Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 3

“Excuse me.” May taong nagmamadali sa kanyang likuran, ang gusto ay lampasan na lamang siya yamang hindi pa siya tuluy-tuloy na papasok.

Hindi siya masyadong lumingon kaya bahagi lamang ng katawan ng nasa kanyang likuran ang nakita niya. “Go ahead,” sabi ni Nevada, sabay tabi para ito makaraan.

Lumampas ito sa kanya.

Napatingin siya sa likuran nito.

Na-impress kasi siya sa tindig na perpekto. Matangkad ito, parang male ramp model ang pangangatawan. At class manamit, pang-corporate. Matangkad din naman si Nevada pero kinailangan niya itong tingalain dahil mataas ito sa kanya nang about four or five inches.

Kagawad din kaya ito? Aba, bata pa. First timer din siguro. Ngayon lamang nahalal.

Ang lalaki sa harapan na nakatalikod sa kanya ay natigilang bigla.

Padahan-dahan, humarap ito kay Nevada.

Napatanga sila sa mukha ng isa’t isa.

Napakatagal na noon pero hindi sila maaaring makalimot.

Wala naman kasing gaanong nabago sa mga mukha nila, na-enhance nga lamang ang mga good features.

Pareho silang na-caught off-guard ng pagkakataon. Hindi nila malaman ang sasabihin, ang ibabati. Ang paghangang pisikal ay natabunan ng tangay-tangay nilang negatibong persepsiyon sanhi ng nakaraan at pinatindi ng away nila sa telepono kamakailan lamang.

“Nevada Carreon?” Patanong pa ang pag-acknowledge ni Francis sa dalaga.

Siyempre, ayaw patalo, patanong din ang sagot ni Nevada. “At ikaw naman si Francis Legaspi, hindi ba?”

Napansin na pala sila ng lahat ng nasa loob.

Akala ng mga ito ay maganda ang batian nila, ang pagkikilala nang personal sa unang pagkakataon.

Kaya nang may unang pumalakpak, na sinundan ng isa pa — sina Aling Isabel at Luis Yap ang mga ito — nagsunuran na rin ang lahat.

Palakpakan habang nakatingin sa pintuan.

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 3”

  • 1 saira says:
    January 29, 2011 at 6:11 am

    ang ganda nkkainspire xa sana gawa p kyo ng marami,.,

  • 2 monic says:
    April 11, 2012 at 6:51 pm

    wow..ganda sana hindi rin bitin tulad ng iba..god bless and more power..

Mag-iwan ng mensahe...