Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 2

“Do you have to make it difficult, Miss Carreon? Lagi na namang ganito ito noon pa, noong mga bata pa tayo. Bakit gusto mong mabago?” Pikang-pika na talaga si Francis.

“Dahil ang mali, kahit pa gaano na katagal na pina-practice, ay mali pa rin… at kailangang ituwid natin. Ganoon lang kasimple ang sagot ko, Mr. Legaspi.”

“Paano kung ii-insist ko ang nakagawian, Miss Carreon?” panghahamon na ng bagong barangay captain ng Salvacion.

“Well, I have to stand on my ground. Sayang naman kung dahil lamang sa pride mo ay magkakaroon ng lamat ang samahan ng mga barangay natin. Mahirap ba talaga kaming konsultahin bilang pagpapatunay na tayo ay magkapantay? Gusto mo bang isipin namin na dahil kami ay mahirap na barangay, ang gusto mo ay tagasunod na lamang kami kung ano ang kagustuhan ng mayamang barangay?”

Napatampal sa noo si Francis. “Jesus Christ! Napunta na tayo sa discrimination issue gayong walang-wala iyan sa isipan namin! All right, all right… para lamang matapos na ito ay payag na ako na konsultahin KA kung kailan MO gustong magkaroon ng social and formal meeting ang dalawang sets of barangay officers!”

“Ayusin mo muna iyang pananalita mo, Mr. Legaspi. Huwag mong sabihin na KA at MO dahil hindi lamang ako ang involved dito. Suportado ako ng mga co-officers ko. Hindi na nila kinukuwestiyon ang move ko.”

Si Francis naman ang napaismid. “Hindi na nga nila kinukuwestiyon, paano’y mahusay ka sigurong manggatong sa kanila.”

Umusok si Nevada. “How dare you accuse me na nanggagatong? Ang liit pala ng tingin mo sa amin, ano? Ako, manggagatong! Ang mga kasamahan ko, madaling gatungan! This is the first time na nakatanggap kami ng insulto mula sa mga taga-Salvacion!”

“At kami? Hindi ba ininsulto mo rin kami? Sino ba ang nauna?”

“Tigilan na natin ito. I refuse to act like a child, Mr. Legaspi, kahit pa para kang batang nakikipag-away sa akin. Sinabi mo na kanina na payag ka nang sumali kami sa desisyon as to when and where ang miting. Wala na tayong dapat pang pag-awayan dahil pumayag ka na, right?”

I can kill this woman! Ang taas ng ere!

Pero alam din naman ni Francis na siya rin ang masisira kung hahaba pa ang isyung ito.

Kaya pinilit niyang pakalmahin ang sarili. “All right, i-fax n’yo na lamang siguro dito sa aming barangay hall ang napagkasunduan ninyong araw at oras ng event na iyon. At titingnan namin kung pupuwede rin kami.”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 2”

  • 1 mr.big says:
    September 22, 2009 at 6:30 pm

    ang ganda ng istorya

  • 2 lady keannu says:
    December 3, 2009 at 12:44 pm
  • 3 angel says:
    December 6, 2009 at 1:56 pm

    maganda ang story……….

  • 4 boykudog says:
    December 6, 2009 at 1:58 pm

    d ko mapigil ang magbasa………..i l

    • 5 boykudog says:
      December 6, 2009 at 1:59 pm

      bobo ka nohhhhhhhhhhhhhhhhhh

  • 6 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:40 pm

    arggggggggggggggg:>

  • 7 Jamila says:
    March 6, 2010 at 9:02 pm

    Hehehe. . . Astig si Nevada. Wawa naman si Pogi, naisahan agad.^_^L

  • 8 marvin says:
    October 25, 2010 at 8:51 pm

    ahaha.. ka tuwa naman ang istoryang ito… ^^

Mag-iwan ng mensahe...