Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8

“Adrian, ikuha mo nga siya ng marami.”‘

Niyakap ni Adrian si Emmalyn at pagkatapos ay inakbayan. Gusto sanang magpumiglas at lumayo ni Emmalyn nguni’t natatakot siyang makahalata ang ama ni Adrian.

“Magpapakasal na tayo sa ikalawang linggo. Sagot ni Papa ang lahat ng gastos.”

“Dapat ay magpasalamat ka sa Papa mo. Napakabait pala niya.”

Niyakap din ng Don ang mamanugangin.

“Kamukhang-kamukha mo ang nasirang misis ko. Super bait at super ganda. Sayang at maagang kinuha ng Maykapal.”

“Huwag ho kayong malungkot. Naniniwala akong magldkita pa kayong muli.”

“Papaano? Pag namatay ako, magkikita ang mga kaluluwa namin?”

“Walang kamatayan ang ating mga kaluluwa. Nagpapalit-palit lang ang bihis o anyo. Kayo at ang inyong nasirang asawa ay ipapanganak muli. Kaya lang ay mag-iiba na ang inyong mga kalagayan sa buhay.”

Napakunot ang noo pero nakangiti ang matanda.

“Papaano mong nalaman ang mga bagay na iyan?”

“Nababasa ko ho sa mga libro. Palabasa ho ako. Mula ho kasi nang mamatay ang una kong nobyo ay para hong nawalan na ng halaga sa akin ang buhay. Para ho bang ang lahat ng ito ay hindi totoo. Parang panaginip lang. Na ang tunay na katotohanan ay ang kamatayan. Sa kamatayan kasi humahantong ang lahat. Nguni’t nang mabasa ko ang tungkol sa reincarnation ay nabuhay na muli ang isang bagong pag-asa sa puso at isip ko.”

“Papaano ‘yan kung sakaling mamatay ka na at magkita kayo ng kaluluwa ng una mong naging nobyo eh me asawa ka na?”

“By that time marahil ay nakabalik na sa lupa ang kaluluwa niya sa isang bagong katawan. Magiging bahagi na lamang siya ng alaala.”

“At ang hihintayin mo na lang ay ang kaluluwa ng anak ko kung sakaling ikaw ang maunang yumao sa kanya?”

“Dapat lang ho dahil siya ang asawa ko. Ang dapat ho kasi sa mag-asawa, manatili silang magkasama lumipas man ang milyun-milyong mga taon.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

2 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8”

  • 1 rey says:
    March 17, 2010 at 8:40 pm

    sana ituloy ang kwento..ang ganda!

  • 2 Rina says:
    October 13, 2010 at 9:05 pm

    nalimutan na ipagamot ung nanay, nagbakasyon na..
    hehe..
    nice job po..ganda ng story! =)

Mag-iwan ng mensahe...