Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 8

Ilang pagtatanong pa ang kanyang ginawa at natanaw na rin sa wakas ang hinahanap na bahay.

Doon pala siya nakatira. Oo nga, giray na. Kawawa naman siya, talaga palang mahirap lang ang buhay nila.

“Tao po! Magandang araw po!”

Ilang pagtawag pa ang ginawa ni Dominic bago may sumungaw na matandang lalaki.

“O, sino iyan?” nag-aaninag na lumabas ito, medyo sumusuray pa. Halatang lasing pa at nangangalingasaw ang alak sa hininga.

Nahinuha niyang ito na si Mang Joseph.

“Ah, dito ho ba nakatira si Jackie, iyon hong nanalong mutya ng dagat kagabi?”

Kumunot ang noo nito, saka bahagya pa siyang inaninag.

“Oo, anak ko siya! Bakit mo hinahanap ang anak ko, ha?” medyo pagalit pa nitong tanong.

“Ah…” nataranta siya sa pag-iisip ng idadahilan. “Ah, napanood ko ho siya kagabi sa koronasyon, may-ari ho ako ng isang advertising company, balak ko ho sana siyang alukin na maging modelo ng aming kumpanya.”

Gustong batiin ni Dominic ang sarili dahil agad niyang naisip iyon.

“Talaga? Kukunin mong modelo ang anak ko?” Tila naman natuwa agad ito sa narinig.

“Ah, oho. Malaki ho ang kikitain niya, mapapanood pa siya sa mga TV commercial.”

“Wow! Okay, ah! Halika, pasok ka muna.” Niluwangan nito ang bukas ng pinto at hinila pa siyang papasok. “Maupo ka.”

“Salamat ho.”

Naupo na rin ito.

“Wala ang anak ko, eh, pero ang asawa kong si Inez ay namili ng paninda sa kabayanan. Alam mo, balak kasi naming magtayo ng tindahan. Gagamitin naming puhunan iyong naging premyo niya sa patimpalak kagabi. Alam mo, talagang iyang anak kong si Jackie ang nakatakdang humango sa amin sa kahirapan.

Mga Pahina: 1 2 3 4

12 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 8”

  • 1 kay says:
    August 2, 2009 at 9:57 am

    ang ganda po talaga…next chapter na!!! salamat ulit sa pagpost…goodluck po… 🙂

  • 2 bunny says:
    August 2, 2009 at 11:30 am

    bitin naman eh 🙁 kilig na kilig ako grabe

  • 3 MiMi says:
    August 2, 2009 at 12:51 pm

    bitin po eh.wah..

  • 4 Godes says:
    August 2, 2009 at 8:52 pm

    aaayyy grabbbeee…. kinikilig akoooo!!!!!!!!!
    pero napapansin ko paiksi ng paiksi un chapters ha.. heheee…. 4 pages na lang…wwwaaaaaaaaahhhhh……. pero infairness maganda sya suuuppeerrr!!!!!!! Sana po pahabain yo nman hehehee… kabitin tlagaa

  • 5 lonely prince says:
    August 4, 2009 at 6:53 pm

    ang ganda ganda!!!! suuuuuuuuuuuuuuper!!!
    kinikilig po me….. minsan lang ako makabasa ng mga love novels…. at itong kwentong ito ay napakaganda…. sana po maging madalas ung pagpost nyo taz mejo pahabain ninyo po kasi mejo nakakabitin…. tnx po… good luck…. hope God will give u more ideas to make this story nicer…. =>

  • 6 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 10:41 am

    kiLig tO d’ mAxx….

  • 7 angeliquediane says:
    April 22, 2010 at 4:09 am

    i really love you, writer..<3

  • 8 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:22 am

    Ang cpg at ang bait aman ni jackie. . . Kc tinu2lungan yung family nia kh8 xa kakaunting pera. . Ibinbhagi parin nia e2 xa mga mgulng nia. . .

  • 9 lanelyn says:
    December 9, 2010 at 3:35 pm

    my gosh parng naluluka na rin ako sa sobrang ganda!!!!

  • 10 zaicy says:
    August 29, 2012 at 3:45 pm

    bitin naman

  • 11 Zaunacco says:
    September 4, 2012 at 5:56 pm

    Hello … how are you “D

  • 12 Zaunacco says:
    September 4, 2012 at 5:56 pm

    Saan d2 maGandang basahin? yung may thrill kung baga :DD ayeeeyyy ..

Mag-iwan ng mensahe...