Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 1

“Iyon nga ang batang salbaheng nagpadugo ng noo ko! At hindi natutong umamin sa kanyang kasalanan at humingi ng tawad sa akin!” Nanggigigil si Nevada.

Napatanga si Aling Nila. “Ha? Siya nga ba iyon?”

“Kung nakalimutan ninyo ang pangalan niya, ako, hindi.” Inirapan ni Nevada ang ina.

“Pero matagal na naman iyon, anak,” argumento ni Aling Nila. Katulad ng asawa, hindi ito nahawa kay Nevada na naging emosyonal kaagad sa galit.

Itinuro ni Nevada ang cute na peklat sa kanyang noo. “Matagal na nga ho pero may tatak.”

“Hindi raw naman niya iyon sinadya, Nevada. Iyon ang sabi sa akin ni Mr. Legaspi.” Sumegunda si Bernardo Carreon.

Ang sagot ni Nevada, pag-ismid: “Natural, ang salbaheng bata, hindi aamin sa kanyang kalokohan. Pero sige, kahit may atraso siya sa akin, hindi ko muna siya huhusgahan. Titingnan muna natin kung paano siya makikipagrelasyon sa mga taga Awitan, at saka na ako magsasalita.”

“Oo. Tama.” Sang-ayon naman kaagad si Aling Nila.

“Wala ngang problema kung ganyan ang attitude mo sa kanya, Nevada. Huwag mong isali ang personal na opinyon mo sa isang tao,” Nasiyahan naman si Bernardo Carreon sa kalawakan ng pag-iisip na ipinamalas ng anak.

Pero sa matalas niyang pakiramdam, alam ng ama na ang muling pagtatagpo ng landas nina Nevada at Francis ay lilikha ng isang mitsa na anumang oras ay masisindihan ng nagpipingkiang puwersa ng dalawang ego na ayaw magpailalim sa isa’t isa.

“Sige po, matutulog na ako. Kailangan kong magising nang maaga bukas. Maraming naghihintay na trabaho, both in my writing and as the newly elected barangay captain.” Magalang nang iniwan ni Nevada ang mga magulang sa simple nilang salas.

“Cheer up, anak. Huwag mong problemahin si Francis,” pahabol ni Aling Nila, paalala.

“Hindi natin dapat laging banggitin sa kanya ang nangyari sa kanila noon ni Francis para huwag magatungan ang itinatago niyang galit,” paalala naman ni Bernardo Carreon sa asawa nang wala na sa paningin nila si Nevada.

“Kilala naman natin ang ating anak, Bernardo. Matalino iyan. Hindi iyan magpapasakop sa mga damdaming hindi makakatulong sa kanyang paligid. Relax ka lang.” Lagi na ay positive thinker si Aling Nila.

“Alam ko. Pero aywan ko ba, parang hindi ko ma-imagine si Nevada na humihingi ng tulong o pabor sa isang lalaking itinuturing niyang arogante dahil daw hindi humingi ng tawad sa kanya at hindi umamin sa pagkakasala.”

Pinandilatan nang bahagya ni Aling Nila ang asawa. “Sinabi nang huwag ka nang mag-worry diyan. Aba, may high blood ka na, Bernardo, nakakalimutan mo?”

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

27 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 1”

  • 1 James says:
    February 11, 2009 at 12:56 pm

    So far so good….

    • 2 sheila says:
      March 5, 2010 at 11:32 am

      ..hi..

    • 3 karen says:
      March 5, 2010 at 11:35 am

      ..hi..

    • 4 young says:
      January 24, 2011 at 5:45 am

      pakipost namn ng next chapter pls pkitapos in relly eager to find the nxt story

  • 5 annalyn says:
    April 1, 2009 at 9:44 am

    exciting ;]] haha!

  • 6 divine sapeda says:
    April 15, 2009 at 12:43 am

    nice one poh.. ganda poh ng story ah.. hehe..

  • 7 sagine says:
    April 15, 2009 at 5:40 pm

    hihihi… ang ganda ng story

  • 8 ai.. says:
    April 24, 2009 at 2:29 pm

    ….ang galing po ng writer..keep up the good work po..more power..

  • 9 kenshen says:
    June 7, 2009 at 5:27 pm

    kailan ang kasunod n kabanata nito?

  • 10 Hikari26 says:
    August 13, 2009 at 9:02 am

    WALa n p0h vah?
    PLz adD n p0h kau ng new st0ry nbAxa q0h n kc lhat eh..
    Ang gAnda p0h nkKakiLig hehe..
    Xana p0h mAgadD n p0h uLit kau ng new..

  • 11 Lyka mariz z0bel dE ayala says:
    September 21, 2009 at 3:43 pm

    Nice. I like it…
    🙂

  • 12 kengkoy says:
    October 15, 2009 at 6:41 pm

    ang ganda po…….kahit hindi ko nabasa pra paring maganda… (^^^)

  • 13 jonah says:
    October 28, 2009 at 11:33 pm

    saan po pwede mabasa ang ibang kwento ng the zodiac club?ung kay cromwell.meldon at elliott?tnx po..di ko kc mahanap eh

  • 14 krisha says:
    November 26, 2009 at 7:46 pm

    pano bah gumawa d2???
    hnd ako mrunong…
    add sana me ng new story…
    hnd lang ako mrunong

  • 15 Syvil says:
    December 2, 2009 at 9:53 pm

    nice….
    hope 2 right more…
    kilig ni2

  • 16 bX gAgA says:
    January 5, 2010 at 1:51 pm

    ♥♥♥peace♥♥♥

  • 17 Jason says:
    January 6, 2010 at 9:02 pm

    pwede na 😀

    gandang kwento….

    kahit ko pa nababasa…..

    nakikita ko palang maganda na….

    lalo na kung kung babasahin……

    naamoy palang ang sarap na… 😀

  • 18 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:39 pm

    hehe 😀

  • 19 vhea isabel says:
    March 22, 2010 at 5:44 pm

    ang ganada ganda talaga ng pilak na bughaw
    nakakakilig ang kilig
    kasi paeho kasi kami ni nevada promise

  • 20 Poison Ivy says:
    March 28, 2010 at 6:12 pm

    Guys, is this a nice story?
    Don’t have time to read it… so I think if most of you says it’s good, am going to read it .. hehehe

  • 21 christine says:
    October 12, 2010 at 7:48 pm

    nice sana mas marming kwento o maiksi na kwento

  • 22 Grace says:
    October 13, 2010 at 8:06 pm

    Gling!!! buod plng ng kwn2 intresting n…. nkaka excite bshin

  • 23 marvin says:
    October 24, 2010 at 9:23 pm
  • 24 reeme014 says:
    November 4, 2010 at 6:46 pm

    whoo.. ang haba . haha.. nice.

  • 25 mar says:
    February 7, 2011 at 11:26 am

    ,hmp parang hnd pko naguumpisa magbsa kinikilig nko mukhang maganda na naman ang isang to,,haay im so excited,,

  • 26 raine says:
    February 14, 2011 at 11:26 am

    maganda…..

  • 27 french kiss 75016 says:
    June 13, 2012 at 7:35 pm

    I read this épisode from Paris to bordeaux “vine Yard” i cant stop reading inside thé train, just imagine natapos ko épisode . Wow ganda naman ng story nila kaka in lové…

Mag-iwan ng mensahe...