Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9

“Emmy! Nagpunta rito si Digno! Ang ka-live-in ni Mildred. Kukunin daw ang anak niya. Pero bago siya pumarito ay nakatawag si Mildred. Nasundan pala rito ni Digno si Mildred nang magtungo rito noon. Ikinulong daw sa inuupahang kuwarto ng addict na iyon at pinagbubugbog. Nakatakas si Mildred. Sinabi kong magsuplong na siya sa pulisya. At eto’ng masama… alam ni Digno na nasa iyo ang anak nila. Pupuntahan ka riyan. Baka guluhin kayo. Kailangang umalis ka riyan ngayon din na kasama ang bata. Hindi dapat mapunta sa hayup na iyon ang bata. Ipagbibili ‘yon! Itakas mo, Emmy! Itakas mo!”

Sa katarantahan ay hindi na nagawang magpaalam ni Emmalyn kay Betty. Kalong ang sanggol ay nagpatiuna na sa loob ng pajero.

Habang binabagtas nila ang kahabaan ng highway patungo sa Tagaytay ay hindi nagpapahalata si Emmalyn kina Adnan sa unahang upuan. Nakaupo naman sa likuran si Don Alejandro na kalong ang sanggol at ang babaing katulong.

“Sana ay huwag kaming masundan ni Digno sa Tagaytay!” iyon ang paulit-ulit na dinadasal ni Emmalyn habang daan.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

5 responses to “Isang Milyong Pag-Ibig – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    July 13, 2009 at 8:04 pm

    nakakainis tlaga un madaldal na katulong! pero infairness mganda sya, suspense ang dating.. ^^

    • 2 Martha says:
      July 14, 2009 at 5:19 pm

      hihihi salamat naman at nasiyahan ka Godes 🙂

  • 3 angel says:
    December 30, 2009 at 8:40 am

    kainis naman yun ka2long… nila….
    perO
    hehehe… super nice .ang s2ry
    more power & god bless!!!!

  • 4 vey says:
    December 1, 2010 at 2:33 pm

    tatanga -tanga nman ka2long nila… sarap sabunutan… hehehe…

  • 5 .nindkong says:
    October 7, 2011 at 8:48 pm

    wwaaaahhh~!!!!!!!
    exciting~!!!!!!!!!! x]p

Mag-iwan ng mensahe...