Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 3

Lalo pa nga at kahit simple lamang na cotton skirt na pencit cut at cotton blouse na sabrina style ang kanyang suot, parehong pastel colors, classy at kagalang-galang naman siyang tingnan. Hindi siya alangan kahit pa itabi kaninuman na mayaman.

Dahil araw, bagay na bagay din talaga sa mainit na panahon ang kanyang kasuotan. At kahit aircon sa loob ng barangay hall, na tamang-tama lang naman ang lamig, kumportable pa rin si Nevada, hindi siya giniginaw.

Ang katabi ni Nevada sa paglalakad patungong conference room ay ang beterana nang kagawad ng Awitan, si Aling Isabel. Matanda na ito pero very active pa rin sa responsibilidad nito. At nahalal na ito nang ilang beses bilang kagawad.

Ang totoo nga ay naging kagawad din si Aling Isabel noong mga bata pa sina Nevada at Francis.

“Akalain mo, Nevada, parang kailan lamang iyon na kayong dalawa ni Francis Legaspi ay magka-partner sa sayaw sa isang Barangayan natin noon. Ngayon, dalaga at binata na kayo, at parehong barangay captain. At ang nakakatuwa, pareho rin kayong anak ng mga naging barangay captain noon ng Awitan at Salvation.”

Aliw na aliw si Aling Isabel sa pagbabalik-tanaw.

Hindi nagpahalata si Nevada na hindi niya ikinatutuwa ang nakaraang iyon. “Mabilis ho talaga ang panahon, Aling Isabel.”

“Natatandaan ko rin na nasubsob ka noon sa lupa at nasugatan.” Natatawa pa rin si Aling Isabel.

Parang gustong salatin ni Nevada ang pilat niya sa noo.

Parang nanariwang muli ang sugat nang mabanggit ni Aling Isabel ang insidenteng iyon.

Tingin niya, hindi alam ni Aling Isabel na ang pilat niya sa noo ay sanhi ng pagkasubsob niya noon sa lupa.

Na ang dapat lamang talagang sisihin ay si Francis Legaspi.

Tahimik lamang si Nevada, hinayaan niyang si Aling Isabel lamang ang dumaldal.

“Alam mo, may kasingtanda ko na rin na kagawad ang Salvacion. Nakailang halal na rin siya bilang kagawad. Matatawag mong close na rin kami sa isa’t isa dahil sa tagal na namin sa posisyong ganito.”

Na-curious naman si Nevada sa huling kuwento ng matanda. “Talaga ho? Ano po ang pangalan ng contemporary ninyo sa Salvacion?”

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 3”

  • 1 saira says:
    January 29, 2011 at 6:11 am

    ang ganda nkkainspire xa sana gawa p kyo ng marami,.,

  • 2 monic says:
    April 11, 2012 at 6:51 pm

    wow..ganda sana hindi rin bitin tulad ng iba..god bless and more power..

Mag-iwan ng mensahe...