Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 7

“Siyanga pala, bukas ay may salu-salo sa bahay ko, kumbidado ko si Congressman, gusto kong naroon ka rin, Hija, ha? Matutuwa si Gob kapag nakilala ka. Siguradong sasabihin din niya na puwede ka naming isali sa gaganaping patimpalak na pangkagandahan sa mga lalawigan,” wika ng alkalde.

“Ho? A-ako ho?”

“Oo, Hija. Dahil ikaw ang nanalong pinakamagandang dilag dito sa bayan natin, puwedeng ikaw ang maging representative natin para sa panglalawigang patimpalak.”

“N-naku, baka ho hindi ko kaya.”

“Ano bang hindi kaya? Natural na kaya mo iyon, Hija. Siguradong may pag-asang masungkit ng lalawigan natin ang korona.”

“Eh… p-pag-iisipan ko ho kaya muna.”

“Sige, bahala. Pero pansamantala, ikaw na muna ang bahala kay Congressman, ha? May mga dumating lang akong bisita at sasalubingin ko lang, ha?”

“S-sige ho.”

“Ah, doon tayo sa mesang iyon,” tila naman siyang-siya ang congressman na masosolo siya.

“Ah, sige.” Pero siyempre ay hindi niya ito puwedeng pagsupladanan, alam niyang isa ito sa dahilan kaya siya nanalo.

Kitang-kita naman niya kanina kung gaano ito naaakit sa kanya.

Mabait naman si Aljur, gentleman pa. Guwapo rin naman talaga, lalo na at ngumingiti.

Pero parang hindi pa rin mapalagay si Jackie.

Paano ay nakikita pa rin niya sa gilid ng mga mata ang supladong lalaki na kahalubilo pa rin ng mga manonood na ngayon ay abala naman sa panonood sa kantahan na handog din ng mayor para sa kapistahang iyon.

Bakit kaya ayaw pa niyang umalis?

Nanonood ba siya ng kantakan? Pero hindi, eh. Sa akin siya nakatingin.

Para matiyak ang hinala ay palihim uli niya itong sinulyapan, at minsan pang nagtama ang mga mata nila.

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5

8 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 7”

  • 1 rayne says:
    August 1, 2009 at 1:17 pm

    salamat po uli….kaya lang nakakabitin…i want to finished the story ang ganda kasi..always inaabangan ko po ang upload nyo…..sana marami pa po kayong bago story…..

  • 2 lonely prince says:
    August 1, 2009 at 2:49 pm

    ang ganda po ng story.. kaso nakakabitin … hihintayin q po talaga ung susunod n mga kabanata… tatapusin q po talaga yan… ang ganda-ganda po kasi… =D

  • 3 Godes says:
    August 1, 2009 at 5:58 pm

    aaayy grabbeee ang ganda tlagaa!!! wwaaaaahhh…
    naku salamat ha Ms JULIA at mabilis ang update sana mag 2loy 2loy ang ganda tlaaaggaa!!! ka bitin eevveerrrsssss

  • 4 niekk0h says:
    August 1, 2009 at 6:57 pm

    Kainiz nAman!,.Bitin!

  • 5 kay says:
    August 1, 2009 at 7:40 pm

    bitin ulit…hehehe…next kabanata please…thanks po ang ganda talaga!

  • 6 angeliquediane says:
    April 22, 2010 at 3:55 am

    I LOVE YOU , WRITER..!

  • 7 gaylle says:
    July 19, 2010 at 9:57 am

    0verrr…haha

    el grec0 series p0h bah 2??

    marami p0h k0h p0cketbo0k ng el grec0 pr0 wala ak0h nit0…

    ganda p0h….

    tnx……

  • 8 charmz says:
    January 26, 2011 at 3:47 am

    ang ganda ng story

Mag-iwan ng mensahe...