Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 2

Napapangiti na lang si Mang Joseph. Sa mga papuri na naririnig para kay Jackie, lalo nitong naiisip na puwede na itong magtamad-tamaran sa pagtatrabaho dahil may papalit na dito.

Sa loob ng bahay nila, naririnig ni Jackie ang pag-uusap ng mga kainuman ng ama, pero hindi pa rin nag-iinit ang kanyang ulo. Aligaga pa rin kasi siya sa kaiiisip sa guwapong may-ari ng rest house.

Bukas, aagahan kong pagpunta roon. Sana naman, malaman ko na ang pangalan niya.

KAYA nang gisingin siya ng ama ng madaling-araw na iyon, agad na nagbangon si Jackie at gumayak na para pumalaot.

“Aba himala! Mukhang walang sumpong ang anak mo, hindi na ako inergo dahil masakit na naman ang ulo ko dahil sa pag-inom kahapon,” napapantastikuhang wika ni Mang Joseph sa asawang si Aling Inez.

“Kuh, baka napagod na. Alam naman kasi niyang wala na siyang magagawa sa pagkalasenggo at katamaran mo kaya ayaw nang mag-aksaya ng laway.”

“Dumale ka na naman! Tigilan mo nga ako! Makatulog na nga uli!” pagkuwa’y patalikod itong nahiga at nagtalukbong ng kumot.

“Kuh! Batugan! Ang kapal talaga ng mukha!” bubulung-bulong namang wika ni Aling Inez na nagbangon na para magluto ng agahan bago gisingin ang tatlo pang anak na nag-aaral pa sa kabilang baryo. Nasa elementarya pa lang ang mga ito.

Habang masigla namang itinulak ni Jackie patungo sa dagat ang bangka. Pagkuwa’y sumakay na siya at nagsimulang sumagwan.

Suwerte na naman siya ng araw iyon, bago pa lang magliwanag ay tatlong malalaking maya-maya at alumahan ang nahuli ng kanyang lambat, nadagdagan pa iyon ng ilang pusit kaya maaga siyang nakadaong sa pampang ng pribadong resort ng guwapong binata.

Naku, mukhang tulog pa siya, ah. Baka magalit kapag kumatok na ako. Masisira ang tulog niya. Hintayin ko na lang muna siyang magising. Oo nga, maghihintay na lang muna ako!

At para malibang ang sarili, muli niyang sinipat-sipat ang kotseng nakaparada sa tabing rest house bagama’t hindi na niya iyon hinawakan.

Mahirap na, baka mahuli na naman siya ng guwapong binata.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7

18 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 2”

  • 1 chelmnm says:
    July 18, 2009 at 10:51 pm

    kelan n po itutuloy?promise ang ganda nito!!!!

  • 2 muffinz"zaidz" says:
    July 21, 2009 at 4:24 am

    “hummmm i really like to read lovestory”ganda ng kwento pwede pakituloy na poh???or ako po magtutuloy hehehehe…jokezzzz poh…..

    • 3 karen says:
      September 17, 2009 at 5:10 pm

      sige nga i2loy mo nga……. jejejeje sana mabasa mo to.. i just want to ask lng kasi…

  • 4 shakywitt says:
    July 21, 2009 at 5:13 am

    ang ganda naman nang story …pero bitin lang kasi hindi pa yon tapos ang story…sana matutuloy namin yong ibang kabanata…

  • 5 dionabeth says:
    July 22, 2009 at 10:51 am

    maganda po yong kwento as inn kelan p yong kasunod nya

  • 6 Godes says:
    July 22, 2009 at 3:13 pm

    “Oo nga ang ganda! sana po di umabot ng buwan ang mga susunod na chapter sana di masyadong mtagal un next chapter pllzzzz po… thank u!

  • 7 prettygurl says:
    July 24, 2009 at 8:59 am

    oh,gosh its’ sooo beautiful……kelan itu2loy ah………hehhehe

  • 8 Jheng says:
    July 27, 2009 at 12:57 pm

    OMG( oh my gosh!!!bitin……..patuloy na po para sa karamihan….Thanks po!

  • 9 bunny says:
    July 28, 2009 at 9:22 am

    hala bitin naman to the highest level tuloy mo n po ang kwento 🙁

  • 10 Eziram says:
    July 29, 2009 at 12:17 am

    Bitin??!!

  • 11 cheche says:
    July 29, 2009 at 2:53 pm

    kailan po yung karugtong..sorry po kung makulit ako!!ang ganda po kasi!thanks..

  • 12 karen says:
    September 17, 2009 at 5:13 pm

    ganda talaga ng stort nla……. kakakilig talaga jejejeje sana matoloy na sa susunod

  • 13 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 8:03 am

    ..+i Luv dS kAbAnAtA 2.3…

    vEry fUnny…

    ./…….

    (^_^)

  • 14 eunjae says:
    November 7, 2010 at 8:59 am

    .., kahoy dw ??!!! Hahahaha gnun nua bua tlga xia kaitim !!! Heheh

  • 15 ivy says:
    November 16, 2010 at 9:36 pm

    naman…ang sungit talaga! oveeeeeeeeer..

  • 16 aliya says:
    December 14, 2010 at 5:35 pm

    ganda naman …

  • 17 patrice says:
    February 1, 2011 at 8:44 am

    la oe!!!!!!! ang ganda…..ipagpatuloy mo!!

  • 18 christine says:
    April 20, 2011 at 9:43 am

    wow ang gnda po ng kwento!!!kinikilig ako………

Mag-iwan ng mensahe...