Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5

“Talaga namang milyonaryo si Adrian, eh…”

“Sino bang Adrian ‘yon?” napakunot pa rin ang noo ni Tita Azon.

Siya namang pagtunog ng doorbell.

“O, baka nariyan na naman ‘yong lalaking nagdala ng mga bulaklak na iyan.” ani Tita Azon.

Dali-daling lumabas ang katulong at inalam kung sino ang nasa gate. Nang magbalik ay nakangising nagbalita.

“Nagbalik ho ‘yong payat na lalaking nakasalamin. Sekretaryo daw ho siya ni Mr. Adrian Vergara. Me kasama pang isang matangkad at guwapong lalaki.”

“Patuluyin mo.” wika ni Betty. “Pihong si Adrian ang kasama!”

“Oo, patuluyin mo.” utos din ni Tita Azon.

“Etang, sa lanai mo ihatid.” pahabol ni Betty, tumingin kay Emmalyn at gumuhit sa mga labi ang isang makahulugang ngiti. “Mas romantic sa lanai”

“Magpapahanda ba ako ng miryenda?” nakangiti si Tita Azon.

“Naku, huwag na ho kayong mag-abala.” nahihiya si Emmalyn.

“Ako na’ng bahala, Tita!” masayang wika ni Betty.

Nasa lanai na at nakaupo si Adrian at ang sekretaryo nito, nang magtungo roon sina Betty at Emmalyn. Tumayo ang dalawang lalaki.

“Sige, maupo kayo. Feel at home” nakangiting wika ni Betty.

“Good morning” halos magkasabay na bati ng dalawang lalaki.

Nag-good morning din sina Emmalyn at Betty. Naupo ang dalawang binata. Umupo rin sina Emmalyn at Betty sa katapat na magkahiwalay na armchairs.

“I ‘m sorry sa inasal ko noong huli tayong mag-usap.” wika ni Emmalyn na hindi tumitingin kay Adrian.

“It’s all right. Nauunawaan ko.”

“Siya si Betty Alcantara, pamangkin ng may-ari ng bahay na ito. Best friend ko siya.” pagpapakilala ni Emmalyn.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 5”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 7:03 pm

    ang ganda xcitin’ thanks ms martha!

  • 2 charmz says:
    February 13, 2011 at 4:22 am

    bOnGgA! pG aQ aNg iNayA Ni aDriAn nA mGpKsaL kHt aLanG bYaD OkEi LnG! kHt xAn cMbHaN p yAn!!

  • 3 Aishtecaye says:
    May 24, 2011 at 11:08 pm

    Maganda sa yung concept kaso ang daming ligoy ng kwento.

  • 4 serenity029 says:
    August 6, 2011 at 11:15 pm

    kawawa nmn c rando,,hehe

  • 5 rubyaloc says:
    May 30, 2012 at 2:26 am

    ganda..

Mag-iwan ng mensahe...