Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 2

“Hindi naman tayo umaangal. Ang sabi ko, i-point out natin ito sa kanila sa tamang paraan, sa suwabeng pagsasabi, kaya nga be very polite and courteous sa iyong pagsulat sa kanila.”

Dahil nga sekretarya lamang siya roon at kinikilala naman talaga ang authority ni Nevada kahit napakabata pa nitong barangay captain, napilitang sumunod na lamang ang sekretarya.

Gumawa ang sekretarya ng isang napaka-magalang na sulat. At pinapirmahan niya ito kay Nevada.

ANG routine ni Francis ay tuwing umaga siyang nasa barangay hall ng Salvacion. Tatlong oras siyang tumitigil dito. Tinitiyak na maganda ang takbo ng lahat.

Binuksan niya ang sulat mula sa Barangay Awitan.

Kaagad dumilim ang guwapong mukha ni Francis nang mabasa ang sulat.

Magalang nga ang mga salita pero malinaw pa rin ang mensahe. Hindi na papayag ang mga barangay officers ng Awitan na hindi sila kasamang magdesisyon kung kailan at anong oras ang social and formal meeting.

Ngayon lamang ito nangyari.

Ngayon na ang barangay captain ng Awitan ay si Nevada Carreon?

At may kinalaman kaya na dahil siya ang barangay captain ng Salvacion kung kaya’t hindi basta tinanggap ng Awitan ang kanilang imbitasyon?

Malakas agad ang kutob ni Francis na si Nevada lamang ang may ideya niyon, hindi ang buong officers ng Awitan.

Nainsulto siya.

At nagngitngit na ang napakatagal nang tradisyon ay kung bakit ngayon lamang kailangang tutulan.

Kung tutuusin ay napakaliit lang naman na bagay iyon. Petsa lang at oras!

Ang Cancer person ay nurturing at puno ng pasensiya. Pero kung mainis ay lumilitaw din naman ang pagka-dominante.

Ang negative quality na ito ang nangibabaw kay Francis nang ipadayal niya sa sekretarya ng Salvacion barangay hall ang numero ng telepono sa barangay hall ng Awitan.

Nang makontak ay kinuha niya kaagad ang telepono.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 2”

  • 1 mr.big says:
    September 22, 2009 at 6:30 pm

    ang ganda ng istorya

  • 2 lady keannu says:
    December 3, 2009 at 12:44 pm
  • 3 angel says:
    December 6, 2009 at 1:56 pm

    maganda ang story……….

  • 4 boykudog says:
    December 6, 2009 at 1:58 pm

    d ko mapigil ang magbasa………..i l

    • 5 boykudog says:
      December 6, 2009 at 1:59 pm

      bobo ka nohhhhhhhhhhhhhhhhhh

  • 6 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:40 pm

    arggggggggggggggg:>

  • 7 Jamila says:
    March 6, 2010 at 9:02 pm

    Hehehe. . . Astig si Nevada. Wawa naman si Pogi, naisahan agad.^_^L

  • 8 marvin says:
    October 25, 2010 at 8:51 pm

    ahaha.. ka tuwa naman ang istoryang ito… ^^

Mag-iwan ng mensahe...