Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 5

Am I? Tanong niya sa sarili.

“Baka napagod lang ako sa biyahe,” wika na lang niya. “Madaling araw ako umalis doon, nagbiyahe pa. Pagdating ko naman sa bahay kahapon ay hindi ako nakatulog agad dahil binasa ko pa ang mga papeles na iniwan doon ng secretary ko.”

“Ganoon?”

“Oo, ganoon. Ano ka ba? Bakit ba kung anu-ano ang napupuna mo?”

“Wala lang. Sige, aalis na muna ako, ha? Bukas na ako magre-report sa iyo.”

“Sige.”

Nang makaalis na si Morris ay napatitig sa kawalan si Dominic.

Ang totoo kasi, hindi totoong nagbasa pa siya ng mga papeles kahapon. Hindi niya hinarap iyon dahil tila nanlalata nga ang kanyang pakiramdam.

Nakahiga lang siya sa kama, pero hindi naman siya makatulog. Basta nakatitig lang siya sa kisame, tila nag-iisip, pero hindi naman niya alam kung ano ang kanyang iisipin.

Tila lumilipad ang kanyang kamalayan sa dako pa roon, pero hindi naman niya maamin sa sarili kung saan talaga lumilipad ang kanyang isip.

Doon sa kanyang resthouse sa La Union… kung saan nakatagpo niya ang weird at luka-luka yatang babae na iyon.

Damn! Padaskol na napatayo mula sa swivel chair ang binata nang maalala na naman niya ang dalagang mangingisda.

Mangkukulam nga yata iyon, ah. Bakit hindi ko makalimutan ang pinagsasabi niya? Bakit parang naririnig ko ang kanyang tinig, ang pagmamakaawa na isama ko na lang siya rito sa lungsod para maging katulong ko at nang magkaroon ako ng pagkakataong makasama siya dahil baka ma-develop ako sa kanya? My God! Nakaka-praning naman ang babaeng iyon, oo!

Mayamaya ay pilit niyang hinamig ang sarili, muling naupo sa swivel chair at hinarap ang mga papeles na babasahin at pipirmahan.

Ngunit saglit pa lang na ginagawa iyon ni Dominic ay paitsa na niyang binitiwan ang mga papeles at pabuntong-hiningang tumayo upang tumungo sa bintanang salamin ng kanyang opisina.

Mula roon ay tanaw niya ang matataas na building at establisamyento sa bahaging iyon ng Makati.

Mga Pahina: 1 2 3 4

12 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 5”

  • 1 rayne says:
    July 30, 2009 at 4:13 pm

    sana po bukas may upload uli kayong bagong kabanata…thanks……….nakakbitin po kasi….

  • 2 fire says:
    July 30, 2009 at 6:21 pm

    ms.writer paki upload na yung susunod asap..

  • 3 fire says:
    July 30, 2009 at 6:31 pm

    please naman sana may upload na agad. Hay…bitin

  • 4 Godes says:
    July 30, 2009 at 7:23 pm

    grabbbeee na to! ang ganda at supeerrr bitin!!!!
    wwaaaahhh ilan day ulit ako maghihintay?
    sana po di msyadong mtagal… naku thank u tlaga!
    sana pagselosin un lalaki ng bongang bonga lol…

  • 5 kay says:
    July 30, 2009 at 10:33 pm

    naku kakabitin naman…sana next chapter na po..ehehehe salamat po ang ganda ng story..goodluck po.

  • 6 dionabeths says:
    July 31, 2009 at 2:21 pm

    da best m yong love by the rules sana po araw araw ang chpater magnda po tlaga.and i like the lay out its look refreshing and beautiful

  • 7 myviper says:
    August 2, 2009 at 1:25 pm

    cool…,.,.,,.
    exciting po nabasahn sna myron pang kasunod,,,
    i lke it wah..,.,.,,.,..,,.

  • 8 pakats says:
    October 25, 2009 at 8:51 pm

    nabasa ko na ito sa pocketbook…d ko lang maalala kung wat title…bsta im sure,ganitong ganito ang story

  • 9 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 9:22 am

    ..=mE tOo..

    i aLrEady rEAd dS stOry..

    whEn i wAs iN thE

    phiLippinEs…

    i hOpiNg nA snA

    mbAsA cUe xiA uL8/…

    tNx… God At

    my wEbsiTe…

    nA tAgALog nOvELs….

    mOrE stOry tO writE…

    tNx.. ng mdAmE…..

    mUah….
    ….

  • 10 jhane says:
    March 9, 2010 at 10:36 am

    hai poh ms. writer ang ganda ng story ang kzu bitin.jejeje.

  • 11 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:02 am

    Ang lakas ng l00b ni jackie. . . Hehehehe kak2wa aman xia. . . . . .xana ganyan din aku mlakax ang l00b . . .mlaki tiwla xa xarili . . . .

  • 12 eunjae says:
    November 7, 2010 at 9:32 am

    ou nga .. Lakes ng fighting spirit ahehehe…. I hopei can do also what Jackie did!!!:))

Mag-iwan ng mensahe...