Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 5

Kagaya nang pagngiti. Lagi siyang nangingiti kahit na palihim noong nakakausap niya ang babaeng iyon. Agad din siyang nagtiwala rito at pinapasok pa sa kanyang bahay gayung hindi naman niya ito kilala.

At ngayon… binilinan pa niya si Mang Rico na ibigay sa babaeng iyon ang address niya sa lungsod kapag nangulit ito sa pagtatanong.

And that’s bullshit! Bakit naman kailangan ko pang ipaalam sa kanya kung saan ako matatagpuan?

Pero wala siyang makuhang sagot sa katanungang iyon.

“MARAMI ka bang nahuli?” salubong na tanong ni Aling Inez kay Jackie.

“Medyo ho. Nabenta ko na sa pondohan kaya nakabili na ako ng bigas at iba pang gamit dito sa bahay,” walang siglang tugon niya.

“Sige, magpahinga ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nakaluto na ako, ha?”

“Ah, si tatay ho?”

“Nasa kabilang bahay, may kainuman na naman.”

Napabuntong-hininga na lang siya hindi na nagkomento.

Wala namang bago roon, nakakapagod lang na kunsumihin ang kanyang sarili.

Siguro, tatanggapin na lang niya na hindi naman posible ang kanyang pangarap na magkaasawa ng mayamang guwapo na ay bata pa.

Kahit nga iyong makakuha siya ng matandang mayaman na madaling mamatay ay imposible pa rin.

Siguro, talagang ipinanganak siya para mabulok sa baryo nila, para maging katuwang ng tatay niya sa pagtataguyod sa kanilang mag-anak, o baka para maging kapalit na nito nang tuluyan dahil magreretiro na ito at siya na lang ang maghahanapbuhay.

Anuman ang talagang kapalaran niya, bahala na.

Mula ngayon ay iyon na lang ang lagi niyang iisipin para hindi na lang siya umasa, at mabigo, at masaktan.

Kaya naman ang kanyang pagtulog ay naging mahimbing, palibhasa ay ilang gabi na rin siyang puyat sa kaiiyak at katatanong kung bakit ipinanganak siyang mahirap…

“BABAE, tinatanggap mo bang maging asawa ang lalaking ito? Sa hirap at ginhawa, sa sakit at kalusugan, hanggang kamatayan?”

Nagniningning ang mga matang sinulyapan niya ang lalaking katabi sa pagkakaluhod sa harap ng altar.

“Opo, Padre, ng buong puso.”

Napangiti ang lalaki sa naging sagot niya, waring nasiyahan.

“At ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa, sa hirap at ginhawa, sa sakit at karamdaman, hanggang kamatayan?”

Muling tumitig sa kanya ang lalaki, kaytamis pa rin nang ngiti sa mga labi nito.

Ngunit mayamaya ay naging mabalasik ang ngiting iyon, mapang-uyam, nasusuklam.

“Hindi! At sino naman ang tatanggap na maging asawa ang mangmang at mahirap na babaeng iyan? Nakakasuka! Amoy-isda, malansa, maitim ang balat, at higit sa lahat, luka-luka!”

“Hah!” pasinghap na napabangon si Jackie.

Parang totoong-totoo ang panaginip kong iyon, ah. Diyos ko, hanggang sa panaginip ko ay ipinamumukha niya sa akin ang pagkaalangan ko sa kanya. Malansa raw ako, nakakasuka, mahirap, amoy-isda… luka-luka!

Sa pagkakataong iyon ay muling nabuhay ang ngitngit niya sa lalaking uminsulto sa kanya.

Hindi bale, tutal, hindi ko na siya makikita. Pipilitin ko na lang siyang kalimutan, sabi niya sa sarili na pilit na hinamig ang nawiwindang na kalooban.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4

12 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 5”

  • 1 rayne says:
    July 30, 2009 at 4:13 pm

    sana po bukas may upload uli kayong bagong kabanata…thanks……….nakakbitin po kasi….

  • 2 fire says:
    July 30, 2009 at 6:21 pm

    ms.writer paki upload na yung susunod asap..

  • 3 fire says:
    July 30, 2009 at 6:31 pm

    please naman sana may upload na agad. Hay…bitin

  • 4 Godes says:
    July 30, 2009 at 7:23 pm

    grabbbeee na to! ang ganda at supeerrr bitin!!!!
    wwaaaahhh ilan day ulit ako maghihintay?
    sana po di msyadong mtagal… naku thank u tlaga!
    sana pagselosin un lalaki ng bongang bonga lol…

  • 5 kay says:
    July 30, 2009 at 10:33 pm

    naku kakabitin naman…sana next chapter na po..ehehehe salamat po ang ganda ng story..goodluck po.

  • 6 dionabeths says:
    July 31, 2009 at 2:21 pm

    da best m yong love by the rules sana po araw araw ang chpater magnda po tlaga.and i like the lay out its look refreshing and beautiful

  • 7 myviper says:
    August 2, 2009 at 1:25 pm

    cool…,.,.,,.
    exciting po nabasahn sna myron pang kasunod,,,
    i lke it wah..,.,.,,.,..,,.

  • 8 pakats says:
    October 25, 2009 at 8:51 pm

    nabasa ko na ito sa pocketbook…d ko lang maalala kung wat title…bsta im sure,ganitong ganito ang story

  • 9 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 9:22 am

    ..=mE tOo..

    i aLrEady rEAd dS stOry..

    whEn i wAs iN thE

    phiLippinEs…

    i hOpiNg nA snA

    mbAsA cUe xiA uL8/…

    tNx… God At

    my wEbsiTe…

    nA tAgALog nOvELs….

    mOrE stOry tO writE…

    tNx.. ng mdAmE…..

    mUah….
    ….

  • 10 jhane says:
    March 9, 2010 at 10:36 am

    hai poh ms. writer ang ganda ng story ang kzu bitin.jejeje.

  • 11 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:02 am

    Ang lakas ng l00b ni jackie. . . Hehehehe kak2wa aman xia. . . . . .xana ganyan din aku mlakax ang l00b . . .mlaki tiwla xa xarili . . . .

  • 12 eunjae says:
    November 7, 2010 at 9:32 am

    ou nga .. Lakes ng fighting spirit ahehehe…. I hopei can do also what Jackie did!!!:))

Mag-iwan ng mensahe...