Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 6

“Papaano ang trabaho mo sa burger house?”

“Dadalhin ko siya sa burger house tuwing papasok ako.”

“Naloloka ka na ba? Hindi papayag ang manidyer natin,”

“Kukuha ako ng mag-aalaga sa kanya. Meron na palang day care center ngayon. Puwedeng doon ko siya iwan sa tuwing papasok ako.”

“Hindi mo alam ang sinasabi mo, Emmy.”

“Iniwan siya sa atin ng kanyang ina. Pababayaan ba natin siya? Wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari sa buhay niya. Hindi ka ba naaawa?”

Lalong niyakap ni Emmalyn ang sanggol. Hinagkan.

“Labis kang napapalapit sa batang iyan. Balang araw ay babalikan at kukunin ‘yan ni Mildred. Baka masaktan ka?”

Biglang umihi ang sanggol. Inilapag ni Emmalyn sa kama ang bata at inalis ang nabasang lampin.

“Aba! Lalaki pala! Ang laki ng bird!” napahalakhak ng mahina si Emmalyn.

Natawa rin si Betty.

“Ikaw, Emmy, kung minsan parang luka-luka!”

“Matagal na!”

Muling naghalakhakan ang dalawa.

“Pag nagpakasal kayo ni Adrian, me anak na agad kayo!” tudyo ni Betty sa kaibigan.

Saglit na katahimikan.

“Papayag ba akong magpakasal kay Adrian? Ano sa palagay mo, Betz?”

“Alang-alang sa iyong ina, dapat kang pumayag.”

May kumatok sa pinto ng silid nina Betty at Emmalyn. Si Betty ang nagbukas ng pinto. Ang kanyang Tita Azon ang pumasok.

“Nasaan si Emmy. Papagbihisin mo na at pagka-almusal ay magtutungo kami sa post office. Magpapadala kami ng pera sa kanyang ama para gamiting pamasahe sa pagluwas nila.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

2 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 6”

  • 1 BhAiBhIe DhOzSe says:
    October 2, 2010 at 1:50 pm

    -=-bvaqketh wulahng nag iwahn ng comment?porket ba nagmasturbate si emmalyn?

  • 2 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 7:55 pm

    hahahaha~! LoL~ 😀

Mag-iwan ng mensahe...