Share Your Love!

Isang Milyong Pag-Ibig

Pangalawa sa tatlong magkakapatid si Emmalyn. Sa pagkamatay ng kanyang kasintahang si Rogelio Bernardo ay parang bulang naglaho ang kanilang mga pangarap. Namamasukan si Emmalyn sa isang burger house, kung saan niya nakilala si Rando, ang binatang nagkagusto sa kanya, at si Adrian Vergara isang anak-mayaman. Nagbago ang uri ng pamumuhay ng dalaga nang mapilitan siyang tanggapin ang alok na kasal ni Adrian, na hindi naman niya iniibig kundi dahil lang sa matinding pangangailangan. Iisa ang dahilan kung bakit naganap ang kasalan ng dalawa: salapi. Iyon lang ang nalalabing paraan para sa naguguluhang si Emmalyn.