Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

Hindi pa naibababa ni Tita Azon ang awditibo ng telepono ay nawala na agad si Digno.

Humihingal sa takot si Tita Azon nang lumapit kay Betty. Nai-lock naman agad ni Etang ang gate.

“Salamat naman at umalis na pala ang hayup na iyon!” wari’y galing sa mahabang pagtakbo si Tita Azon.

“Nagmamadaling umalis pero nagbanta. Babalik daw siya para kunin ang kanyang anak.”

“Aba, kailangang maglagay na tayo ng security guard dito” nahihintakutang pasiya ni Tita Azon.

Kinagalitan ni Betty si Etang.

“Ikaw, maski kelan napakaadelantada mo! Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang magbigay ng impormasyon sa isang tao na hindi mo naman kilala?”

“Kasi’y siya raw ang ama nung bata. Tinakasan daw siya ni Mildred at sumama sa ibang lalaki. Mukhang kawawa nang kausap ko kanina, eh.”

“Ano pa’ng sinabi mo sa lokong ‘yon? Ano pa?” nagpupuyos ang kalooban ni Betty.

“Wala na, Ate. Wala na akong sinabi. Basta ang sabi ko isinama nina Ate Emmy at Kuya Adrian ang bata. Gagawin na nilang anak nila.”

“Diyos ko! Ano pa’ng sinabi mo? Sabihin mo at baka puntahan sina Emmy at Adrian at guluhin sila.” nanggigigil na si Betty. Gusto nang sakalin ang katulong.

“Sinabi kong nagpunta sila sa mansiyon ng mga Vergara sa Forbes Park.”

“Oh my God! Tiyak na magkakagulo sila roon. Ang alam pa naman ni Don Alejandro ay apo niya ang sanggol na iyon.”

“Tawagan mo si Emmy! Dali!” natataranta si Tita Azon.

Napamulagat si Betty nang angatin ang receiver ng telepono.

“Walang dial tone!”

“Imposibleng masira ‘yan. Kani-kanina lang ay nagamit mo pa nang tumawag ang kaibigan mong si Mildred.”

Nguni’t kahit ano ang gawin ni Betty ay patay ang linya.

Biglang kinutuban si Betty.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes 🙂

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...