Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 2

Pero hindi lang ang galit na nakabadha sa mukha nito, o ang nanlilisik na mga mata nito ang nagpahindik sa kanya, kundi ang ayos nito.

Hubad-baro ang lalaki, labas ang malapad na dibdib, mamasel na mga braso, at higit sa lahat, naeeskandalo siya dahil boxer short lang ang tanging suot nito.

Sanay naman siyang makakita ng hubad na lalaki. Karamihan sa mga kalalakihan sa kanilang baryo ay hubad-barong naglalakad sa dalampasigan, lalo na kapag papalaot.

Iyong ibang tambay naman sa pondohan ay mga nakahubad din dahil magbubuhat ng mga banyera ng huling isda.

Pero hindi siya pa nakakita ng hubad na katawan ng lalaki na ganito kakinis, marosas-rosas pa ang balat, parang ang sarap haplusin.

Awang ang mga labing tinitigan niya ito sa mga mata, tila siya nahihipnotismo ngayon dahil parang ayaw mapuknat ng mga mata niya sa mukha nito.

Ang guwapo naman, parang artista!

“Hoy!” bulyaw nito.

“Ay, hoy!” muli siyang napapitlag.

“Anong ginagawa mo sa kotse ko, ha?

“Ah, w-wala! S-sinisilip ko lang, kasi –”

“ At sino ka! Anong ginagawa mo rito? Pribado ang lugar na ito, ah!” nakapamaywang pa rin na gigil na tanong nito.

“K-kasi nga, mag-aalok sana ako ng pusit sa may-ari ng rest house. H-hindi naman ako masamang tao. G-gusto ko ang –“

At gusto mong maniwala ako sa iyo na wala kang masamang balak sa kotse ko, ha? At anong pusit ang pinagsasabi mo?’

“H-hindi, talagang mag-aalok ako ng pusit. N-nagandahan lang ako sa kotse mo. H-hayun ang bakol ng pusit, o! Bumili ka na, please?” sabay salikop ng nga palad na tila nagdarasal.

NATIGILAN SI Dominic nang makita ang malalaki at sariwang-sariwang mga pusit sa bakol, iyon ang pinakapaborito niya sa lahat ng seafoods.

Isa pa, hindi naman talaga mukhang masamang tao ang babaeng kaharap niya. At kahit na medyo kayumanggi ang balat nito, banaag niya ang kagandahan nito.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

18 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 2”

  • 1 chelmnm says:
    July 18, 2009 at 10:51 pm

    kelan n po itutuloy?promise ang ganda nito!!!!

  • 2 muffinz"zaidz" says:
    July 21, 2009 at 4:24 am

    “hummmm i really like to read lovestory”ganda ng kwento pwede pakituloy na poh???or ako po magtutuloy hehehehe…jokezzzz poh…..

    • 3 karen says:
      September 17, 2009 at 5:10 pm

      sige nga i2loy mo nga……. jejejeje sana mabasa mo to.. i just want to ask lng kasi…

  • 4 shakywitt says:
    July 21, 2009 at 5:13 am

    ang ganda naman nang story …pero bitin lang kasi hindi pa yon tapos ang story…sana matutuloy namin yong ibang kabanata…

  • 5 dionabeth says:
    July 22, 2009 at 10:51 am

    maganda po yong kwento as inn kelan p yong kasunod nya

  • 6 Godes says:
    July 22, 2009 at 3:13 pm

    “Oo nga ang ganda! sana po di umabot ng buwan ang mga susunod na chapter sana di masyadong mtagal un next chapter pllzzzz po… thank u!

  • 7 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 8:59 am

    oh,gosh its’ sooo beautiful……kelan itu2loy ah………hehhehe

  • 8 Jheng says:
    July 27, 2009 at 12:57 pm

    OMG( oh my gosh!!!bitin……..patuloy na po para sa karamihan….Thanks po!

  • 9 bunny says:
    July 28, 2009 at 9:22 am

    hala bitin naman to the highest level tuloy mo n po ang kwento 🙁

  • 10 Eziram says:
    July 29, 2009 at 12:17 am

    Bitin??!!

  • 11 cheche says:
    July 29, 2009 at 2:53 pm

    kailan po yung karugtong..sorry po kung makulit ako!!ang ganda po kasi!thanks..

  • 12 karen says:
    September 17, 2009 at 5:13 pm

    ganda talaga ng stort nla……. kakakilig talaga jejejeje sana matoloy na sa susunod

  • 13 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 8:03 am

    ..+i Luv dS kAbAnAtA 2.3…

    vEry fUnny…

    ./…….

    (^_^)

  • 14 eunjae says:
    November 7, 2010 at 8:59 am

    .., kahoy dw ??!!! Hahahaha gnun nua bua tlga xia kaitim !!! Heheh

  • 15 ivy says:
    November 16, 2010 at 9:36 pm

    naman…ang sungit talaga! oveeeeeeeeer..

  • 16 aliya says:
    December 14, 2010 at 5:35 pm

    ganda naman …

  • 17 patrice says:
    February 1, 2011 at 8:44 am

    la oe!!!!!!! ang ganda…..ipagpatuloy mo!!

  • 18 christine says:
    April 20, 2011 at 9:43 am

    wow ang gnda po ng kwento!!!kinikilig ako………

Mag-iwan ng mensahe...