Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

Biglang binatukan ni Betty ang tangang katulong.

“At sino’ng me sabi sa iyong nasa kay Emmy ang bata? Walang kinalaman si Emmy sa anak ni Mildred.”

“Wala nang marami pang kiyaw-kiyaw! Basta’t sabihin mo na lang sa akin kung nasan si Emmalyn at ang anak ko… bago ako maghuramentado rito!”

“For your information, Mister Bugbugero… nakatakas si Mildred at naunahan ka sa pagparito. Kinuha niya ang anak niya at nagpunta sila sa pulisya para humingi ng proteksiyon.”

Biglang itinulak at hinawi ni Digno si Betty’ at ang katulong at pumasok sa loob.

“Hoy! Tresspassing ka! Ipapupulis kita!” sunud-sunod na sigaw ni Betty.

Nguni’t tuluy-tuloy si Digno. Parang walang narinig.

Papasok na lamang sa pinto ang buhong nang bumulaga sa kanya ang dulo ng isang ripleng de sabog.

“Umalis ka ngayon din kung hindi mo gustong pulutin sa lupa ang mga piraso ng durog mong utak!” nanlilisik ang mga mata ni Tita Azon. Siya ang may hawak ng de sabog.

Napaatras si Digno.

“Sabihin n’yo sa akin kung nasaan si Emmalyn at ang anak ko at hindi ko kayo iistorbohin.”

“Mula nang mag-asawa si Emmalyn ay hindi na dito nakatira. At wala sa kanya ang sanggol na sinasabi mo!”

“Sinabi ko nang naparito si Mildred at kinuha ang anak niya ay ayaw pa ring maniwala.” si Betty.

“Narinig mo ‘yon? Umalis ka na!”

Kinuha ni Betty ang shotgun sa kanyang tiya Azon at patuloy na iniumang kay Digno.

“Tita, tumawag ka sa pulisya. I-report mong pinasok tayo ng isang drug addict!”

Mabilis na kumilos ang tiyahin ni Betty. Naka-contact agad sa pulisya. Sinabi ang kanilang address.

“Oho. Oho. Ngayon-din ho. Dalian n’yo, para n’yo nang awa! Baka gawan kami ng masama. Nagbabanta hong maghuhuramentado raw siya.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes 🙂

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...