Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 1

“Bakit naman hindi? Anak din niya ang nahalal? Ano raw ang pangalan?” Kinukutuban na si Bernardo.

Pero ang kutob ni Bernardo ay kalingkingan lamang kumpara sa kutob na umaatake sa dibdib ni Nevada. Halos hindi siya humihinga habang inaabangan ang pangalan na sasabihin ng kanyang inay.

Nababagalan siya sa bibig ng nanay niya, Bakit ba hindi kaagad matapos ang pagsasalita nito? Sabihin na sana kaagad ang pangalan. Ang pangalan ang mahalaga. Para hindi na siya mamatay-matay sa suspense at sobrang pagka-alarma.

“Ang pangalan nito ay . . .”

Ibinitin pa ni Aling Nila. Nahulog kasi sa sahig ang abakang pamaypay nito na lagi nang tangan-tangan saan mang sulok ng kabahayan siya naroon. Pinulot muna.

Napakagat na sa labi si Nevada sa sobrang pagkainip. Kulang na lamang ay ugain na sa dalawang balikat ang nanay para magmadali na ito sa pagsisiwalat ng pangalan na kailangang-kailangan niyang marinig at makumpirma ang kinatatakutan niya.

“Inay, sino ba?” mapuwersang pag-aapura ni Nevada.

“Si Francis Legaspi. lyan ang pangalan. Anak siya ni Raul Legaspi. Si Francis Legaspi ang bagong halal na barangay captain sa Salvacion.” Nakangiting tinapos na rin ng may-edad na ginang ang dalang impormasyon.

Kahit inaasahan na naman niya iyon, para pa ring binagsakan ng bomba si Nevada.

Galit na galit siya. Gigil na gigil. Gusto pa ngang magtaka.

Anong laro ito ng kapalaran?

Ang batang lalaking iyon na hindi niya napatawad at hindi mapapatawad kailanman sa pagbibigay sa kanya ng pilat sa noo, counterpart na barangay captain niya sa Salvacion?

“Aba, kung hindi ako nagkakamali, ang Francis na iyan ang siya ring batang lalaki na hindi sinadyang naitulak si Nevada noong maliliit pa sila, at siyang naging dahilan ng peklat ng anak mo sa noo.” Ang sinabi ni Bernardo Carreon ay nakadirikta sa asawa pero sa magandang anak na dalaga naman nakatingin.

Pinag-aaralan ng ama ang hitsura ni Nevada. Alam niya kasi na magre-react ito.

At tama nga siya.

Ang reaksiyon ni Nevada ay mailalarawan lamang sa dalawang salita: Dismayado at aburido.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

27 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 1”

  • 1 James says:
    February 11, 2009 at 12:56 pm

    So far so good….

    • 2 sheila says:
      March 5, 2010 at 11:32 am

      ..hi..

    • 3 karen says:
      March 5, 2010 at 11:35 am

      ..hi..

    • 4 young says:
      January 24, 2011 at 5:45 am

      pakipost namn ng next chapter pls pkitapos in relly eager to find the nxt story

  • 5 annalyn says:
    April 1, 2009 at 9:44 am

    exciting ;]] haha!

  • 6 divine sapeda says:
    April 15, 2009 at 12:43 am

    nice one poh.. ganda poh ng story ah.. hehe..

  • 7 sagine says:
    April 15, 2009 at 5:40 pm

    hihihi… ang ganda ng story

  • 8 ai.. says:
    April 24, 2009 at 2:29 pm

    ….ang galing po ng writer..keep up the good work po..more power..

  • 9 kenshen says:
    June 7, 2009 at 5:27 pm

    kailan ang kasunod n kabanata nito?

  • 10 Hikari26 says:
    August 13, 2009 at 9:02 am

    WALa n p0h vah?
    PLz adD n p0h kau ng new st0ry nbAxa q0h n kc lhat eh..
    Ang gAnda p0h nkKakiLig hehe..
    Xana p0h mAgadD n p0h uLit kau ng new..

  • 11 Lyka mariz z0bel dE ayala says:
    September 21, 2009 at 3:43 pm

    Nice. I like it…
    🙂

  • 12 kengkoy says:
    October 15, 2009 at 6:41 pm

    ang ganda po…….kahit hindi ko nabasa pra paring maganda… (^^^)

  • 13 jonah says:
    October 28, 2009 at 11:33 pm

    saan po pwede mabasa ang ibang kwento ng the zodiac club?ung kay cromwell.meldon at elliott?tnx po..di ko kc mahanap eh

  • 14 krisha says:
    November 26, 2009 at 7:46 pm

    pano bah gumawa d2???
    hnd ako mrunong…
    add sana me ng new story…
    hnd lang ako mrunong

  • 15 Syvil says:
    December 2, 2009 at 9:53 pm

    nice….
    hope 2 right more…
    kilig ni2

  • 16 bX gAgA says:
    January 5, 2010 at 1:51 pm

    ♥♥♥peace♥♥♥

  • 17 Jason says:
    January 6, 2010 at 9:02 pm

    pwede na 😀

    gandang kwento….

    kahit ko pa nababasa…..

    nakikita ko palang maganda na….

    lalo na kung kung babasahin……

    naamoy palang ang sarap na… 😀

  • 18 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:39 pm

    hehe 😀

  • 19 vhea isabel says:
    March 22, 2010 at 5:44 pm

    ang ganada ganda talaga ng pilak na bughaw
    nakakakilig ang kilig
    kasi paeho kasi kami ni nevada promise

  • 20 Poison Ivy says:
    March 28, 2010 at 6:12 pm

    Guys, is this a nice story?
    Don’t have time to read it… so I think if most of you says it’s good, am going to read it .. hehehe

  • 21 christine says:
    October 12, 2010 at 7:48 pm

    nice sana mas marming kwento o maiksi na kwento

  • 22 Grace says:
    October 13, 2010 at 8:06 pm

    Gling!!! buod plng ng kwn2 intresting n…. nkaka excite bshin

  • 23 marvin says:
    October 24, 2010 at 9:23 pm
  • 24 reeme014 says:
    November 4, 2010 at 6:46 pm

    whoo.. ang haba . haha.. nice.

  • 25 mar says:
    February 7, 2011 at 11:26 am

    ,hmp parang hnd pko naguumpisa magbsa kinikilig nko mukhang maganda na naman ang isang to,,haay im so excited,,

  • 26 raine says:
    February 14, 2011 at 11:26 am

    maganda…..

  • 27 french kiss 75016 says:
    June 13, 2012 at 7:35 pm

    I read this épisode from Paris to bordeaux “vine Yard” i cant stop reading inside thé train, just imagine natapos ko épisode . Wow ganda naman ng story nila kaka in lové…

Mag-iwan ng mensahe...