Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 6

“Oo, Tita… sasabihin ko.”

“Kanina, nang magising ako ay para bang naalimpungatan ako. Parang me narinig akong sanggol na umiiyak. Naniniwala ba kayo sa tiyanak?”

“Hindi totoo ang tiyanak, Tita.” sabay ng nakangiting si Emmalyn na lumabas sa banyo, kalong ang sanggol.

“Ay! Tiyanak!” nabiglang sambit ni Tita Azon.

Nagtawanan sina Emmalyn at Betty.

“Hindi tiyanak ito, Tita. Baby ito.”

“Kaninong anak ‘yan?”

“Anak ko, Tita!”

“Anak mo?”

Ikinuwento ng magkaibigan kay Tita Azon ang totoong nangyari. Nalulungkot at natutuwa si Tita Azon. Nalulungkot dahil sa naging kapalaran ni Mildred. Natutuwa dahil may munting anghel na dumating sa kanilang tahanan.

“Sige, ikukuha natin ng yaya ang batang ‘yan. Ano’ng malay natin baka ang batang iyan ang magbigay sa atin ng magandang suwerte.”

Nang manaog sina Betty at Tita Azon na kasama ang sanggol upang mag-almusal ay dali-daling tinungo ni Emmalyn ang banyo para maligo.

Naghubad ng damit pantulog at panty ang dalaga.

Maluwang ang silid-paliguan. May lababong hilamusan sa gawing kaliwang dingding. May salamin sa itaas ng lababo at sa magkabila nito ay mga lalagyan ng gamot at mga toiletries. Sa gitnang bahagi ng banyo ay isang bathtub na kulay purple. Sa kanang dingding ay may isang malaki o life-size na salamin. Kitang-kita ni Emmalyn ang kanyang hubad na sarili.

Napatitig si Emmalyn sa kanyang sariling reflection. Ngayon lamang niya totohanang napansin ang malaking ipinagbago ng kanyang katawan. Well-proportioned ang kanyang katawan mula ulo hanggang paa sa taas na 5’4″. Hindi na siya gaanong payat na tulad ng dati. Napanatili niyang flat ang kanyang puson. Ang mayamang dibdib niya ay may sukat na 35″ at tayung-tayo. Malarosas ang mga utong. At ngayong nakalugay na ang kanyang lampas-balikat at unat na buhok ay isa siyang ganap na larawan ng isang EVA.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

2 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 6”

  • 1 BhAiBhIe DhOzSe says:
    October 2, 2010 at 1:50 pm

    -=-bvaqketh wulahng nag iwahn ng comment?porket ba nagmasturbate si emmalyn?

  • 2 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 7:55 pm

    hahahaha~! LoL~ 😀

Mag-iwan ng mensahe...