Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 2

Tumawasi Nevada, sarkastiko.

“Bakit?” paasik na tanong ni Francis.

“Nakakalimutan mo kasi na napakahirap na barangay ang Awitan. Bago kami bumili ng fax machine dito ay ilalagay na muna namin ang pera sa mas makabuluhang bagay.”

“Ang fax machine ay itinuturing na rin ngayon na necessity — kailangan. Hindi luxury o pangluho lamang.”

“Depende. Sa aming mahihirap, ang necessity sa inyo ay luxury na sa amin. Napakatagal nang sister barangays ang Awitan at Salvacion, Mr. Legaspi. Sana naman ay tumulad ka sa mga barangay captains na nauna sa iyo, na basang-basa ang kahirapan namin. You are the son of Raul Legaspi. I remember the man. I like him. Noong siya ang nanungkulan diyan, magkasundo talaga sila ng tatay ko na nanungkulan naman dito sa Awitan at that time. Very sensitive kasi ang father mo sa nature ng mahihirap. Pilitin mong maging ganoon din.” At hindi na hinintay na makasagot pa si Francis, kaagad ibinaba ni Nevada ang kanyang telepono.

Kulang na lamang ay ang telepono ang sakalin ni Francis.

Naisahan siya ni Nevada, ito ang nagbitiw ng huling salita. Hindi siya nakabawi.

Pasulyap-sulyap na sa kanya ang iba pang barangay officers ng Salvacion na naroroon din sa hall.

Ayaw niyang isipin ng mga ito na may problema siya sa pakikitungo sa mga taga-Awitan. Kaya kalmado niyang naibaba ang telepono at pakaswal na nagbigay ng utos sa sekretarya. “Inform the other officers na hindi muna tuloy iyong araw at oras ng formal and social meeting. Pag-uusapan pa lamang.”

“Yes, sir.”

“Call my attention kung may dumating nang message from Awitan, okey?”

Tango na naman ang sekretarya, akala mo hindi napapansin na mainit ang ulo ng kanyang boss. “Yes, sir.”

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

8 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 2”

  • 1 mr.big says:
    September 22, 2009 at 6:30 pm

    ang ganda ng istorya

  • 2 lady keannu says:
    December 3, 2009 at 12:44 pm
  • 3 angel says:
    December 6, 2009 at 1:56 pm

    maganda ang story……….

  • 4 boykudog says:
    December 6, 2009 at 1:58 pm

    d ko mapigil ang magbasa………..i l

    • 5 boykudog says:
      December 6, 2009 at 1:59 pm

      bobo ka nohhhhhhhhhhhhhhhhhh

  • 6 George G. Kelz says:
    January 14, 2010 at 1:40 pm

    arggggggggggggggg:>

  • 7 Jamila says:
    March 6, 2010 at 9:02 pm

    Hehehe. . . Astig si Nevada. Wawa naman si Pogi, naisahan agad.^_^L

  • 8 marvin says:
    October 25, 2010 at 8:51 pm

    ahaha.. ka tuwa naman ang istoryang ito… ^^

Mag-iwan ng mensahe...