Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 10

HABANG papalapit ang araw ng Barangayan ay papadilim naman nang papadilim ang mood at mundo ni Francis. Kahit sa opisina, ilang na ilang ang kanyang mga empleyado sa sobrang katahimikan niya. At kapag may nagkamali, hindi gaya nang dati na marunong siyang magsalita nang mahinahon. Kung di mataas ang boses, matigas naman.

Sa mismong araw ng Barangayan, guwapo at makisig pa rin si Francis kahit hindi niya masyadong pinagkaabalahan kung ano ang isusuot.

Palibhasa’y natural na lamang sa kanya ang magandang taste, at wala namang baduy na damit sa kanyang closets, elegante at class pa rin siya sa blazer na abuhin, formal pants na cream at cream din na round-necked shirt na panloob ng kanyang blazer.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 9

NAGTATAKA man ang mga ka-miyembro ni Francis sa The Zodiac Club kung bakit kapag nagha-hang out sila sa paborito nilang lugar ay alak ang inaatupag ng binata, matagal bago kumibo ang mga ito.

“Ano ba ang problema, pare?” Ang unang nagtanong, sa tono na “kaibigan mo naman kami, pare, share us your trouble,” ay si Reuben, ang Leo sa The Zodiac Club.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 8

BAGO mag-lunch sa Manila Zoo, dinala muna ni Nevada sa comfort room ang mga bata. Nag-freshen up sila, nagpalit ng damit na pang-itaas na napawisan na nang husto.

Ang kanyang maruming T-shirt ay inilagay niya sa clear plastic at basta na lamang isinuksok sa outside pocket ng kanyang backpack, masikip na kasi sa loob.

Nagtipun tipon ang lahat sa picnic area ng Manila Zoo. Ang packed lunches ay nailabas na, pati bottled water.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 7

WALANG inaksayang panahon, unang buwan pa lamang ng panunungkulan nina Nevada at Francis ay nagkaroon kaagad ng educational tour ang mga batang mahirap sa Awitan.

Sa Metro Manila lang naman, sa Manila Zoo at sa mga art galleries sa Megamall.

Apat na malalaking bus, puro air-conditioned, ang sinakyan ng mga bata.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 6

NANG pumarada ang sasakyan ni Francis sa harap ng bahay nina Nevada ay ilang kagawad ang nakakita at nakakilala sa kanya. Naglapitan kaagad ang mga ito. At naikuwento naman nina Nevada at Kagawad Tino ang nangyari.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Awitan kay Francis. Para sa kanila, nindi naman isyu ang basura doon sa boundary ng Awitan at Salvacion.

Wala pa ring dapat na pagdiskusyunan ang mga taga-Awitan at taga-Salvacion.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 5

KUNG hindi busy si Nevada sa barangay hall ng Awitan, at kung wala siya sa field para mag-interview ng mga tao na may kinalaman sa mga artikulong gagawin niya para sa diyaryong Punla, nasa bahay lamang siya at nagta-type ng kanyang trabaho.

Nang makita ni Bernardo Carreon na hinugot na ni Nevada sa kanyang typewriter ang huling pahina ng kanyang ginagawang artikulo, kaagad tumikhim ang ama.

‚ÄúTapos ka na? Mag-usap nga tayo sandali, tungkol sa iyo at sa barangay captain ng Salvacion na si Francis Legaspi.” Mababa lamang ang boses ng ama.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 4

PAREHONG tama ang kilos at mga salita nina Nevada at Francis sa social and formal meeting na iyon ng mga barangay officers ng Awitan at Salvacion.

Masaya at masigla ang mga diskusyon. Kahit magkaiba ang katayuan sa buhay ng dalawang grupo, dahil sa tagal na rin ng tradisyon ng alliance nila, ay naroroon ang pagiging kumportable sa isa’t isa, ang pagtitiwala na ang samahang ito ay mananatiling buo at mabunga sa mga darating pang panahon.

Ang mga dati nang magkaibigan, katulad ni Aling Isabel at ng matandang shopping malls magnate na si Luis Yap, ay hindi nagpapahinga sa pakikipagkuwentuhan.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 3

NATULOY din naman ang social and formal meeting ng mga barangay officers ng Awitan at Salvacion. Ang nasunod sa petsa at oras ay sina Nevada. Pero hindi nabago ang venue, doon pa rin sa malaking conference room ng barangay hall ng Salvacion.

Ipinasundo sina Nevada ng van ng mga taga-Salvacion. Bagung-bago ang van at may driver pa. Ito ay parang naging tradisyon na rin na hindi na nabago at hindi rin naman pinagtangkaan ni Nevada na baguhin. Mula pa noon ay talagang sundo-hatid ng sasakyan ng mga taga-Salvacion ang mga taga-Awitan kapag nagkakaroon ng pagtitipon ang dalawang panig.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 2

KAUGALIAN na rin na sa alliance ng Awitan at Salvacion, ay mauunang mag-extend ng imbitasyon ang barangay officers ng Salvacion sa mga barangay officers naman ng Awitan.

Ang imbitasyon tungkol sa unang formal and social meeting ng dalawang set of officers ay naipadala na sa barangay hall ng Awitan.

At ito ay napasakamay ni Nevada isang Biyernes ng umaga.

Ang nakapirma sa imbitasyon, siyempre, ay si Francis Legaspi.
(more…)

Pilak Na Bughaw – Kabanata 1

TAON 1983. Ang okasyon ay Barangayan.

Dalawang magkatabing barangay, ang Awitan at Salvacion, ang may sharing activities. Nakasanayan na ito ng dalawang barangay na magkaroon ng social activities na pinangalanan ngang Barangayan mula pa noong mid-seventies. Ipinagpapatuloy ito hanggang ngayon dahil nakikita naman na masaya at may positibong resulta. Nawala kahit pansamantala lamang ang gap ng dalawang barangay. Dapat lang naman kastng magkaroon ng gap dahil magkaiba ng economic make-up ang dalawang barangay na ito. Sa Barangay Awitan, ang karamihang nakatira rito ay mahirap ang antas ng kabuhayan, ang tinatawag na masa. Ang Barangay Salvacion naman ay kabaligtaran. Ito ang barangay ng mayayaman, malalaki ang bahay, nasa bakuran ang mula dalawa hanggang apat na kotse, karamihan sa mga padre de familia ay malalaking negosyante at industrialist pa nga ang iba.
(more…)