Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 7

Hindi maunawaan ni Dominic kung ano iyong damdaming tila tumadyak sa kanyang dibdib eksaktong natiyak niya na ang magandang kandidata na rumarampa sa gitna ng stage ay ang babaeng luka-luka na kanyang hinahanap para ipabawi rito ang binitiwang “sumpa” sa kanya.

Ang babaeng amoy-isda, weird, at nakakatakot ang mga pinagsabi sa kanya.

Pero hindi ito mukhang luka-luka ngayon, in fact, ang ganda-ganda nito, bagay na bagay ang suot na gown, parang diyosa ng kagandahan na naglalakad, kaytamis nang ngiti sa mga labi, parang nang-aakit.

At naaakit siya.

Parang gusto niya itong sugurin nang yakap sa stage, sabik na sabik siya rito. Nag-uumapaw ang tuwa sa kanyang puso ngayong muli itong nakita.

Tila nakalimutan ni Dominic kung paano niya ito nilait, tinanggihan, at tinakasan.

Ang tanging alam lang ng binata, gustung-gusto niya ang nakikita.

Kaya hanggang humilera na ito sa mga kapwa kandidata ay hindi pa rin mapuknat ang titig niya rito.

At ngayon, magkalapat na ang mga mata nila sigurado siya na nakita na rin siya nito.

At bigla siyang nasabik sa susunod nitong reaksiyon.

Iyon bang maglululundag ito sa tuwa dahil nagbalik siya, dahil nakita siyang muli. Baka nga yakapin pa siya nito.

Pero taliwas sa kanyang inaasahan ang nabasa niya sa kislap ng mga mata nito. Nanalim ang titig nito sa kanya, napalis ang matamis na ngiti, napalitan nang galit ang bakas ng mukha.

No! Huwag kang magalit sa akin.

Nagbalik naman ako para hanapin ka, eh, kausapin, humingi ng paumanhin sa mga nasabi kung kinakailangan.

Pero waring hindi nito nabasa ang mensahe ng kanyang mga mata, nag-iwas na ito nang tingin sa kanya.

No! Please, look at me!

Pero hindi na ito uli tumingin kanya.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5

8 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 7”

  • 1 rayne says:
    August 1, 2009 at 1:17 pm

    salamat po uli….kaya lang nakakabitin…i want to finished the story ang ganda kasi..always inaabangan ko po ang upload nyo…..sana marami pa po kayong bago story…..

  • 2 lonely prince says:
    August 1, 2009 at 2:49 pm

    ang ganda po ng story.. kaso nakakabitin … hihintayin q po talaga ung susunod n mga kabanata… tatapusin q po talaga yan… ang ganda-ganda po kasi… =D

  • 3 Godes says:
    August 1, 2009 at 5:58 pm

    aaayy grabbeee ang ganda tlagaa!!! wwaaaaahhh…
    naku salamat ha Ms JULIA at mabilis ang update sana mag 2loy 2loy ang ganda tlaaaggaa!!! ka bitin eevveerrrsssss

  • 4 niekk0h says:
    August 1, 2009 at 6:57 pm

    Kainiz nAman!,.Bitin!

  • 5 kay says:
    August 1, 2009 at 7:40 pm

    bitin ulit…hehehe…next kabanata please…thanks po ang ganda talaga!

  • 6 angeliquediane says:
    April 22, 2010 at 3:55 am

    I LOVE YOU , WRITER..!

  • 7 gaylle says:
    July 19, 2010 at 9:57 am

    0verrr…haha

    el grec0 series p0h bah 2??

    marami p0h k0h p0cketbo0k ng el grec0 pr0 wala ak0h nit0…

    ganda p0h….

    tnx……

  • 8 charmz says:
    January 26, 2011 at 3:47 am

    ang ganda ng story

Mag-iwan ng mensahe...