Share Your Love!

Loved By The Rules – Kabanata 9

“Hinanap kita, hindi ka na raw kasi nagdadala ng isda sa resthouse. At nagulat ako dahil nakita kitang kinokoronahan na noong isang gabi. Pero sabagay, bakit naman ako magugulat o magtataka na ikaw ang nanalo, talaga namang maganda ka.”

Hinagkis niya nang matalim na tingin ang binata.

“Huwag mo na nga akong bolahin? Ano talagang kailangan mo sa akin, ha? Bakit sinabi mo pa sa mga magulang ko na kukunin mo akong modelo gayung –”

“Talaga namang manager ako ng isang advertising company, ah. Talagang kaya kitang kunin na modelo.”

“Puwede ba?”

“Sumama ka sa akin, sa labas tayo mag-uusap. Hindi iyang ganyan na pigil na pigil ka. Hindi ka makasigaw kung gusto mong sumigaw. Hindi mo ako maaway gayung mukhang gusto mo na akong murahin.”

“Ayoko! May lakad ako mamaya!”

“Sandali lang naman tayo!”

“Ayoko! Umalis ka na!”

“Kapag hindi mo ako pinagbigyan, sasabihin ko sa kanilang lahat na minsan ay ipinilit mo ang sarili mo sa akin, na minsan ay hiniling mo na maging kaibigan ko, o kahit katulong, basta magkaroon ka lang ng pagkakataong makasama ako dahil baka ma-develop sa pag-ibig ang pagtingin ko sa iyo.”

“Ano? Bakit mo gagawin iyon?”

“Dahil ayaw mong sumama sa akin.”

“Tigilan mo nga ako! Umalis ka na!”

“Hindi! Mag-usap muna tayo sa labas!”

“Ang kulit mo!”

“Kasingkulit mo ba noon?”

Natigilan siya, pagkuwa’y gigil na tinitigan ito.

Nakipagtitigan naman sa kanya ang binata, pero may kalakip na paghahamon ang titig nito at tila nanunudyo.

“Okay, sasama ako sa iyo, ha? Pero pagkatapos nating mag-usap, tigilan mo na ako, ha? Huwag mo nang lokohin ang mga magulang ko na kukunin mo akong modelo.”

“Sure!”

“At ihahatid mo agad ako dahil may lakad kami ni Congressman.”

“Oo ba!”

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4

16 responses to “Loved By The Rules – Kabanata 9”

  • 1 Godes says:
    August 3, 2009 at 2:25 pm

    WWwaaaaaaaaahhhhhh…. grabbeee ang ganda ganda!!! Like na kita Ms Julia … nakakabitin tlaga ! super duper like ko ito promiseeee…! thank u ha evryday may update hehee… cant wait! mwwaaah

    • 2 shaii says:
      March 7, 2010 at 11:48 pm

      nakakakilig pro napaka bitin…
      pwd request??hehehe
      uhm pwd part 2??..
      ung mayhalong thril at kilig naman..
      ung may kaagaw c jakie..hahaha..

      nice talaga ang story..
      love it!!

    • 3 laarni says:
      August 20, 2010 at 6:21 pm

      bitin….

  • 4 bunny says:
    August 4, 2009 at 7:03 am

    ehhhhh bitin na naman eh :((

  • 5 Jane Barcenilla says:
    August 4, 2009 at 8:26 am

    sana may next chapter na naka bitin kasi..maganda ang storya i like it..more power & god bless

  • 6 roma says:
    August 4, 2009 at 8:28 am

    bitin naman ang ganda pa naman ng kwento… sana i post na agad ang kasunod nito….thanks!!

  • 7 rayne says:
    August 4, 2009 at 9:39 am

    nice chapter…kaya lang sobrang ikli naman po… sana medyo mahaba namn po ang bawat chapter..nakkabitinnnnnnnnnnn…………..

  • 8 mizzy says:
    August 4, 2009 at 10:13 am

    hi , thank u po , at last my nakita rin acung site pra makabasa .. gustong gusto ko kasi my mga babasahin acu eh .. sana my susunod pa etong kabanata ,.,. thank u again and more power ! ^_^

  • 9 mizzy says:
    August 4, 2009 at 10:14 am

    hi , thank u po , at last my nakita rin acung site pra makabasa .. gustong gusto ko kasi my mga babasahin acu eh .. sana my susunod pa etong kabanata ,.,. thank u again and more power ! ^_^

    that’s all!

  • 10 Tess says:
    August 4, 2009 at 10:50 am

    Miss Julia,,,,

    Bitin…tapusin mo na…di ko na kaya…wahhhh

  • 11 MiMi says:
    August 4, 2009 at 2:14 pm

    hahaha nice..kaso btin.:(.haha patapos na po…………….please,anu daw?

  • 12 Jinky_cute says:
    August 4, 2009 at 3:26 pm

    ang ganda tlga nito….
    grabe i like it…….super
    galing muh ms.julia…
    sna my update nah bukas
    ,,,,i love it,,,,,,,

  • 13 germel says:
    January 31, 2010 at 11:23 pm

    OMG!!! love it so much!!! aaaah.. kakilig.. grabeh…

  • 14 medzmanalo says:
    September 11, 2010 at 11:30 am

    grabe…major-major sa ganda…thanks tlga !!!

  • 15 "RM20" says:
    November 5, 2010 at 10:33 am

    Hai ang ganda tlga. . .nung st0rys n e2 gbre nkakakilig . . Hahahaha. . .x0bra. . . Naiimagine ku .hahaha xalamat xa gumgwa ng st0rys n e2

  • 16 vey says:
    November 29, 2010 at 4:49 pm

    WOWWWW.. SO CUTE… NICE STORY….!~

Mag-iwan ng mensahe...