Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 2

“Maaari ko bang makausap si Miss Nevada Carreon? Ito si Francis Legaspi, ang barangay captain ng Salvacion.”

Ang sekretaryang si Lily sa kabilang linya ay kaagad nataranta. Maawtoridad kasi ang boses ng barangay captain ng Salvacion. Kung kanyang idaan sa imagination ay tila napaka-guwapo nito.

“S-sir, sandali lang po, ibibigay ko na po itong telepono kay Miss Carreon.”

Nagkaroon ng sandaling katahimikan bago narinig ni Francis ang boses ni Nevada.

Na kahit nagngingitngit siya at hindi niya aaminin sa sarili, ay talaga namang hindi niya maaaring itanggi na napaka-sexy ngunit may kakambal ding katangian ng authority ang kausap niya.

“Hello?”

“Miss Nevada Carreon?”

Napaismid si Nevada nang marinig ang husky voice ni Francis.

Hindi niya akalain na napakalakas pala ng appeal sa telepono ng boses nito.

Pero kababawan naman kung magsu-swoon na siya dahil lamang sa timbre ng boses ng isang lalaki, ano?

“Ako nga.”

“This is Francis Legaspi. I got your letter. Funny, ang gustong palabasin ng sulat ay collective decision iyon ng buong set ng inyong barangay officers, but I have this nagging feeling that you were the only one who decided on it.”

“Alam na rin ng mga co-officers ko ang tungkol sa sulat na iyon, Mr. Legaspi. Napaliwanagan ko sila nang maayos. At wala namang tumutol.”

“Pero kung tutuusin, Miss Carreon, ay wala namang mali sa imbitasyon. Kami ang nag-imbita, dito sa aming barangay hall ang venue, so, dapat lang na kami ang magtakda ng araw at oras.” Wala sa tono ni Francis na basta na lamang siya papayag sa argumento ni Nevada.

“Kung dahil lang sa ang venue ay sa inyong barangay hall at hindi na kami maaaring konsultahin sa araw at oras, mabuti pa, Mr. Legaspi, na pag-usapan na rin natin kung saan talaga gaganapin ang social and formal meeting ng mga officers ng ating barangay.” Mas lalong ayaw magpatalo ni Nevada.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 2”

  • 1 mr.big says:
    September 22, 2009 at 6:30 pm

    ang ganda ng istorya

  • 2 lady keannu says:
    December 3, 2009 at 12:44 pm
  • 3 angel says:
    December 6, 2009 at 1:56 pm

    maganda ang story……….

  • 4 boykudog says:
    December 6, 2009 at 1:58 pm

    d ko mapigil ang magbasa………..i l

    • 5 boykudog says:
      December 6, 2009 at 1:59 pm

      bobo ka nohhhhhhhhhhhhhhhhhh

  • 6 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:40 pm

    arggggggggggggggg:>

  • 7 Jamila says:
    March 6, 2010 at 9:02 pm

    Hehehe. . . Astig si Nevada. Wawa naman si Pogi, naisahan agad.^_^L

  • 8 marvin says:
    October 25, 2010 at 8:51 pm

    ahaha.. ka tuwa naman ang istoryang ito… ^^

Mag-iwan ng mensahe...