ko?” naglalayag ang isip ni Emmalyn. “Nilagang kamote o nilagang saging? Sinangag na tuyong dilis at sinangag? Sana’y mahango ko sila sa hirap.”

“Hoy, ano’ng iniisip mo?” puna agad ni Betty. “Kumain ka.”

Napatingin din si Tita Azon kay Emmalyn. Concerned.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...