Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8

“Totoong-totoo! Kaya may karapatan akong malaman kung sino ang ama ng anak mo.”

“Hindi ko anak ang batang inaalagaan ko. Anak iyon ng isa naming kasamahan sa trabaho. Iniwan sa amin ang bata dahil lagi siyang sinasaktan ng kanyang asawang wala na ngang trabaho ay gumon pa sa droga.”

“Bakit sinabi mo kanina kay Papa na may anak na tayo?”

“Tinutulungan lang kita. Gusto kong ibigay niya sa iyo ang kabuuan ng halagang hinihiram mo sa kanya.”

Napangiti si Adrian. Inakbayan si Emmalyn. Umilag ang dalaga. Marahang inilayo ang kamay ni Adrian.

“Hep! Hep! Totoo ang kasal natin pero hindi tayo totoong mag-asawa. Remember?”

Hindi malaman ni Adrian kung bakit parang kinurot ang puso niya sa sinabing iyon ni Emmalyn. Dahil kaya sa nahuhulog na ang loob niya sa dalaga? Dahil kaya nababaitan siya dahil sa ginawa nitong pagtulong sa kanya?

“Vigin ka pa ba?” parang wala sa sarili ay naitanong ni Adrian.

“Siyempre!” magkasalpok ang mga kilay na sagot ni Emmalyn.

Ang lalaki, maisip lamang na virgin pa ang isang magandang babae ay gumigising na agad ang damdaming makalupa.

“Napakamapalad ko nga palang talaga!” naisip ni Adrian. Maganda at mabait si Emmalyn. At ang pinaka-importante ay virgin pa! Ngayon ay hindi siya nagsisisi dahil totoo ang naging kasal nila. Ayos lang na hindi peke ang kanilang kasal. Kung tutuusin ay naka-jackpot siya kay Emmalyn.

PAGDATING kina Tita Azon ay kinalong agad ni Emmalyn ang sanggol na iniwan ni Mildred.

“Congratulations uli ha!” masaya si Tita Azon. “Pero ano ang ginagawa n’yo rito? Di ba dapat ay nasa honeymoon kayo?”

“Hindi na kami magha-honeymoon, Tita! May anak na kami!” nakangiting wika ni Adrian.

“Tita, sorry kanina… hindi ko kayo masyadong naasikaso. Napakarami kasing bisita.”

“Ano bang hindi, eh asikasung-asikaso n’yo nga kami.”

“Si Betty ho?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

2 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8”

  • 1 rey says:
    March 17, 2010 at 8:40 pm

    sana ituloy ang kwento..ang ganda!

  • 2 Rina says:
    October 13, 2010 at 9:05 pm

    nalimutan na ipagamot ung nanay, nagbakasyon na..
    hehe..
    nice job po..ganda ng story! =)

Mag-iwan ng mensahe...