Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

“Alam na niyang diyan ko iniwan ang bata. Sinabi ko na dahil sa hirap na hirap na ako. Kaninang umalis siya para pumunta diyan ay nakatakas ako. Patungo na ako ngayon sa kahit saang presinto o himpilan ng pulisya. Hihingi ako ng proteksiyon. Huwag n’yong ibibigay ang anak ko. Ipagbibili ng hayup na iyon. Itago n’yo ang anak ko!” humagulgol si Mildred.

“Wala na rito ang anak mo, Mildred. Huwag kang mag-alala. Umalis na rito si Emmy.
Ipinadala namin sa kanya ang anak mo dahil giliw na giliw siya rito.”

“Pag dumating diyan si Digno ay huwag mong sasabihin na ibinigay mo kay Emmalyn ang anak ko. Huwag mo ring ituturo kung nasaan si Emmalyn. Huwag!”

“Nasaan ka ba? Pupuntahan kita! Sasamahan kita sa pulisya!

“Hindi ko nga alam kung nasaan ako!” umiiyak pa rin si Mildred. “Litung-lito na ako Nanlalata ako dahil sa hirap at gutom. Tatawag na lang ako uli…”

“Mag-iingat ka, Mildred. Punta ka na agad sa pulis!”

Nag-dial tone na. Nagbaba na ng telepono si Mildred.

Kabababa pa lamang ni Betty ng receiver ng telepono nang sa lalapit ang katulong.

“Ate, me lalaki doon sa labas. Galit na galit. Asawa daw siya ni Mildred.”

“Sinong Mildred? Sinong lalaki ‘yon?”

“Tita, si Mildred ‘yong nag-iwan dito ng bata. Ang nasa gate ay ang addict na asawa niya.”

“Hesusmaryosep!”

“Katatawag-tawag nga lang ni Mildred. Huwag daw nating ituturo kung nasaan ang bata.”

Kasama ni Etang na nagtungo sa tarangkahang bakal si Betty.

“Wala rito ang anak ni Mildred.” galit na wika agad ni Betty. “Alam kong ikaw si Digno na dating kinakasama ni Mildred. Wala rito ang sanggol, kasama ni Mildred na nagpunta sa pulisya.”

“Niloloko mo ba ako? Papaanong makapupunta rito si Mildred eh iniwan kong nakakulong sa kuwarto ko? At saka sinabi na sa akin niyang katulong ninyo na dinala raw nung Emmalyn ang anak ko. Nasaan ang Emmalyn na iyon? Saan niya dinala ang anak ko?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes 🙂

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...