Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Ang isipin mo ay ang kaligtasan ng iyong ina!” putol ni Tita Azon sa sasabihin ni Emmalyn.

‘Tapusin mo na ang pagkain at tetelegramahan natin ang Itay mo.” wika naman ni Betty.

“Salamat,Tita Azon. Maraming-maraming salamat.” nakangiti si Emmalyn pero nangingilid ang luha sa mga mata.

Hindi gaanong nakakain si Emmaiyn. Nawalan ng gana. Ang naiisip ay ang kalagayan ng inang nasa probinsiya.

PAGKAKAIN ay tumelegrama nga si Emmalyn sa kanyang ama. Sinamahan siya ni Betty. Mula sa opisina ng telegramahan ay nagtungo sa isang snack bar ang dalawa. May tinawagan si Betty.

Sumisipsip ng guyabano juice si Emmalyn nang bumalik si Betty. Naupo at sumipsip din ng kanyang juice.

“Sinong tinawagan mo?” tanong ni Emmalyn.

“Ang burger house. Sinabi kong hindi tayo makakapasok ngayon.”

“Ano’ng idinahilan mo?” malungkot si .Emmalyn.

“Sabi ko, me sakit ka. Dinala kita sa doktor.” sabay halos na sumipsip ng kanilang juices ang dalawa. Kapwa tumahimik. Parehong nag-isip.

“Si Tita Azon ang magpapahiram ng pamasahe nina Nanay, Tatay at Kuya Erick. Talagang nakakahiya na kapag siya pa rin ang magpapaluwal para sa operasyon ni Nanay.”

“Si Tita Azon naman ang nagkusang maghandog ng kanyang tulong, eh. Huwag ka nang mahiya. Para na rin namang kamag-anak ang turing sa iyo ni Tita Azon.”

Kapwa tumahimik uli ang dalawa. Nag-iisip si Emmalyn. Nakikiramdam lang si Betty. Naaawa sa kaibigan.

“Alam ko na!” sabay na nasambit ng dalawa.

“Ano, ‘yon?” tanong ni Emmalyn.

“Hindi… ikaw muna. Ano ‘yong alam mo na?”

“Si Adrian! Siya ang biglang naisip ko.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...