Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 2

Kaya naiinis man sa buhay na pinagsadlakan sa kanya ng mga magulang, nagpatuloy lang siya sa pagsagwan patungo sa laot.

Hanggang sa wakas ay nakarating siya sa nais patunguhan. Inihagis niya ang malaking lambat sa tubig, naghintay ng mahabang oras.

Pagkaraan ng ilang oras, kalat na ang liwanag, patungo na siya sa pampang kung saan nakatirik ang malaki at magarang rest house na binabantayan ni Mang Rico.

“Tao po! Tao po!” tawag niya nang makababa na ng bangka habang bitbit ang bakol na kinalalagyan ng mga huli niyang pusit.

Malalaki ang kanyang huli, sariwang-sariwa pa kaya sigurado siya na magugustuhan iyon ng may-ari ng rest house.

“Tao po! Tao po! Pusit po!” muli niyang sigaw nang walang sumagot.

Pero wala pa ring sumagot sa kanya.

Wala yatang tao, ah!

Gumala sa paligid ang kanyang paningin. Nasulyapan niya ang maganda at mamahaling BMW na nakaparada sa gilid ng rest house.

Wow! Ang ganda naman ng car!

Nangingislap ang mga matang tinakbo niya ang sasakyan at sinipat-sipat. Inilapag pa ang dalang bakol ng pusit para haplusin ang makintab na hood nito.

Wow! Ang ganda talaga! Mukhang ang sarap maupo sa loob. Ang lamig siguro ng aircon, saka tiyak na ang lambot ng upuan. Kailan kaya ako masasakay sa ganitong sasakyan?

Hindi pa nagkasya ang dalaga, idinikit pa ang mukha sa bintanang salamin, pinipilit na silipin ang loob dahil maitim na tinted iyon kaya wala siyang makita.

Oh! May TV pa sa loob, o! Wow talaga!

“Hoy!”

“Hoy kahoy!” mapaigtad siya dahil sa malakas na sigaw na iyon, sabay lingon.

“Anong ginagawa mo sa kotse ko, ha?” nakapamaywang na tanong ng guwapo at matangkad na lataking nakatayo ngayon sa harapan niya.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

18 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 2”

  • 1 chelmnm says:
    July 18, 2009 at 10:51 pm

    kelan n po itutuloy?promise ang ganda nito!!!!

  • 2 muffinz"zaidz" says:
    July 21, 2009 at 4:24 am

    “hummmm i really like to read lovestory”ganda ng kwento pwede pakituloy na poh???or ako po magtutuloy hehehehe…jokezzzz poh…..

    • 3 karen says:
      September 17, 2009 at 5:10 pm

      sige nga i2loy mo nga……. jejejeje sana mabasa mo to.. i just want to ask lng kasi…

  • 4 shakywitt says:
    July 21, 2009 at 5:13 am

    ang ganda naman nang story …pero bitin lang kasi hindi pa yon tapos ang story…sana matutuloy namin yong ibang kabanata…

  • 5 dionabeth says:
    July 22, 2009 at 10:51 am

    maganda po yong kwento as inn kelan p yong kasunod nya

  • 6 Godes says:
    July 22, 2009 at 3:13 pm

    “Oo nga ang ganda! sana po di umabot ng buwan ang mga susunod na chapter sana di masyadong mtagal un next chapter pllzzzz po… thank u!

  • 7 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 8:59 am

    oh,gosh its’ sooo beautiful……kelan itu2loy ah………hehhehe

  • 8 Jheng says:
    July 27, 2009 at 12:57 pm

    OMG( oh my gosh!!!bitin……..patuloy na po para sa karamihan….Thanks po!

  • 9 bunny says:
    July 28, 2009 at 9:22 am

    hala bitin naman to the highest level tuloy mo n po ang kwento 🙁

  • 10 Eziram says:
    July 29, 2009 at 12:17 am

    Bitin??!!

  • 11 cheche says:
    July 29, 2009 at 2:53 pm

    kailan po yung karugtong..sorry po kung makulit ako!!ang ganda po kasi!thanks..

  • 12 karen says:
    September 17, 2009 at 5:13 pm

    ganda talaga ng stort nla……. kakakilig talaga jejejeje sana matoloy na sa susunod

  • 13 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 8:03 am

    ..+i Luv dS kAbAnAtA 2.3…

    vEry fUnny…

    ./…….

    (^_^)

  • 14 eunjae says:
    November 7, 2010 at 8:59 am

    .., kahoy dw ??!!! Hahahaha gnun nua bua tlga xia kaitim !!! Heheh

  • 15 ivy says:
    November 16, 2010 at 9:36 pm

    naman…ang sungit talaga! oveeeeeeeeer..

  • 16 aliya says:
    December 14, 2010 at 5:35 pm

    ganda naman …

  • 17 patrice says:
    February 1, 2011 at 8:44 am

    la oe!!!!!!! ang ganda…..ipagpatuloy mo!!

  • 18 christine says:
    April 20, 2011 at 9:43 am

    wow ang gnda po ng kwento!!!kinikilig ako………

Mag-iwan ng mensahe...