Share Your Love!

Pilak Na Bughaw – Kabanata 3

Nag-applause sila para sa dalawang batang-batang barangay captains. Na buong akala nila ay nagbatian nang maayos sa kinatatayuan ng mga ito.

Hindi pa rin ngumingiti si Nevada kay Francis, matalim pa rin ang mga mata.

Kaya napatiim-bagang si Francis, itinago ang madilim na mukha sa mga tao sa likuran nito. “Look, we have to at least pretend that we are civilized people. Na hindi tayo nagkakainitan. Dahil natitiyak ko, magwu-worry sila kapag naramdaman nilang all is not well between us. Maaari ba, for their sake and for the sake of our two barangays, huwag muna nating ipahalata ang disgusto natin sa isa’t isa? Kailangan siguro natin ngayong mag-put up ng good frontā€¦ I have to escort you to your seat being the host of this meeting.”

Maagap din namang nakapag-isip si Nevada. Tama rin naman ang lalaking ito. Hindi nga sila maaaring magmukhang aso at pusa sa harap ng mga kagawad nila. Kung di ay mababalisa ang mga ito.

Kaya naman naging game na rin siya sa pagkukunwaring gagawin nila. “Sure. For the sake of appearanceā€¦ di sige. Magpapa-escort ako sa iyo sa aking upuan, Mr. Legaspi.”

Itutuloy….

Mga Pahina: 1 2 3 4 5 6

2 responses to “Pilak Na Bughaw – Kabanata 3”

  • 1 saira says:
    January 29, 2011 at 6:11 am

    ang ganda nkkainspire xa sana gawa p kyo ng marami,.,

  • 2 monic says:
    April 11, 2012 at 6:51 pm

    wow..ganda sana hindi rin bitin tulad ng iba..god bless and more power..

Mag-iwan ng mensahe...