Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 8

Bata pa iyan ay napakalaki na ng tulong sa aming mag-asawa. At nitong may edad na ako, aba, pati na trabahong-lalaki ay kinakaya. Marunong mamalakaya ng isda sa karagatan iyan. Pero sa tingin ko, ngayong nanalo siya sa patimpalak na iyon, magsisimula na ang magandang buhay para sa kanya. Kilala ko iyang anak ko, walangโ€””

“Joseph, sino ba iyang bisita mo?”

Napalingon sila sa nagsalita.

“Ah, magandang umaga ho!” agad niyang bati nang makita ang isang may edad ng babae na maraming pinamili. Nahinuha niyang ito ang ina ni Jackie.

“Magandang umaga naman.”

“Oy, Inez, alam mo bang may-ari siya ng isang advertising company sa lungsod?” kuwento agad ni Mang Joseph.

“H-h?? Ano iyon?”

“Ah, ang kumpanya ho namin ang gumagawa ng iba’t ibang commercial para saTV.”

“Oo, iyon nga. At alam mo ba kung bakit siya narito? Napanood daw niya si Jackie kagabi sa koronasyon at nagandahan siya rito. Kaya raw kukunin niya itong modelo.”

“H-ha? Talaga ba?” maang na baling ng babae kay Dominic.

“Ah, oho!” Itinuloy na niya ang pagsisinungaling.

“Naku, sa palagay ko’y ang anak ko ang dapat mong makausap sa bagay na iyan. Pero wala kasi siya, eh, Sinundo siya kanina ni Congressman dahil dadalo sila sa handaan sa bahay ni Mayor.”

“Ho?” Tila may kung anong pumiga sa puso ni Dominic sa narinig. Parang gustong mag-isip ng kung anu-ano ang binata.

Ang gagang iyon, komo bigtime ang lalaking nakilala niya kagabi, hindi na bumitaw. Bakit, dahil nagbabakasakali siya na magkakaasawa ng mayaman kahit na hindi masyadong guwapo pero hindi naman madaling mamatay?

“Pero kung balak mo siyang hintayin, palagay ko’y baka mainip ka. Nasabi rin kasi sa akin ni Congressman na tutuloy sila sa Kapitolyo para ipakilala sa gobernador si Jackie. Gusto rin kasi nila ang dalaga namin na kumandidata para sa panlalawigang patimpalak pangkagandahan.”

“Ganoon ho ba?” gustong manlumo ni Dominic.

Mga Pahina: 1 2 3 4

12 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 8”

  • 1 kay says:
    August 2, 2009 at 9:57 am

    ang ganda po talaga…next chapter na!!! salamat ulit sa pagpost…goodluck po… ๐Ÿ™‚

  • 2 bunny says:
    August 2, 2009 at 11:30 am

    bitin naman eh ๐Ÿ™ kilig na kilig ako grabe

  • 3 MiMi says:
    August 2, 2009 at 12:51 pm

    bitin po eh.wah..

  • 4 Godes says:
    August 2, 2009 at 8:52 pm

    aaayyy grabbbeee…. kinikilig akoooo!!!!!!!!!
    pero napapansin ko paiksi ng paiksi un chapters ha.. heheee…. 4 pages na lang…wwwaaaaaaaaahhhhh……. pero infairness maganda sya suuuppeerrr!!!!!!! Sana po pahabain yo nman hehehee… kabitin tlagaa

  • 5 lonely prince says:
    August 4, 2009 at 6:53 pm

    ang ganda ganda!!!! suuuuuuuuuuuuuuper!!!
    kinikilig po me….. minsan lang ako makabasa ng mga love novels…. at itong kwentong ito ay napakaganda…. sana po maging madalas ung pagpost nyo taz mejo pahabain ninyo po kasi mejo nakakabitin…. tnx po… good luck…. hope God will give u more ideas to make this story nicer…. =>

  • 6 vhAncE_23 says:
    November 6, 2009 at 10:41 am

    kiLig tO d’ mAxx….

  • 7 angeliquediane says:
    April 22, 2010 at 4:09 am

    i really love you, writer..<3

  • 8 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:22 am

    Ang cpg at ang bait aman ni jackie. . . Kc tinu2lungan yung family nia kh8 xa kakaunting pera. . Ibinbhagi parin nia e2 xa mga mgulng nia. . .

  • 9 lanelyn says:
    December 9, 2010 at 3:35 pm

    my gosh parng naluluka na rin ako sa sobrang ganda!!!!

  • 10 zaicy says:
    August 29, 2012 at 3:45 pm

    bitin naman

  • 11 Zaunacco says:
    September 4, 2012 at 5:56 pm

    Hello … how are you “D

  • 12 Zaunacco says:
    September 4, 2012 at 5:56 pm

    Saan d2 maGandang basahin? yung may thrill kung baga :DD ayeeeyyy ..

Mag-iwan ng mensahe...