Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 2

Mas naging masigla si Jackie sa paglilinis sa pusit. Mayamaya pa ay kumakatok na siya sa bahay para maningil.

“O, sobra iyan, ha? Bayad sa paglilinis mo ng pusit,” pormal ang mukhang wika ni Dominic nang pagbuksan siya.

“Ay, thank you! Siyanga pala ako si –”

“Sige na, lakad ka na. Dalhan mo ako bukas ng malalaking isda, ha?” Pagkawika niyon ay lumapat na pasara ang pinto.

Naiwang nakatunganga si Jackie.

Nakakainis naman, sasasabihin ko sana ang pangalan ko para malaman ko naman ang pangalan niya, sukat nagsara na ng pinto. Bastos yata, ah! Pero ang guwapo naman niyang bastos, ha?

Nanunulis ang ngusong humakbang na siya patungo sa dalampasigan para balikan ang kanyang bangka.

Hindi bale, ako na lang uli ang mamamalakaya bukas para may dahilan akong bumalik dito. Sana ay makahuli ako ng mga malalaking isda bukas. Hay, ang pogi talaga niya!

Kinikilig na namang itinulak niya ang bangka patungo sa laot para makauwi na siya.

Malamig na malamig ang kanyang ulo nang makauwi na sa kanila, iyon ay kahit nadatnan niyang nakaumpok na sa mga kainuman ang kanyang tatay gayung alas-nueve pa lang ng umaga.

“O, hayan na ang dalaga mo, Joseph. Mukhang nasabak na naman sa pamamalakaya, ah?” wika ng kainuman ng matanda.

“Oo nga, eh, sumasakit kasing ulo ko,” ngising-ngising wika ni Mang Joseph.

“Kuh, sobrang inom ka kasi kahapon.”

“Suwerte ka sa anak mong iyan, masipag na, mahusay pa sa trabahong lalaki. Aba, kahit na wala kang anak na lalaki, malaking pakinabang mo sa kanya dahil kaya niya ang trabahong lalaki. Alin, iyong anak kong dalaga? Hayun, walang ginawa kundi magsuklay at magsalamin. Ang arte! Hindi kagaya ng anak mo, walang kiyeme kahit na anong trabaho.”

“Oo nga, iyong anak kong dalaga, hayun sa kaartenan numero uno. Ngayon, isa na siyang dalagang ina.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

18 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 2”

  • 1 chelmnm says:
    July 18, 2009 at 10:51 pm

    kelan n po itutuloy?promise ang ganda nito!!!!

  • 2 muffinz"zaidz" says:
    July 21, 2009 at 4:24 am

    “hummmm i really like to read lovestory”ganda ng kwento pwede pakituloy na poh???or ako po magtutuloy hehehehe…jokezzzz poh…..

    • 3 karen says:
      September 17, 2009 at 5:10 pm

      sige nga i2loy mo nga……. jejejeje sana mabasa mo to.. i just want to ask lng kasi…

  • 4 shakywitt says:
    July 21, 2009 at 5:13 am

    ang ganda naman nang story …pero bitin lang kasi hindi pa yon tapos ang story…sana matutuloy namin yong ibang kabanata…

  • 5 dionabeth says:
    July 22, 2009 at 10:51 am

    maganda po yong kwento as inn kelan p yong kasunod nya

  • 6 Godes says:
    July 22, 2009 at 3:13 pm

    “Oo nga ang ganda! sana po di umabot ng buwan ang mga susunod na chapter sana di masyadong mtagal un next chapter pllzzzz po… thank u!

  • 7 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 8:59 am

    oh,gosh its’ sooo beautiful……kelan itu2loy ah………hehhehe

  • 8 Jheng says:
    July 27, 2009 at 12:57 pm

    OMG( oh my gosh!!!bitin……..patuloy na po para sa karamihan….Thanks po!

  • 9 bunny says:
    July 28, 2009 at 9:22 am

    hala bitin naman to the highest level tuloy mo n po ang kwento 🙁

  • 10 Eziram says:
    July 29, 2009 at 12:17 am

    Bitin??!!

  • 11 cheche says:
    July 29, 2009 at 2:53 pm

    kailan po yung karugtong..sorry po kung makulit ako!!ang ganda po kasi!thanks..

  • 12 karen says:
    September 17, 2009 at 5:13 pm

    ganda talaga ng stort nla……. kakakilig talaga jejejeje sana matoloy na sa susunod

  • 13 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 8:03 am

    ..+i Luv dS kAbAnAtA 2.3…

    vEry fUnny…

    ./…….

    (^_^)

  • 14 eunjae says:
    November 7, 2010 at 8:59 am

    .., kahoy dw ??!!! Hahahaha gnun nua bua tlga xia kaitim !!! Heheh

  • 15 ivy says:
    November 16, 2010 at 9:36 pm

    naman…ang sungit talaga! oveeeeeeeeer..

  • 16 aliya says:
    December 14, 2010 at 5:35 pm

    ganda naman …

  • 17 patrice says:
    February 1, 2011 at 8:44 am

    la oe!!!!!!! ang ganda…..ipagpatuloy mo!!

  • 18 christine says:
    April 20, 2011 at 9:43 am

    wow ang gnda po ng kwento!!!kinikilig ako………

Mag-iwan ng mensahe...