Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 3

Pero hanggang doon lang ang kanyang kayang tiyakin. Napakaraming taon ang nagdaan. Napakalayo ng agwat na tinalon ng panahon.

Malay ba niya kung tumaba pala nang husto si Francis? Kung kasimbilog ito ng large size na siopao?

Malay ba niya kung nakakalbo na ito, premature balding ang inabot ng ulo nito?

O kaya… malay ba niya kung ubod naman pala ito ng payat? Ga-tingting ang katawan na para bang ang lahat ng bitamina at masus-tansiyang pagkain na kaya ng yaman ng pamilya ni Francis ay ni-reject ng body system nito?

Wala talaga siyang ideya. Dahil kahit sikat ang pamilya nina Francis ay hindi naman niya nakikita ang litrato ng binata sa mga society pages ng mga diyaryo.

Para bang nagpapa-low profile naman ito.

At siya naman ay hindi interesadong magbasa ng mga column ng mga society reporter. Wala siyang tiyagang tumunghay sa mga litrato na ang mga eksena ay party dito at party doon.

Malay ba niya kung doon pala madalas ma-feature si Francis Legaspi?

Hindi nga ba ang nabalitaan lamang niya ay miyembro si Francis ng isang elitistang club na ang pangalan yata ay The Zodiac Club?

The Zodiac Club? Bakit naman ganoon ang pangalan? Masyadong out of this world.

Hindi siya partikular sa mga zodiac signs. Pero alam naman niya na siya ay ipinanganak sa ilalim ng sign na Aquarius. Ang kaso, dahil nga hindi niya hilig, ni hindi niya inalam kung ano ang mga katangian ng isang Aquarian.

Para sa kanya, mababaw ang taong.naniniwala sa zodiac o horoscope.

Praktikal siya, riyalistiko.

Hindi siya maaaring maniwala na bukod sa tao mismo ay may iba pang puwersang kukontrol sa kapalaran ng isang nilalang.

Kaya katawa-tawa naman itong pagiging member ni Francis ng isang club na nakasentro sa mga zodiac signs ang paniniwala.

Tuloy, lumiit pa ang tingin niya dito. Abay nasaan ba ang substance ng isang taong malaki ang sampalataya sa horoscope? Hindi kaya nagkamali ang mga taga-Salvacion sa pagboto kay Francis Legaspi?

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 3”

  • 1 saira says:
    January 29, 2011 at 6:11 am

    ang ganda nkkainspire xa sana gawa p kyo ng marami,.,

  • 2 monic says:
    April 11, 2012 at 6:51 pm

    wow..ganda sana hindi rin bitin tulad ng iba..god bless and more power..

Mag-iwan ng mensahe...