Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8

“Wala. Sinamahan si Rando.”

“Bakit ho, saan sila nagpunta?”

Tiningnan muna ni Tita Azon si Adrian bago nagsalita.

“Labis na dinamdam ni Rando ang ginawa mong pagpapakasal kay Adrian. Lokong-loko pala sa iyo ang batang iyon. Ikaw daw ang first love niya.”

“Nanliligaw nga sa akin ‘yon pero dini-discourage ko. Bukod sa batambata pa nga eh masyadong childish. Isip-bata.”

“Mula pa kanina ay inom nang ino’m. Lasing na lasing na nga. Pilit na niyaya si Betty. Pupuntahan ka raw.”

“Aba, at bakit naman niya ako pupuntahan?”

“Sinamahan nga ni Betty para dalhin sa ibang lugar. Naisip kasi namin na baka manggulo sa inyo. Alam mo na naman ang taong matindi ang sama ang loob at nakainom… hindi alam ang ginagawa kung tama o mali.”

“Huwag siyang magkakamaling guluhin kami. Sa bilangguan o dili kaya’y sa ospital siya pupulutin.” galit na pahayag ni Adrian.

“Tita, naparito ako para kunin si… Andro na ang bago niyang pangalan. Ipapasyal ko rin siya rito.”

“Naku! Mami-miss ko ang batang ‘yan, ang sarap laruin, eh. Palangiti at palatawa. Walang kamuwang-muwang sa malulungkot na pangyayaring naganap sa kanyang ina.”

“Doon sa bahay ay maibibigay ko ang lahat ng layaw niya. Uuwi pa rin ako rito, Tita. Huwag kang malungkot Siyempre, doon muna kami para… para hindi makahalata ang papa ni Adrian.”

“Papaano kung dumating dito ang tunay na ina ng bata?”

“Sabihin nyong hindi n’yo alam kung nasaan ako. Pero huwag siyang mag-alala, isasauli ko rin ang anak niya. Hihiramin lang namin.”

“Pag nagkaroon na kami ng sariling anak ni Emmy ay tiyak na ibabalik namin sa kanya ang anak niya.” makahulugan ang ngiting iniuukol ni Adrian sa dalaga.

“Nek-nek mo!” pairap na wika ni Emmalyn kay Adrian.

“Magpapaalam na ho kami, Tita…”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

2 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 8”

  • 1 rey says:
    March 17, 2010 at 8:40 pm

    sana ituloy ang kwento..ang ganda!

  • 2 Rina says:
    October 13, 2010 at 9:05 pm

    nalimutan na ipagamot ung nanay, nagbakasyon na..
    hehe..
    nice job po..ganda ng story! =)

Mag-iwan ng mensahe...