Share Your Love!

Pen-pen de Serafin – Kabanata 1

Isang normal na araw para sa mag kaibigang Pen-pen at Serafin. Mag kasabay papasok ng eskwelahan at mag kasabay din uuwi halos mula kinder at hanggang ngayong grade six ay mag kaklase pa rin sila madalas silang tuksuhin ng:

“Pen pen de Serafin de kutsilyo de almasen…” Yan din ang tukso ng isang grupo ng batang nadaanan nila habang pauwi na sila sa kanilang bahay.

“Mga walang magawa” sabi ni Serafin kay Pen-pen habang sinusuntok nito ang kanyang sariling palad “Uupakan ko na ang mga to” dugtong pa nito.

“Wag mo ng patulan” piit ni “Pen-pen habang sumisipsip sa gulaman na hawak nito. Lumakad na nga palayo ang dalawa mula sa grupo ng mangaasar na bata hindi na lamang nila ito pinansin.

Halos mag katapat lang ang kanilang bahay, mag kaibigan din ang kanilang mga magulang lumaki sila ng mag kasabay. Isang abogado ang ama ni Serafin habang ang kanya namang ina ay isang public school teacher malapit sa isa’t isa ang dalawang pamilya lalo na ng ipanalo ng ama ni Serafin ang kaso na sinampa ng ina ni Pen-pen sa isang swindler.

Ang ama naman ni Pen-pen ay isang OFW sa Australia habang ang kanyang ina ay namamahala ng kanilang negosyong hardware shop.

Peter Neil De Guzman ang totoong pangalan ni Pen-Pen habang Serafino Gutierrez Jr. naman ang kay Serafin.

Wala yatang araw na hindi sila nag laro wala silang kasawaan sa isa’t isa inuubos nila ang kanilang libreng oras sa pag lalaro at sabay din gumagawa ng araling pang bahay.

Isang hapon sa kanilang pagsusulit.

“Pen pen! Huy! Pen-pen!” pasimple at sobrang hina ang tawag ni Serafin sa kaibigan.

“Ano?” Mahina din ang tugon nito.

“Ano sagot sa number 10?”

“Naku! Di ka nanaman nag aral no?” Sisi nito sa kaibigan habang sinesenyas ang tatlong daliri na ang ibig sabihin ay Letter C.

Madalas na si Pen-pen ang nag tuturo ng tamang sagot kay Serafin sa tuwing kinakailangan nya ng tamang sagot hindi s’ya nabibigo kung si Pen-pen lamang ang kanyang kokunsultahin.

Madalas pag diskitahan ng dalawa ang ulap nalilibang sila sa pag buo ng mga imahe sa kanilang isip. Isang hapon gaya ng nakagawian ay nag abala nanaman sila sa pag buo ng mga bagay bagay sa pamamagitan ng ulap.

“Ayun o parang rabbit!” turo ni Serafin habang nakahiga sila sa kama ni Pen-pen tanaw mula sa kwarto nito ang ulap.

“Ayun naman parang eroplano” Turo muli nito.

“Nasan? Nasan?”

“Ayun o eroplano dumadaan”Tumawa ito ng malakas.

“Ewan ko s’yo” sabay kurot nito sa mag kabilang pingi ng kaibigan.

“Aray masakit Pen-pen!”

Tumayo na si Pen-pen at sumandal na sa kama.

“Magiging ano kaya tayo pag laki no? tanong nito kay Serafin.

Ngumuwi lang ito at tinaas ang balikat “Ewan ko wala pa kong pangarap eh”

“Ako? Gusto kong maging piloto”

Mga Pahina: 1 2 3 4

20 responses to “Pen-pen de Serafin – Kabanata 1”

  • 1 sarah says:
    February 16, 2010 at 9:35 pm

    mahilig po akong gumawa ng love stories mula nung akoy first year high school hanggang ngayon.. gusto ko po sana itanong kung open po ba kayong tumanggap ng stories na manggagaling sakin. Sa katunayan po, naka labing apat na love stories na po ang nagawa ko and willing po ako ishare yun sa inyo without payment. i hope you will respond to this proposal. thank you

    • 2 avidreader says:
      April 18, 2010 at 7:17 pm

      Sige sarah mag lagay ka dito para naman marami ako o kaming mabasa. Mahilig ako mag basa. Abangan ko mga story mo. oke

    • 3 rieyhan08 says:
      May 25, 2010 at 1:34 pm

      pwede mo ba isulat yung love story namin ng boyfriend ko?

    • 4 shanghai says:
      October 6, 2012 at 4:03 pm

      i’m a new member on this site.. intoduction pa lang ng kwento pero tingin ko ay napakaganda na ng kwentong ito.. it’s always my pleasure to read pocketbooks simula noong tumontong aq ng college.. keep it up.. sana may mga bagong stories pa ang darating at ma publish.. goodluck to all the authors.. god bless!

    • 5 arleigottalent says:
      October 16, 2012 at 9:04 am

      Hello po Mga Kapinoy 🙂 paano po ba ang mag sulat ng love story dito? Writer po Ako ng bang website eh ( pero Hindi official ): ) paano po ba ang mag sulat ng love story dito? 🙂

  • 6 kennylee says:
    March 14, 2010 at 11:00 am

    mg published ka nmn ng story oh about sa magkaribal…antay q sagot mo ah god bless poh..just add me na lng po f u want kenny_gera2001yc fb po yan tnx

    • 7 Joseph Magallanes says:
      April 28, 2010 at 2:43 pm

      na add na po kita sa FB pls accept my request thanx!!

  • 8 Joseph Magallanes says:
    April 28, 2010 at 2:42 pm

    Nais ko po sanang isulat ung talambuhay ko!!! kaso wala po ako knowledge para gawin nais ko po sana magpaturo sa inyo para mabasa ng iba ang masaya at malung na nagdaan sa buhay ko!!!!…d po kayo magsisisi at makakakuha sila ng magandang aral, at kung pano ang tunay na pagmamahal thank you hintayin ko po response nyo sa message ko na to…God Bless po!

    • 9 re4teraker says:
      June 12, 2010 at 3:50 pm

      hi joseph…..
      i’m also a writer,, tip ko lang sa iyo if gusto mong isulat yung love story mo, just simply write it na parang may kakuwentuhan ka ng personal. ganun kasimple… just try it… sigurado ako pag babasahin mo yan ng tapos na, matutuwa ka at kikiligin ng husto. the most important thing, pag sinulat mo yan dapat yung emotions mo ay ilagay mo sa ginagawa mo, i mean pag nagsusulat ka, namnamin mo ang inyong pagmamahalan ng iyong iniirog…nakz…for sure mararamdaman rin yun ng iyong magiging mambabasa…hehe..till then, gudlak.

  • 10 john says:
    August 26, 2010 at 7:36 am

    sarah pwede ko ba mabasa ung mga stories mo, interesado kc ako. hilig ko din gumawa ng mga love stories, if ok sau just let me know here. salamat.

  • 11 Madlax says:
    September 7, 2010 at 2:57 am

    hmmmm..i like the story Penpen de serafin..but bkt wala ng kasunod?nabitin na lng hanggang kabanata 2..sana magawan n ng kasunod please…

  • 12 Neeko says:
    September 7, 2010 at 4:57 pm

    Hi Madlax! This is Neeko the author of Pen-pen de Serafin! mababasa mo ng buo ang storyang ito sa aking facebook! just add me bluedestinyprod@yahoo.com and kindly click my note tab! thanks! have a great day! 😀

    • 13 wincolina says:
      August 30, 2012 at 10:00 am

      gusto ko po ang istorya pero hindi ko makita ang FB account nyo. pano po ba kayo i-add sa FB para mabasa ko ang kabuuan ng pen pen de serafin? ano po ba ang FB account name nyo? salamat po at more power.

  • 14 walter bravo says:
    September 17, 2010 at 11:20 pm

    i love making short sad love stories..madami na rin akong nasulat..almost ten na ata lahat..gusto ko gawing book..all my stories eh tagalog..at ang mga tula na gawa ko eh english..hehehe..yung mga nagagawa ko..napapanood ko lng, mga kinukwento saken ng kaibigan ko, nababasa, minsan sa maikling quotation lng na pinapasa sakin ginagawan ko ng kwento..

  • 15 Amoraluna says:
    October 8, 2010 at 8:56 pm

    try nyo po sa INTERNET SERYE, updated araw-araw. maraming stories tsaka writers. http://www.internetserye.com/ Enjoy po dun at mamabait ang tao.

  • 16 naczarie says:
    February 18, 2011 at 10:34 am

    isa rin aqo sa avid fan ni ate andrea almonte and aira ledesma.Like q rin sna namabza q ang story telling ng da best fav.writer q.Mahilig rin aqo magsulat nang pocket novels kci i think so na inspiration q ang dalawang tao sa buhay q.may first novels is you are my loving friend,panaginip,you are the one,another feelings and also drakula.my avid fans is my classmates in 1st year high school.paminsan-minsan lng aqo gmagawa dhil priorieties q ay ang pag-aaral q.

    Gusto q sna isulat mo ang story mo re4teraker…..plz……..

  • 17 adiksau11 says:
    March 29, 2012 at 3:32 pm

    ganda ng maga naka post d2..adik na ako..

  • 18 gildaolivado says:
    June 13, 2012 at 7:54 pm

    sana dumami pa ang contributors dito pra marami pa kaming babasahin.

  • 19 buttercup says:
    August 21, 2012 at 10:00 pm

    GUSTO ko po sanang magsumite ng aking gawang love story as a sideline…kung mamarapatin nyo po sana san po kaya akong pwedeng magsumite ng special kong gawa..meron din po akong isusumite dito na love story para sa mga mambabasa na libre…:) as my contribute…sana po bigyan po bigyan nyo po ako ng impormasyon kung san po ako pwedeng magsend ng istorya.. na maaring kong pagkakakitaan bilang sideline ko po…:)..at makatutulong po ito ng malaki bilang isang ina,.na sa bahay lang namamalagi..;)

  • 20 arochesnica says:
    December 2, 2012 at 10:49 am

    ahm boyxboy po ba ang kwento na ito?

Mag-iwan ng mensahe...