Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 4

“ANO na naman ang ginagawa mo rito?” maang na tanong ni Dominic nang mapagbuksan ng pinto ang dalaga.

“Ah, k-kasi, kung aalis ka na rito sa resthouse mo, de isama mo na lang ako sa lungsod.”

“Ano? At bakit naman kita isasama?”

“P-papasok akong katulong sa iyo. Basta isama mo na lang ako.”

“Nasisiraan ka na ba talaga ng ulo? Hindi ko nga kailangan ng katulong. Ano ka ba?” bulyaw nito sa dalaga.

Napakagat-labi na lang si Jackie, muli siyang nakadama ng pagkabigo.

“Puwede ba, umuwi ka na? Paalis na ako ngayon, eh.”

Nanlalatang tumalikod ang dalaga, saka mabibigat ang hakbang na tinungo na ang kanyang bangka.

Hindi! bigla siyang huminto bago pa nakarating sa kanyang bangka. Babalik ako! Kailangang malaman kong pangalan niyal Eh, ano kung galit siya sa akin dahil nabasag kong baso niya noon? Basta itatanong kong pangalan niya! Saka sasabihin ko na rin sa kanya na gusto ko siyang maging kaibigan. Na kung maari, humigit pa sa kaibigan. Bahala na!

Kaya nagmamartsang bumalik sa resthouse ang dalaga. Animo girerang kinatok niya ang pinto nito.

“Tao po! Sir, buksan mo ito! May sasabihin pa ako sa –”

“O, bakit na naman?” biglang bumakas ang pinto.

“Ah…” napaawang na lang ang bibig ni Jackie, tila nalunok niya ang sariling dila. “K-kasi-”

“Kumakain ako, alam mo ba iyon, ha? Maaga akong aalis mamaya para bumiyahe kaya kung hindi importante ang sasabihin mo, you may go now, okay?” pormal ang mukha nito, o mas tamang salita ay galit.

Tumikhim si Jackie, saka pinuno ng hangin ang dibdib.

Ngayon, o hindi na magpakailanman!

“Hindi! Ayoko pang umalis! Kailangan mong malaman ang sasabihin ko bago ka bumalik sa lungsod?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5

7 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 4”

  • 1 Godes says:
    July 30, 2009 at 7:14 pm

    grabbbbeee ang gandaaaaaaaaaa!!!!!!!!

  • 2 MiMi says:
    August 2, 2009 at 12:13 pm

    haha nice huh? lakas loob ng girl..gnda po ng sturya..love it..haha.hndi na ako boring sa hauz..hndi na ako nag iisa sa kwarto.may paglilibngan na ako.thnks po..gling.!!

  • 3 cielo says:
    September 15, 2009 at 11:37 am

    Oh crap! Wish I could do the same to the one I dream to be with forever…

    I love you…..Jackie!!!!!!

    This is my fourth reading and I really loved the story.

    Nice work Julia….

  • 4 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 9:09 am

    :-bd
    thUmbs Up this kbAnAtA..

    Luv U jAckiE…

    tmA yAn… bE trUe

    tO Ur sELf…..

    hEhEhE

    jAckiE rULes…

  • 5 angel says:
    December 28, 2009 at 9:47 am

    grabe ang tapang nya girl…
    ahahhaa:))) gO jackie!!
    i love u!!

  • 6 christine says:
    April 20, 2011 at 10:18 am

    hahaha!!!!grba ang lkas ng loob nia….

  • 7 ren says:
    April 9, 2012 at 11:31 am

    ayeeeiiiii….. hanep… nakakaloka talaga itong c jackie….. ang lakas talaga ng loob……so interesting naman ng plot na to. . . :DDD

Mag-iwan ng mensahe...